RTS43

47 2 9
                                    

Short update muna tayo. Heheh and I just wanna thank @NJ_Geminae book cover ng Rewrite the stars. Ang ganda! ❤❤ parang mas nainspire ako magsulat dahil sa ginawa mo ^^

Enjoy reading.

Kurt POV..
"Kailangan ba talaga natin pumunta? Ang boring nun" reklamo ni lee sa amin

"Agree ako kay Lee, pwede bang pass muna tayo at hayaan na lang yung mga freshman sa orientation nila. Napagdaan na natin yun last year eh. Sila naman." Ani naman ni edward.

"Kayong dalawa talaga kung ayaw niyo pumunta sa orientation ngayon eh di wag. Pero goodluck na lang sa inyo sa sanction na ebibigay ng DO." At dahil sa sinabi ni mikael tumahimik ang dalawa

Hindi na sila nagreklamo na epagpaliban ang pagpunta ngayon sa Orientation na gaganapin sa Auditorium ng school.

Inaamin ko tinatamad din ako pumunta ngayon sa orientation, dahil gaya nga ng sinabi ni Edward tapos na ako marinig eto last year. Atsaka alam ko naman na kapareho lang yung mangyayari noon at ngayon.

Balak ko sana magskip nito pero kinonsencya ako ni Yam, sabi niya dahil nasa Sophomore level na daw ako dapat daw mas maging responsable na ako magisip.

Tss... eh di wow. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil alam ko hindi siya titigil hanggat hindi ako makapunta sa orientation. Kaya naman nandito ako, kasama ang mga kaibigan ko.

"Welcome back students to Boyce High!! At sa mga freshman naman Welcome! We hope you enjoy, have fun and learn alot of things as you spend your time with us here in Boyce High. And  I am sure excited na excited kayo lahat magsimula ang school year na eto dahil ang iba sa inyo ay once step closer na lang para maka graduate. Di ba mga Seniors?" Ani ng host sa orientation ngayon.

Hindi ko na masyado pinakinggan ang pagsasalita ng host dahil inaantok ako. Wala naman masyado importante na mangyayari sa orientation. Dahil magsa sasalita lang ang mga head ng Boyce high about school and regulations.

Which is why balak ko na lang sana matulog dito sa upuan ko. Papikit na sana ako ng marinig ko ang sinabi ng host.

"This year we have been privilege that some of the Grandsons of our board of directors joined our student body this school year 20XX-20XX. But then that doesnt mean tatratuhin niyo na silang kakaiba. They are still students and walang special treatment ang mangyayari, pero ererecognize natin in order for them to know that they must be in their utmost behavior. So let me introduce them to you." Sabi ng host "Mr. Timothy Lim, Nickolas Alden , Jazzper Dominguez and lastly Xin Alexander Figuerro."

"Ouh! Diba yan yung pinsan mo drake na medyo spoiled nung Bh olympics?" Ani ni Mikael sabay turo sa isang lalaki na nakatayo sa stage

At para sagutin ang tanong ni Mikael isang tango ang ibinigay ni Drake dito

"Woah! Bigatin pala talaga pinsan mo drake no? Board of director yung lolo niya. Ibig sabihin nun ikaw-"

"Nope. The board of director is on the father side of Xin, while we are related to the mother side of him." Paliwanag ni drake

Napa Ahh na lang yung kaibigan ko sa sinabi ni drake. Habang ako ay tahimik lang sa aking pwesto at nakatingin sa mga pinakilala sa amin na mga apo ng board of directors dito sa school.

Mehehe.. kung board of directors ang mga lolo nila ibig sabihin sobrang yaman ng mga yun. Hmm..mukhang nakikita ko na ang mga potential customer ko.

Tiningnan ko sila isat isa at hindi ko maiwasan hindi mapangiti. Timothy Lim, mukhang maloko ang isang to, parang mahilig maglaro o magprank. May pagka maangas din ang datingan. Ngunit alam ko may tinatago etong kahinaan. Kung ano yun, eh malalaman ko din iyon.

Rewrite the Stars {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon