Chapter 11

3.2K 64 0
                                    

Transformation

Woah woah woah!!!! I'm so doomed!

"Shingina!!! Ikaw na! Ayoko nga!" Sabay tulak sa kanya. Shingina sya.

"Isa!" Bilang pa nito. Papatayin ko talaga tong asungot nato!

"Bat ba hindi nalang ikaw?!" Ih kasi naman andito kami ngayon sa....grocery eheheh bibili kasi kami ng necessary napkin! Yung sa mga babae. Ewan ba bakit kami bibili nyan.

At nag aaway kami sa pag dadampot lang ng simpleng napkin-.-

Ih kasi naman e ang daming arte. D daw kasi nya alam kung anong napkin bibilhin nya. Pinapakuha ko naman sa kanya. Ayaw nya nahihiya daw sya madami daw kasing tao. Tsk.

" tandaan mo Xianelle may kaso ka pa sakin!" I ruffle my hair in frustration. Nakaka inis syaaa!!!

"Fine!" Dinampot ko nalang yung dalawang necessary napkin tyaka ko nilagay sa basket tas kumuha pako ng iba pa. Tapos dahil sa nagugutom ako dinampot ko yung chips ehehehe.

"Oy! Sinabi ko bang bumili ka ng chips?!" Saway ni Jc. Dinilaan ko lang sya tas nag lakad na sa counter. Nag bayad naman sya. Yung mga cashier naman panay tingin samin ni Jc tss.

"Ang sweet naman nila. Lalo na si kuyang gwapo pinam bibili pa ng napkin si ate"
"Oo nga, ang gwapo ni kuya!"
"Ang perfect naman nilang couples"

Ang iingay ng mga bubuyog na to. Tss. D ko nga type tong lalaking toh! D ko nalang pinansin at nag lakad nalang palabas. Ganun din naman tong si Jc. Pumasok na kami sa kotse nya at dumiretsyo sa school. Aalis na sana ako ng hilain nya ako papuntang girls restroom. Aish! Ano nanaman ba?!

"Ano ba! Tapos nako sa parusa ko okay?! Let me go!!!" Pilit kong inaalis yung kamay nya pero mas lalo nya pang sinikipan aish!

"Isa pa! Pumunta ka dun sa girl restroom. Kumatok ka dun at ibigay mo to dun sa tao dun" bossy nyang sabi. Inirapan ko muna sya bago kunin yung plastick.

Kumatok ako dun sa pinto. Binuksan naman nya ng bahagya.

"Hi, Im barbie. At pinapabigay pla ni Jc" tas inabot ko sa kanya yung plastick bag. Ngumiti naman sya at hinila ako papasok.

"Thank you ate barbie!" Ngumiti lang ako. Kaya pumunta sya sa isang cubicle. After ilang minutes lumabas na din sya. Nag hugas sya ng kamay  nya. Ang ganda nya ah. Mahaba yung buhok nya tas kulay white tapos kulot sa baba. Tapos ang puti nya, medyo matangakad. Pwede ba yung tangakad. Ano kaya to nung asungot na yun? Girlfriend kaya nya? Sabagay bagay naman sila..

"Matutunaw po ako" dali dali naman akong tumayo ng maayos.

"Ah ano..sige una nako ah? Nga pla andun boyfriend mo" sabi ko sa kanya.

"Boyfriend?" Nagugulahan nyang sabi.

"HAHAHAHAHAHAAHAHAHA si kuya Jc ba? Nuh ba hindi ko yun boyfriend. Pinsan ko yun" nganga. Yan kasi Barbie ang pakielamera mo! Shunga nakakahiya ka!

"Oh eh..ganon ba? Hehe" sabay kamot sa batok ko.

"Ji Hae Tian" hanuh daw?! Pangalan nya ata yun. Aba! May lahi! Hehehehe

"Barbie" tas nag shake hands kami.

"Yung mommy kasi ni kuya Jc kapatid ni mama." Ah okkkk!

*knock knock*

Sabay naming tinignan yung kumatok. Dali dali naman naming binuksan yon at si Jc pla.

"Ang tagal nyo!" Hinila na naman nya ako palabas. Ouch!

The Cassanova Breaker[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon