RTS29

104 5 11
                                    

Kyaah! Natapos ko ang update ngayon araw. Yiz! Maraming salamat kay Hu yi Tian para sa inspiration na kailangan ko xD Akala ko kasi hindi ko matatapos. Kasi Medyo nagiging busy ako, kaya naman hindi ko alam kung makakapag update ako sa assigned sched. Huhuhu.

Enjoy reading!

Kurt POV.
"Naku! Naku! Naman! Ano ba naman kapalaran yan Kurt. Talagang group leader mo si Rocco, amazing!" Sabi ni Lee tsaka sumubo sa buko pie ba gawa ni Mikael.

Nandito kasi sila lahat sa kwarto namin ni mikael, dahil nakipag chismisan sila. Oo, mga chismoso ang mga lalaking to. Nalaman lang na team leader ko si Rocco agad sumugod sa kwarto namin at ang mga walang hiya nakikikain pa. Tss, para lang sana sa akin yung buko pie ni mikael eh!

"Heheh baka may rumbulan mangyari sa Bh olympics lalo na sa Red cardinal. Tsk tsk.. well more chances of winning sa green orioles." Sabi ni edward.

"Hah! As if mananalo kayo. Golden hawks kaya! Woooh! Dba macky?" Ani naman ni mikael

"You are right about that mikael! We sure are gonna win!" Sambit ni macky habang ngumunguya pa.

"Hahahah sige, mangarap lang kayo ng gising dahil I am sure Blue Jays ang mananalo. " Sabi naman ni lee

Hindi ko na lang pinatulan ang kanilang pagmamalaki dahil busy ako sa buko pie. Wala din kasi akong pakialam dyan. Lalo na at kasama ko ang G*go na rocco! Tss..

"Tss...tigilan niyo na nga yan. Nagmamalaki kayo dyan sa mga team color niyo. Hindi niyo man lang naisip ang mangyayari kay Kurt." Sabi ni drake.

"Huh? Bakit? Ano bang mangyayari kay kurt?" Tanong ni Yam na nasa gilid ko.

Napatigil ako sa aking ginagawa tsaka tiningnan si drake. Oo, nga! Anong mangyayari sa akin?

"Kurt, makinig ka sa akin. Dba leader mo si Rocco? Kaya naman paalahanan kita. Na kahit anong mangyari kailangan mo sumunod sa kanya. Dahil ang hindi pagsunod sa utos ng team leader sa tuwing Bh olympics ay maglelead sa isang punishment. Na ebibigay ng Team leader niyo." Sabi nj drake

What the fuck!! Nang marinig ko ang sinabi ni Drake , lumaki talaga ang mata ko. Hindi ako makapaniwala na pwede iyon mangyari!

"You gotta be kidding me Drake! Ibig sabihin magiging sunudsunuran ako ng Rocco na yun!"

"Yes, because he is your team leader technically susunod ka sa kanya. But I know your relationship with him. Kaya sinabihan na kita sa rules. Baka kasi hindi ka sumunod sa kanya at magresult eto sa malaking gulo."

"Teka teka, kung magbibigay punishment ba meaning walang rules na susundin? Kahit ano pwede epunish?" Tanong ni Lee

"Anything. Basta hindi lang nakakamatay. So Kurt, I have told you already about the consequence. That is why-"

"AYOKO!! Fuck! This is bullshit! Bakit may ganyan na rule!" Sigaw ko

"Its only for Bh olympics that the rules apply."

"Kahit na! Tsk! Bakit ba kasi may Bh Olympics pa!? Dba nung last month sinabi na cancelled na yan! Anong nangyari at nabalik!!." Ani ko

"Oo nga no. Sabi nun last month walang Bh Olympics na mangyayari. Pero ngayon biglang natuloy." Sabi ni mikael

"Baka narealize ng board na kulang ang school year kapag walang olympics." Ani ni Lee

Bwesit! Ok lang kahit walang ganun na event! Hindi gaya nito, naiipit ako!

"Hmm.. sa tingin mo Kurt may kinalaman si Rocco dito? " Sabi naman ni Yam.

Napatingin naman ako kay Yam dahil nakuha nito ang aking interest. Hmm.. baka tama ang sinabi niya. Baka may kinalaman na naman ang G*go na yun dito! Argh! Kahit kailan talaga dakilang G*go ang lalaki na iyon! Siguro grabe ang pagiisip niya ng plano kung paano ako matatalo!? Hah! Pwes, nagkakamali siya. Dahil hindi ako basta basta matatalo!

Rewrite the Stars {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon