RTS27

114 7 12
                                    

Sorry kung ngayon lang aketch nakaUd, meron kasi akong ginawa nung lunes. Hope you understand.

Enjoy reading POV..

Kurt POV.
"Sino kayo?" Tanong ko sa 5 lalaki nasa harapan ko. Hindi ko sila kilala pero halatang halata ang pakay nila. Tsk! Sino ba ang lider ng mga kumag na tu!? At parang malaki ang galit sa akin?

Hmm.. sino kaya? Psh! Bakit ko ba iniisip iyon, ang dami may galit sa akin, mahihirapan ako hulaan kung sino..

But, kung etatally natin sa latest na may galit sa akin. May naisip na akong nangunguna sa listahan. Tsk!

"Hindi mo na kailangan malaman pangalan namin Kurt Alonzo, dahil makakalimutan mo lang naman iyon eh, lalo na kapag matamaan ka namin nito." Sabi ng isang lalaki habang pinapakita sa akin ang kanyang dala na baseball bat.

"Uwaa! Kurt! Sino ba yan sila? At bakit may dala sila na baseball bat? Aawayin ka ba nila?! Naku! Kurt, tawag tayo ng pulis!" Sabi naman ni yam habang hinihila ang damit ko.

"Wag kang matakot. Kaya ko tu!" Sabi ko sa kanya.

"5 sila kurt, isa ka lang. Anong laban mo sa kanila?! Tapos may baseball bat pa sila! Kurt, umalis na tayo!" Sigaw ni yam

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako natuwa sa ganitong concern ni Yam sa akin. Mehehe nababaliw na naman siguro ako, imbes na kabahan mas naramdaman ko pa ngayon ang saya dahil concern ang babaeng multo sa kapakanan ko.

"Chill, i can handle this-"

"Hoy! Sinong kinakausap mo!? Adik ka ba at nagsasalita ka sa ere!" Sabi ng isang lalaki

"Shhh.. wag ka munang magulo, dahil kinakausap ko ang Guardian angel ko. Ok?" Sabi ko naman sa kanya.

Pfft! Hahha nakakatawa ngayon ang mga pagmumukha ng mga lalaking eto dahil sa sinabi ko. Panigurado, aakalain na talaga nila na baliw ako! Mwahahha

Well, bahala sila dyan sa kanilang iniisip. Dahil mas mabuti na akalain nila iyon, para alam naman nila kung anong klaseng tao binabangga nila.

"May oras ka pa talaga makipag biruan sa mga lalaki na yan! Naku kapag ikaw mabugbog dyan, tutuluyan talaga kita kurt! Ang tigas ng ulo mo!" Ani ni yam sa akin

"Bakit Yam, may malambot ba na ulo? Mehehe." Sabi ko sa kanya habang nakangiti pa

"Mukhang baliw talaga ang lalaki na yan pre." Sabi ng isang lalaki

"Oo nga, pakiramdam ko may sayad sa ulo. " Ani naman ng isa

"Tumahimik nga kayo! Wag kayong magpapadala sa lalaki na yan, panigurado pinaglalaruan lang tayo niyan! Akala niya siguro madali lang tayo utuin, pero nagkakamali siya!" Sabi ng isang lalaki habang lumapit pa sa akin.

Fuck! Bakit ba lumalapit eto?! Ang panget panget niya! Tapos didikit pa siya sa akin. Anong pinaglalaban nito!? Siguro nagagwapuhan eto sa akin?

"Hindi mo dapat kami maliitin Kurt Alonzo, dahil kayang kaya namin baliin yang mga buto mo sa katawan!" Sabi niya pa tsaka ngumisi. At dahil sa ginawa niyang pagngisi, mas lalo siyang pumanget!

Tss.. ang weak ng panakot niya. Yan lang ba ang kaya niya? Eh gasgas na yan na linya! Ni hindi man lang tumayo ang balahibo ko sa katawan.

Pero kung gusto niya talaga makarinig ng panakot, sige sasampolan ko siya..para naman sa susunod alam na niya kung paano magbigay ng isang napakaeffective at nakakatindig balahibo na panakot!

At bago ko bitawan ang linya ko tumawa muna ako ng nakakaloko pero may halong kademonyohan. Tawa pa lang yan pero natakot na sila, ano pa kaya kapag binitawan ko na ang banta ko sa kanila?

Rewrite the Stars {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon