RTS3

264 23 16
                                    

Congrats at naka chapter 3 ka, bigyan ka daw ni Kurt ng discount hehehe. Anyway this story is under revision . Matagal na tapos ang story na to pero ineedit ko pa ang ibang chapters. Kaya dahan dahan ko binabalik , hope you'll understand and continue to support this story. ^^

Dedicated to Jade0020, thank you for reading this story, nainspire ako sa comment mo heheh

Enjoy reading!

I am drinking an ice tea nang bumalik na si Mr Intramurals. At may kasama siya, ang babae nag friendzone sa kanya.

"Ah,Cindy I like you to meet my friend,Kurt Alonzo. Alam ko kilala mo siya pero gusto ko pa rin ipakilala siya sayo bilang kaibigan ko."

"Magkaibigan kayo ni Kurt? Eric."

She sounded so surprise. Why? Kagulat gulat ba kung sakaling kaibigan ko si Mr. Intramurals? Hmm...

"Yes of course! Bakit ganyan ka kagulat? May masama ba?" Tinanong ko siya habang tinagilid ang ulo ko.

"Huh? Ah..of course not. Nagulat lang ako. Matagal na kasi kami nagkakilala ni Eric pero ngayon niya lang ako pinakilala sayo. But it's nice meeting you." Sabi ni Cindy tsaka ngumiti.

Hindi ko na lang masyado pinansin ang kanyang sinabi dahil inaantok na ako. At hindi naman iyon importante, ang sasabihin niya mamaya ang dapat ko tandaan.

"Ah...so, guys since ako naman nag invite sa inyo para mag lunch, libre ko kayo. Ano gusto niyo?" Tanong ni Mr intramurals sa amin.

"Talaga? Naku, gusto mo tulungan kita sa pag order Eric? Baka-"

"No, it's ok kaya ko. Dito ka muna. And Kurt, wag mo masyado takutin si Cindy." Ramdam ko na parang may banta dun sa sinabi ni Mr. Intramurals sa akin.

Tss! Lakas ng loob niya kausapin ako ng ganun. Hindi naman kami close. Feeling close lang!

Pero sabagay kailangan niya maging feeling close para hindi mahalata ng babaeng to, na ngayon lang kami nagkakilala.

At nang kami na lang naiwan sa table, pansin ko ang pag iwas ng tingin niya sa akin. Parang natatakot siya sa gagawin ko sa kanya kung sakali mag abot ang tingin namin. Hula ko maraming fake news ito naririnig sa akin. Tsk! Tsk!

"Wag kang mag alala sa akin. What you heard about me isn't true. I don't bite." Umuna na ako magsalita in order to break the ice.

"Huh? Ah... naku, hindi ko naman iniisip-"

"Really? Kung ganun, bakit pakiramdam ko natatakot ka sa akin? Tell me honestly, ano ang naririnig mo tungkol sa akin?"

Hindi siya nagsalita. Kaya sinubukan ko ngumiti para mag mukhang mabait.

"Wag kang mag alala hindi ako magagalit." Ani ko "Dahil hindi naman yun totoo."

"Talaga? Hindi ka gangster? Hindi ka druglord or mafia?"

What? Saan niya naman nakuha ang balita na yan? Ang mukhang to druglord!?

Nasaktana ko dun! At gusto ko masapak ang nagsabi sa akin na drug lord ako! But I stop myself. My trabaho ako ngayon and fifty thousand is at stake. So I should not mess this up!

Kaya naman isinantabi ko ang aking naramdaman, and I tried my best to smile at her.

"Mehehe, there is no way na ako yan! Estudyante lang ako, siguro pasaway pero normal lang naman yun dba? Parang lahat ata tayo pasaway walang mabait na estudyante."

"Sabagay. Baka nga hindi ka ganun. Mukhang mabait ka naman eh. Siguro nasasabi lang nila na mukha kang drug lord ay dahil ang mga mata mo, parang galit parati." The hell!

Rewrite the Stars {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon