Sa mga nakabasa ng BVTB i am sure medyo familiar na kayo sa mga characters dito. Pero kung hindi niyo pa nabasa ok lang naman dahil ipakilala ko pa rin sila sa inyo. Heheh
Parasitemariya, ed!! Thank you talaga sa pag support sa story na tu heheh di bale sasabihan ko si Cole na mag Hi sayo heheh ayiee
Enjoy reading!
"Kurt!! Gumising ka na dyan! Malalate na tayo!!"Ughhh! Ano ba yan ang ingay ingay ni Cole! At bakit di na naman niya ako tinatawag na Kuya? Humanda sa akin iyon mamaya.
"ALONZO! "
That's it! Hinahamon talaga ako ng Cooler na to! Makikita niya ang kanyang hinahanap!
I aggressively open my eyes when I heard that loud voice. I was expecting that it belong to my brother. But to my surprise, yung umuusok sa galit na mukha ni Mikael iyon.
"Argh! Fuck! " I was so startled by it. Kaya muntik ako nahulog sa kama.
"Wow! Ganda ng greeting natin ah! Di uso Good morning sa inyo, Kurt?" sarkasmo nito sabi.
I just ignored what he said, and just stared at him with no expression.
Ano bang ginagawa ng lalaki na to sa kwarto ko? May kwarto naman siya sa baba ah! Ang feeling close din talaga nito.
Plano ko sana sabihin iyon sa kanya, pero nauna siya magsalita. " pambihira Kurt! Hindi ka talaga gagalaw dyan? First day na first day natin malalate na tayo. Kumilos ka na dyan!"
At dahil sa sinabi niya dun ko pa lang naalala na unang araw ko pala ngayon sa pagpasok. Tsk! Nakakatamad!
Balak ko sana eskip ang unang subject pero dahil sa nakikita ko reaction ni Mikael na nagagalit at mukhang toro nakaharap sa akin. Kumilos na lang ako at nag ayos papasok. Napaka kulit pa naman ng lalaki na to. Kahit ilang araw pa lang kami nag kakilala masasabi ko na talaga na makulit siya. Kaya naman alam ko sa oras na hindi pa ako mag aayos kukulitin lang ako ng lalaki na to.
At wala pa akong lakas para tiisin iyon!
"Grabe ka Kurt, tulog mantika ka pala! Halos mapaos na ako sa kakasigaw pero hindi ka pa rin nagigising. Kaya naman nag desisyon na lang ako na akyatin ka sa kwarto mo."Kanina pa nagsasalita si Mikael. Habang nag lalakad kami papunta sa una naming klase hindi matigil tigil ang pagkukwento niya kung gaano ako katagal magising, kaya nahirapan siya. Hindi ko na nga kinakausap pero parang okay lang ito sa kanya.
Baliw din talaga ang isang to! Kahit na parang kausap lang niya ang hangin di pa rin tumitigil. Patuloy niya sinasabi na malalate na kami dahil sa akin, pero di ko naman kasalanan iyon. Di ko naman siya pinaghintay, tsk!
"Ang laki laki pa naman ng Boyce High. Kaya nga grabe na ang effort ko para gisingin ka upang hindi na tayo ma late, pero-"
"Tsk! Sino bang nagsabi sa iyo na gisingin mo ako? Umuna ka na lang sana." Di ko na natiis ang pagsasalita niya. Sumingit na talaga ako.
At nang marinig ni Mikael iyon, yung magaling na lalaki nagpout. Pucha! Kadiri! Bakit siya nagpapacute? Hindi bagay.
"Kurt naman eh! Alam mo naman na ikaw lang ang kilala ko dito sa school, kaya mas mabuti na sabay tayo pumasok."
Tss. Ang bakla naman ng rason nito. Hindi na lang ako nagsalita at nag patuloy na lang sa paglalakad. Pero nagpatuloy muli si Mikael sa pagsasalita.
Hays! Bahala na nga siya dyan. Hindi ko na lang to papansinin.
At para magawa iyon tiningnan ko ang paligid ng bago kong eskwelahan. Malaki ang area ng Boyce High. May apat na building ang nasa loob nito. At lahat ng iyon ginagamit sa pag aaral. Ibang building kasi ang mga dormitories. Makabago ang mga disenyo ng building na parang taon taon nirerenovate. Tapos madali mo lang makikita ang loob sa mga building dahil halos balot ito ng glass window.
BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars {COMPLETE}
RastgeleKurt Alonzo, a boy who sees life in a different perspective. Wherein he thinks he can easily control life as he wants. With his wit and intelligence he thinks he can already defy fate and destiny. He thought he has everything under control. Until f...