I got your back
Jc's POV
I'm ready to face her, physical, emotional and mental. Hindi ko na pinatagal pa at walang ano ano nag doorbell na ako. Maka tatlong doorbell na ako at dun palang ako pinag buksan ng isang medyo may katandaan ng babae at bakas sa mga mata nito na kakagaling lang nyang umiyak"Bakit po sir?" Nag buntong hininga ako bago mag salita.
"Andiyan po ba si Barbie?" Ngumiti ito ng pilit bago umiling.
"Hindi mo ba nabalitaan ijo?" Nabalitaan? Ang ano? May nangyari bang hindi ko alam?
"Ang alin po?" Muli nanamang naiyak ang babae kaya nataranta ako at hindi alam ang gagawin.
"Si Barbie..." nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Ano daw!? Si barbie!?
"Ano pong nangyayari sa kanya!?" Hindi ko na alam ang gagawin ko nabalot ako ng kaba sa kung ano mang lumabas sa bibig ng matanda.
"Si Barbie....nag aagaw buhay sa hospital..." tuluyan ng bumagsak ang mga luha kong gustong kumawala kanina pa. Ano? Ano bang..shit!
----
Tumakbo ako papuntang room ni Barbie at naabutan ko si Jasline na umiiyak kasama ang mga iba pang babae na tingin ko ay kaibigan nya."Si Barbie!?" Natataranta kong sabi. Umayos sila ng tayo at pinunasan ang mga luha nila.
"Nasa room nya....kasama sila doc" please sana naman walang mangyaring hindi maganda sa kanya...kaya kong kalimutan ang ginawa nya sakin basta maging ligtas lang sya...please lumaban ka babe...
-----
Matapos ang ilang oras lumabas na si doc kaya agad naming syang nilapitan."Kamusta po si Barbie?" Tanong ko.
"Maayos na ang kalagayan nya pero huwag muna tayong pakampante dahil malakas ang impact ni Barbie at inatake sya kanina...baka matagal pa bago sya ma fully recovered yun lang excuse me" umalis na si doc at napa upo nalang ako. Why world hates me so much? Bakit pati si Bie na damay? Hindi ba pwedeng ako nalang? Alam kong may mali si Bie pero I can't blame her kahit naman ako ang nasa posisyon nya gagawin ko din yun para sa ibang tao. Napaka gago ko lang talaga.
---
Barbie's POVArrr! Ouch! I open my eyes and I saw my mom....Am I dreaming? Why mom is here? Nasan ba ako? Diba patay na si mom? Bakit...
"Wag kang matakot anak" ngumiti si mama at hindi ko mapigilang maiyak at tumakbo papalapit sa kanya para yakapin sya. I miss you so much mom.
"Mom,patay na po ba ako?" Hinaplos ni mama ang buhok ko at hinigpitan ang pag kakayakap nya.
"Nasa sayo anak...pagod kana ba? Kung gusto mo may paraan anak...pwede kang lumaban pero kung sa tingin mo eh hindi mo na kaya pwede ka ng sumama sa akin anak ko" napaiyak nalang ako. Parang ayoko ng umalis pa sa tabi ni mama..ayoko na syang iwan pa. Miss na miss kona si mama pero paano ang mga naiwan ko sa mundo? Paano sila Daddy? Mama? Ate at...Jc? Kailangan ko pang humingi ng tawad sa kanya...mahal ko sya hindi dahil sa kailangan...kung di dahil naramdaman ko...naramdaman ng sarili kong puso.
"Sumama ka sa akin anak" kumalas si mama sa pag kakayakap sa akin at hinawakan ang kamay ko para alalayan sa isang puno. Para itong puno sa mga palabas? Yung kulay pink at punong puno ng mga bulaklak.
Huminto kami sa mga pinto roon.
"Pumili ka ng una mong papasukan anak..." napakunot ako ng noo dahil sa sinabi ni mama.
"Para saan po?" Ngumiti si mama at para bang sinasabi nya na "mag tiwala ka lang anak hindi kita pababayaan"
Una kong pinasukan yung nasa right side at pag pasok ko roon nakarinig ako ng mga boses at makikita mo roon sa parang salamin sila daddy...
"Anak lumaban ka please, wag mo kaming iwan nila mama" napaiyak nanaman ako dahil sa nakita ko--nakahiga ako sa hospital bed at umiiyak si mama, daddy at ate.
"Wag mo muna kaming iiwan Bie, marami pa tayong kailangan gawin bilang mag ina" paki usap naman ni Mama. Pinunasan ni Ate yung pisngi nya at hinawakan ang kamay ko.
"Sis, fight fight lang kaya mo yan. Wag kang bibitaw alam kong hindi tayo ganoon ka close pero kahit ganon pinaramdam mo sa akin kung paano mag karoon ng kapatid. Kaya fight fight lang...hinihintay kapa ni Jc oh" pag katapos ng sinabi ni ate biglang umalis ang mga mukha nila sa salamin at bumukas na ang pinto kaya lumabas na ako at sumunod na pumunta sa left side.
Pag pasok ko nakita ko sila Jasline at Rizaline pati ang mga iba ko pang kaibigan.
"Laban lang Bie,marami pa kaming gagawin para pasalamatan at mag sorry syo, pasensya na kung dahil samin nangyari to...wag kang mag alala hinding hindi na mauulit. Salamat ng sobra Bie" naiiyak na sabi ni Rizaline. Hindi naman nila kasalanan eh. Ginusto ko to kaya kailangan kong panindigan.
"Please laban lang, gusto pa naming makita ang love story nyo ni Jc. Alam namin na napabago mo sya at alam din naming seryoso sya syo." Kung hindi din naman ako pumayag hindi ko makikilala si Jc kaya wala akong pinag sisisihan kahit pa hindi man maging kami ni Jc atleast naranasan ko ang mag mahal ng totoo at natuto ako sa mga bagay bagay.
"Wag susuko bie!" Sigaw nila bago ako tuluyang lumabas sa pinto. Huminga muna ako ng maluwag bago tuluyang pumasok sa pinaka huling pinto.
Napatulala ako at tuluyan ng nag buhusan ng walang tigil ang mga luha ko ng makita ko kung gaano nasaktan si Jc.
"Kahit ano pang nagawa mo sakin kaya ko yung kalimutan Babe...basta gumising ka lang. Kaya kitang patawarin at kung sa kali mang wala kang naramdaman sa akin hindi kita pipilitin...papakawalan nalang kita at magiging masaya para syo. Salamat sa lahat Babe...mahal na mahal kita at alam kong totoo tong nararamdaman ko" sa huling pag kakataon hinalikan nya ako at tuluyan nang nag liwanag ang paligid...
*TIIITTTTTTT*
"BIEEEE!!!"
----
A/N: this is the last Chapter before Epilogue.Dedicated to: AylieKrizzel and teli04
BINABASA MO ANG
The Cassanova Breaker[COMPLETED]
Short StoryCassanova. Isang girl na kayang patinuin ang isang cassanova. Isang kwento kung paano nga ito na pa tino madaming nag tataka. Bakit? bakit nya papatinuin ang isang CASSANOVA? madaming ang nang huhusga at sinasabihan syang "na prapraning na ba sya? P...