RTS12

158 12 7
                                    

Hello sa mga nagbabasa. Announcement pala sa mga gusto ng dedication sa story na to don't hesistate to PM me or comment. I would gladly dedicate a chapter for you ^^

Enjoy reading..

Drake POV.
I am so proud of Lee right now. Kahit hindi siya nanalo still, to be able to rank second place, kahit first time niya sumali sa mga ganito, is an achievement already.

At alam ko naman nung naghahanap pa ng representative gusto na niya sumali, kaya lang nauunahan ng kaba at hiya ang lalaki ito palagi. Pfft! Nakakagulat malaman na marunong mahiya ang lalaki na ito.

Kaya madami ng opportunidad ang nawala sa kanya. Nanghihinayangan ako dun.

Which is why, I thank Kurt right now. Dahil kung hindi siya nag represent na sumali hindi maglalakas loob ang kababata ko.

"Naks! Congrats Lee, ang bilis mo pala tumakbo ha!" Bati ni mikael sa kanya tsaka umakbay

"Hahah pinaglihi ka ata sa ostrich Lee, akalain mo yun nauna na ang dalawang lalaki pero naabutan mo pa rin. Wow!" Namamangha komento naman ni Edward.

"I agree! And I think it should be Lee that would have win, if it wouldn't be for Rocco who tried to stop Kurt in the fourth station. Tss! The guy is such an A-hole." Gigil na sambit ni Macky habang napapadyak pa ng paa.

At nang makita ang inakto niya at sinabi. All of us were shock. For we are not use hearing Macky curse. Masyado kasi tong good boy, heheh kasunod ako sa kanya.Pero kahit pala nagmura eto, mukhang mabait pa rin siya pakinggan. Didn't know that was possible.

"Macky, ang cute mo nung nagmura ka heheh pero ok lang yun guys, kahit hindi tayo nanalo we did our best and that's all that matters." Sabi ni Lee

"Putek! Nag eenglish na siya! May himala! " Sigaw ni mikael na nagpatawa sa amin.

"Well, epekto yan ng pagkapanalo. Heheh"

"Tama ka dyan! At dahil nanalo ka ilibre mo kami ng buko juice."

"Huh!? Teka! Teka! Bakit ako?? Dun kayo magpalibre sa year level officer natin nasa kanila ang cash prize." Ani naman ni Lee sa sinabi ni Edward.

"Oh come on Lee, dont be kuripot! Minsan lang to."

"Eh hindi naman ako kuripot, Macky. Sadyang wala akong pera, kay Kurt tayo magpalibre. Mas madami yung pera."

"Ano ka ba, once in a blue moon lang iyon manglilibre, at kapag manglilibre naman may kailangan iyon sayo." Mikael stated.

I just chuckled to what Mikael said."Minsan lang naman ganun si Kurt ah. Grabe kayo sa kanya." Depensa ko.

"Naku naman Drake, wag mo ng ipagtanggol yun dahil it will be futile."

"Wow! Kung maka futile Edward ha, anong ibig sabihin niyan aber?"

"Psh! Yun lang naman pala, dali dali lang kaya ang ibig sabihin niya.. uhmm futile..uh..Drake explain mo nga sa kanila ang ibig sabihin." Sabi sa akin ni Edward

Natawa na lang kami sa kanyang sinabi. And here I thought he knows the meaning of it. Sigh, this guys.

"Akala ko pa naman alam mo."

"Tss alam ko naman talaga! Kaya lang baka hindi niyo maintindihan kapag ako eh kaya si Drake na lang ang ipapaexplain ko, tutal alam ni Drake ang summary niyan."

Nagpapalusot pa ang isang to.

"Ewan ko sayo, Edward. Puro ka kalokohan. Teka nga pala bakit hindi pa tayo umaalis dito? Eh kanina pa natapos ang event ." pansin ni Lee.

Rewrite the Stars {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon