RTS26

86 6 27
                                    

Today is Saturday so here is our update. Heheh

Enjoy reading!

Kurt POV
"Ano kaya ang magandang panoorin?" Sabi ko habang nakahawak sa akin baba.

"Eto! " Sabi ni Yam tsaka itinuro ang isang Romcom na pelikula. Agad ko naman tinitigan ang poster tsaka agad nahulaan kung ano ang plot. Title palang eh halata na ang ending nito tss.

"Cliche yan. At halata naman na sila ang magkakatuluyan." Sabi ko sa kanya.

"Pero mukhang maganda eh. Kaya sige na eto na lang panoorin natin Kurt " ani niya

"Ayoko sa pelikulang walang thrill. Kaya mag thriller na lang panoorin natin."

"Nakakatakot ang thriller na pelikula dahil parati may humahabol sa iyo. Unlike dito sa Romcom chill chill lang at katatawanan." Sabi ni Yam habang nakaturo sa poster tsaka ang isang kamay nasa bewang.

Hindi ko napigilan na mapangiti dahil sa pag uusap namin. Natutuwa kasi ako dahil bumabalik na ang sigla ni Yam ngayon dahil pinipilit na niya ang kanyang gusto. At kung noon ayoko na may namimilit sa akin, eh iba kapag ang babae na tu ang gumawa. Kasi mas gusto ko pang marinig kung ano ang gusto niyang gawin kaysa tumahimik lang siya dyan at pinapaisip ako kung ano ang nagawa ko sa kanya.

"Bakit ba gusto mo talaga ang Romcom na pelikula? eh sa huli naman halatang magkakatuluyan ang mga bida sa storya. Walang ka thrill thrill ang ending."

"Wag mong masyadong isipin ang ending! Alam mo kasi Kurt sa tuwing manonood ako ng pelikula hindi ko naman inaabangan ang ending. Hindi ko masyado binibigyan na importansya yun. Dahil ang importante naman sa mga storya ay hindi ang katapusan ngunit ang mga kaganapan o pagsubok na nangyari bago narating ng mga bida ang dulo. " Sabi ni Yam " Dahil kung wala ang mga pagsubok na iyon hindi mo naman maabot ang ending. Kaya kurt, kahit alam kong cliche ang pelikula dahil nahahalata mo ang ending, eh gusto ko naman tingnan kung paano naabot ng bida ang naiisip mo na ending."

Napamangha ako sa sinabi ni Yam. Akalain mong may masasabi siya na ganun heheh. Galing talaga magisip ng babae na tu ng mga bagay bagay para makumbinsi ako.

"Sige na!! Eto na lang.. eto na lang! Sige naaa!" Sabi ni yam habang hinawakan ang sleeves ng damit ko

"Fine. Magroromcom tayo."

"Yes! Heheh dali bili ka na ng ticket. Bilisan mo ha para makapasok na tayo." Sabi ni yam at agad na pumunta sa cinema na kung saan dun epapalabas ang pelikula.

Pumila din naman agad ako sa ticket counter para bumili at di nagtagal pumasok na din kami ni Yam. Hindi pa madilim sa loob kaya libre kami makahanap ng magandang pwesto.

"Dun tayo kurt!" Sabi niya habang nakaturo sa ibabaw. Sinundan ko lang siya habang umaakyat kami para mapuntahan ang gusto na upuan ni Yam. At nang makaupo na hindi matago ni Yam ang excitement niya tungkol sa pelikula.

Para siyang bata na tumatalon ang pwet habang nakaupo. Kaya naman sinaway ko siya.

"Oi, wag ka ngang masyado maexcite. Hindi pa nagsisimula."

"Eh sa naeexcite ako kurt. Madami kasi nagsasabi maganda ang movie na eto. Kaya super nanabik ako na manood." Sabi ni yam

At dahil sa sinabi niya hindi ko na lang siya pinakailaman. For, ayoko masira ang mood. Pagbibigyan ko sa ngayon si Yam dahil halatang nasstress na siya nitong mga nakaraang araw. At ako din, gagawin ko eto oras ko para matutulog mamaya. Yes, matutulog ako mamaya dahil kahit ang ganda ganda ng speech ni Yam, alam ko sa sarili ko basta RomCom para etong sleeping pills sa akin. Because agad ako makakatulog habang nanonood.

Rewrite the Stars {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon