Chapter 21

2.7K 57 0
                                    

Lies

2 weeks later...

2 weeks na simula ng maging kami ang bilis ng panahon noh? Sa loob ng 2 weeks masasabi kong masaya kami. Masaya lang, minsan nag kakatamupahan, hindi mo naman kasi yun mawawala sa isang relasyon. Sa bawat pag subok na nadadaanan nyo eh yun pa ang nag papatibay sa relasyon nyo. Walang perpektong relasyon.

"Are you ready babe?" Ngiti kong sabi. Tumingin naman sya saakin at ngumiti.

"Legooo!" Sigaw namin at nag tawanan.

Sa gitna ng pag lalakad namin sa mall nakita ko sila Jasline shit! Iniiwasan ko sila simula ng maging kami ni Jc. Ayokong malaman ni Jc ang deal siguradong gulo ito! Nabalik ako sa reyalidad ng kalbitin ako ni Jc.

"Babe wait lang ah? May bibilhin lang ako. Mabilis lang. I love you" tapos kiniss nya ako sa lips smack lang. Tapos umalis na sya. Hindi ko alam kung san ako pupunta ng makita kong papunta sa direksyon ko sila Jasline. Shit! This can't be! Wag ngayon pls!

"Hi dear barbie" ngiti nitong sabi kasama nito si Rizaline.

"H-hey" utal kong sabi. Pinag papawisan ako ng malagkit.

"Nyare syo?" Natatawa nito sabi na para bang alam na nya ang lahat.

"Huh? Ano w-wala" utal ko pa ding sabi.

"Oras na bie para matapos ang deal alam mo naman na siguro ang gagawin?" Ngisi nitong sabi.

"Ang t-totoo kasi nyan...M-mahal ko na sya Im sorry hindi ko magagawa yung sa deal hindi k--"

"Deal?" Napahinto ako sa nag salita. It was Jc.

"Anong deal? I dont get it" mag sasalita pa sana ako kaso inunahan ako ni Rizaline.

"Deal. May deal kami na kapag na inlove sya syo eh tapos na. Mag brebreak na kayo. Lahat ng ginawa at pinaramdam nya syo ITS ALL FAKE!" sabay halakhak nito. Umiiyak ako dito at hindi alam ang gagawin.

"Totoo ba?" Kalmadong sabi ni Jc.

"M-maha--"

"TOTOO BA!?" this time lumakas na ito kaya napatingin na ang lahat ng tao samin. Napapikit ako ng mariin.

"Yes but--"

"Fvck Barbie!!! Bakit!? Ano bang--Shit!" Umalis ito na galit na galit. Tumatawa lamang sila Rizaline..

Ano ba tong ginawa ko!?

-----

"Bie! Wake up!" Napadilat ako ng mata. Ang bilis ng tibok ng puso ko at pinag papawisan ako!!

"Anong nangyare babe?" Alalang tanong ni Jc. Niyakap ko sya at humagulgol. Akala ko totoo na..

"Sshhh tahan na. Ano bang nangyare?" Tanong nito.

Andito kasi ako sa condo nya. 2 weeks na din kami parang sa panaginip ko. Kinakabahan ako..

"Nanaginip kasi ako pero dont worry ok na ako" bumitaw ako sa pag kakayakap.

"You sure?" Alala nya pading sabi tumango ako ng naka ngiti para malaman nyang ok lang talaga ako.

Napabuntong hininga sya.

"Akala ko naman napano kana. Lets go may hinanda ako para sa lunch natin" bumaba na kami at nag punta sa kitchen at kumain. Tahimik lang. Naiisip ko pa din yung napanaginipan ko. Maraming what ifs na nabubuo sa isip ko. Napabuntong hininga ako.

Ginusto mo naman yan diba?

Bulong ng maliit na boses sa tainga ko.

"Ok kalang? You look pale" alalang tanong ni Jc.

"Ok lang ako" sabay ngiti ko. Para maasure sya sa ok lang talaga ako pero deep inside hindi. Ganyan naman talaga ako eh.

"Anyways, lets go punta tayong mall" natigil ako sa sinabi nya. M-mall?

"Ah ano ah..." napatingin naman ito sakin na naguguluhan. Napabuntong hininga ako. Nakokonsensya na ako..pero ayoko syang iwan. Hanggat kaya ko gagawin ko. Wag lang syang malayo sakin. I can take all the consequences but not now...

"Are you sure na okay kalang talaga?" Tanong nya.

"Ya. Ok lang ako. M-mag bibihis lang ako." Tatayo na sana ako ng hilain nya ako paupo at dinampian ako ng halik sa noo.

"I love you" bulong nya sa tenga ko.

"I love you more"

----

"Ok ba babe?" Sabi ni Jc habang inaayos ang buhok nya. Tumango naman ako ng naka ngiti.

"Bagay na bagay syo babe! Para kang model ng damit nyan!" Natawa kami ng pareho. Andito kasi kami sa mall bumibili ng kung ano ano. Tapos nag aya si Jc na bumili ng damit nya.

"Tara na babe bilhin nanatin to tas kumain na muna tayo nagugutom na ako" pag papacute nya pa. Tinawanan ko nga.

"Gagi ka kase! Sige na palitan mo na yang damit at ng maka bayad na tayo gutom na din ako"

"Ok babe. I love you" sabi nito at pumasok na sa fitting room.

---

Ang tagal naman ni Jc! Andito kasi ako sa labas ng mall kinuha kasi ni Jc yung kotse sa parking lot. Umulan din kasi kaya sya nalang yung kumuha at dadaanan nalang daw nya ako dito.

"Wait...Barbie?!" Napatingin ako sa nag salita. Namilog ang mata ko sa nakita ko.

"Jasline!?" Tumakbo ito papalapit sakin at niyakap ako ganon din ako.

"I miss you!" Patalon talon pa sya kaya natawa ako.

"Miss you too! Musta na?" Nalungkot naman ang mukha nya.

"Ayun nag ka problema ng onte. Nabalitaan naming kayo na ni Jc. At alam nating lahat na kaylangan mo ng gawin yung na pag kasunduan." Nag bago ang expresion ko. Hindi pwede...

"K-kailangan na ba talaga?" Kabado kong sabi tumango naman ito.

"Kaylangan na talaga bie eh. Anyways, naka handa na yung condo at kotse mo. Kaya kaylangan mo ng gawin yung deal--"

"Deal? Anong deal?" Nanigas ako ng marinig ko ang boses nya...NO! PLS NO!!!

"A-anong deal? Bie? I dont understand. Can you p-please explain it t-to me?" Humarap ako sa kanya. Naluluha na sya ganon din ako. Ang sakit sakit makitang nasasaktab yung mahal mo lalo na't alam mong ikaw ang dahilan nun.

"Ah..yung deal namin? Nice timing Jc. Now mas madali na to. Pumayag si barbie para wasakin yang puso mo. Yung mga ginagawa nya? Its all part of the deal! Hindi totoo yon! Lahat yon--"
"SHUT UP! TELL ME BIE HINDI YUN TOTOO. DIBA MAHAL MO AKO!? YOU PROMISE ME NA HINDI MO AKO IIWAN!" hindi na nya napigilang umiyak ganon din ako.

"I-Im sorry babe. I-I love you--"

"What!? Bie! Sabihin mo na! Sabihin mong deal lang yo--"

"I SAID SHUT THE FUCKING UP! IM TALKING TO YOU BIE! TELL ME!? TOTOO BA!?" galit na nyang sabi mas lalong lumakas ang pag hikbi ko.

"Y-yes but--"

"Ok now I know. Thank you huh? Ano bang kasalanan ko syo!? Bat mo ako niloloko!? Nag paniwala naman ako!?ang tanga ko din na naniwala sayo! Fvck bie! Akala ko totoo! Akala ko--shit! I dont want to see you forever! Condo? Car? Congrats! You finally do your job!" After that he leave. Napaupo nalang ako sa sahig. Wala akong pake kung pinag titinginan na ako.

"I-Im sorry..." tanging bulong ko bago ako mawalan ng malay...

I love you jc till my last breath...

---



The Cassanova Breaker[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon