RTS37

39 3 3
                                    

Suprise update! Heheh medj sinisipag ^^. Anyways ingat po tayo lahat, at manalangin po tayo palagi sa Maykapal na matatapos din eto soon ;) but for now, kung walang gagawin lets just stay at home and read wattpad xD. Lol.

Enjoy reading!

Third Person POV..
"Wooh!! Go kurt! Go kurt!!" Sigaw ni Isabel habang iniwagayway ang kanyang pompoms "You're the best! You're the best! Come on and beat the rest!! Wohoooo!!"

"Go Kurt! Go kurt! You're the best come and beat the rest!!" Sunod naman na cheer ni Yam.

Hindi maiwasan mapangiti si Yam ng konti habang kasabayan sa pagcheer si Isabel . Kasalukuyan nasa Gym sila at chinecheer si Kurt dahil nag lalaro eto ng badminton. And Just like yesterday may dala na naman cheering squad si Isabel tapos complete cheerleading outfit pa

Kaya naman tuwang tuwa si Yam na may kasabayan siya sa pag cheer ni Kurt. Natutuwa kasi siya sa energy ni Isabel, parang hindi nauubos. Kanina pa nagsimula ang laro at hanggang ngayon hindi eto tumitigil sa pag cheer.

She was happy cheering for Kurt, at mas natutuwa siya dahil may kasama siya sa pag cheer kay kurt. Naghiyawan ang mga ka sapi ng red team ng pumuntos na naman si Kurt kaya mas lalo siyang ginanahan echeer eto.

"Uwaaah! Go kurt! Go kurt! Move to the left! Move to the right! Kurt Alonzo fight! Fight! Fight!!" Ani niya at nang biglang napatingin eto sa pwesto niya binigyan siya nito ng isang kindat.

Natigilan si Yam sa kindat na iyon, dahil sa epekto nito. She suddenly felt like her heart stop a beat, eh multo naman siya kaya paano nangyari at nagawa iyon ni kurt sa kanya. But nonetheless saglit lang naman iyon, kaya naman ng makabawi siya sinubukan niya ededma lang yun.

Naisip niya kasi baka pinagtitripan lang siya ni Kurt or ano. Pero bakit ganun, napapangiti siya habang naiisip ang kindat ni Kurt sa kanya. At paulit ulit binabalik ng isipan niya ang ginawa nitong kindat.

"Uwaaah! Anong nangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako?  Bakit ngumingiti ako sa ginawa ni kurt? Kaloka! " she tried slapping her cheeks para mawala ang ngiti.

Pero kahit anong gawin niya napapangiti pa rin siya, tapos bigla pa pumasok ang nangyari kahapon nung inilapit ni Kurt ang mukha niya sa kanya. Mas lalo dumagdag sa kakaiba na nararamdaman niya.

"Uwaaah!! Whats happening? Bakit-"

"Yam, ok ka lang?" Bigla napatigil si Yam sa pagsasampal sa sarili dahil sa boses sa biglang sumingit.

Agad siya napaangat ng tingin at nakita si Kurt na may kakaibang ekpresyon sa mukha nito tapos hawak ang cellphone.

"A-anong ginagawa mo dito? Dba may laro-"

"Tss! Ako ang una nagtanong kaya naman sagutin mo. Bakit mo sinasampal ang pisngi mo? May nararamdaman ka ba?" Tanong nito

Nang marinig ni Yam ang sinabi ni Kurt na kung may nararamdaman siya, bigla niya naalala ang sinabi din nito kahapon..

"...Buti naman at naiilang ka lang, hindi kagaya ko halo halo ang nararamdan ko ngayon habang nakatitig sayo, you think its only you who felt something? Think again Yam, for because of you I have felt foreign emotions inside of me. Ayoko man sana aminin kung ano eto, pero masyado siyang malakas na hindi pwede balewalain."

Ano kaya ang ibig sabihin ni kurt nun? Bakit ganun ang sinabi niya? Ani ng isip ni Yam. At nang nasa malalim siya ng pagiisip nabigla na lang siya ng may sumigaw.

"Kurt! Bumalik ka na dito! Pambihira, akala ko ba saglit lang yan." Napatingin si Yam at nakita ang referee iyon ng laro.

Nakita niya na napairap lang si kurt dito at hindi inintindi ang pagsigaw sa kanya. Habang si yam ay hindi makapaniwala na nandito eto sa harapan niya at tumigil sa kalagitnaan ng laro.

Rewrite the Stars {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon