Complicated
Papasok nako sa bahay at dederetsyo na sana sa may kwarto ko ng tawagin ako ng isa sa mga kasambahay namin.
"Ma'am Barbie, tawag po kayo ni Sir. Punta nalang daw po kayo sa office nya" ano kayang kailangan ni dad? Kinabahan naman ako bigla.
"Ah ok sige po" matapos yun ay umalis na din sya ganun din ako upang mag tungo sa office ni dad sa may 3rd floor.
Bago pumasok kumatok muna ako. Pinapasok naman nya ako. Naabutan ko syang naka talikod ng maisarado ko na ang pinto dahan dahan itong humarap at pinaupo ako.
"Kamusta sa school?" Panimula nito.
"Ok naman po." Tipid kong sabi.
"How was your da--" I cut his word.
"Exuce me dad but can you please straight to the point?" Medyo inis kong turan. Ayoko kasi ng binibitin ako. At mukhang alam ko nanaman ang sasabihin nya. Bakit hindi nalang nya deretsyohin?
"Haist. Ok. Bie, hindi na si Jim ang idadate mo" deretsyong sabi nito. Kahit alam ko na nalulungkot pa din ako. Dahil naging malapit na sa akin si Jim. Pero gaya nga ng sabi nya kahit naman na hindi na sya ang idadate ko eh pwede pa kaming mag date kahit friendly date ba.
"So sino po?" Ngumiti naman ito. Parang may mali?
"Bukas din ang meet up nyo. Nag send na ako ng appointment bukas. Tutal eh sabado naman" tumango na lamang ako. Wala naman kasi akong choice. Sa ayaw at sa gusto ko ganto talaga ang kapalaran ko...ipapakasal sa taong hindi ko naman mahal...haist.
************
7:30 am
"Lets go bie!" Tawag sakin ni mama sa baba.
"Yes ma!" Tiningnan ko muna ang itsura ko sa salamin bago lumabas ng kwarto ko. Ngayon kasi ang bonding namin ni mama. Ewan. Gusto lamg daw nya na kahit ngayong sabado lang may alone time kami.
"Ang ganda talaga ng anak ko" masayang sabi ni mama. Napangiti tuloy ako. Naalala ko kasi sa kanya si mommy ko. Miss yah mom :)
Sumakay na kami sa kotse ni mama sya kasi ang nag dridrive. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan ni mama sa buong byahe. Close naman kasi kami ni mama eh. Yun nga lang hindi mo naman maaalis sakin ang pag kailang dahil hindi naman ako galing sa sinapupunan nya.
Pero kahit naman ganon anak pa din ang turing nya sakin. Minamahal nya ako na parang tunay na anak.
"Wohoo! Earth to Barbie" sabay kaway ng kamay ni mama sa harapan ko. Natungana nanaman pla ako.
"Eh? Sorry po. May na isip lang. Tara na po?" Ngumiti naman ito at unalis ang seatbelt nya ganun din ang ginawa nya sakin inalisan nya ako ng seatbelt. Sweet^^
"Legooo! Shopping na tayo!" Natawa naman ako sa inasal ni mama kung kumilos kasi parang kasing edad ko lang sya HAHAHAHAHA
----
2:00 pm
Andito na kami ngayon sa bahay. Yeah 2 na po kami naka dating. Ang dami kasi naming ginawa ni mama. Pagod na pagod nga kami eh.
"Ang saya! Next time ulet" natatawang sabi ni mama pag pasok namin sa bahay.
"Hon!" Napatingin kami sa sumigaw. Si daddy pla. Mabilis naman itong lumapit at hinalikan ako sa ulo at hinalikan naman si mama sa lips. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Ayokong makita. Masakit eh.
"Anyway, Barbie and Shaine mamaya na ang dating nila" sabi ni dad. Nila? Yung bang mga idadate namin? Siguro.
----
6:30pm
Bumaba na ako sa kwarto ko at dumeretsyo sa dinning area.Nag set kasi ng 'salo salo' si dad para daw sa pag dating nila. Pag pasok ko wala pa naman sila. Si dad,mama and Shaine palang ang andun. Madaming pagkain na akala mo eh isang baranggay ang papakainin mo.
Buffet kung buffet. Nakakatakam tuloy.
Naupo na ako sa tabi ni Shaine na halata sa mukha nito ang medyo kaba na may halong..saya?
Matapos ang 20 minutos at dumating na rin sila sawakas. Nag bukas ang pinto ng dinning at para bang slow motion ang nangyari.
Nang tuluyan silang makapasok para bang nalaglag ang puso ko sa pag kabigla. Can someone tell me Im dreaming?
"Take a seat guys" umupo ang dalawang nag gwagwapuhang nilalang sa harapan namin ni Shaine.
Kumain lang kami ng tahimik. Naguguluhan pa din ako hanggang ngayon. Masama din ang pakiramdam ko na para bang may mali?
"Barbie..Shaine...Argem..and Jc" pag babasag ng katahimikan ni Dad.
"Sila ang idadate nyo.." para bang nanlumo ako sa sinabi ni dad...so si Argem? Sya ang idadate ko? Bakit hindi nalang si Jc? Bakit kaylangan pa tong mang yari? Bakit din ba nasasaktan ako? Hindi ba't mas magandang si Argem nalamang ang idate ko kaysa kay Jc dahil may deal akong pinirmahan? Hindi bat mas madali kong mawawasak ang puso kung totoo mang gusto nya din ako?
Hindi ko alam pero tumayo ako at tumakbo sa garden kasabay ng mga tawag nila sa akin ang pag buhos ng mga luha ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
Naupo ako sa damuhan at dun umiyak ng umiyak. Sa ngayon ito lang ang magagawa ko. Ilabas ang lahat...lahat ng sakit na nasa puso ko na para bang pinapatay ako sa pag tusok nito at unti unting napupunit sa hindi mo malamang dahilan.
"Ilabas mo lang. Andito naman ako" napatingin ako sa nag salita.
"Jc" bulong ko at hindi ko namalayan na nasa mga bisig na nya ako.
"Can you please stop crying? Nasasaktan ako" niyakap ko na lamang ito ng mas mahigpit at humagulgol.
"Yahh! Wag ka ng umiyak jan" sabay himas nito sa buhok ko. Hindi ko mapigilan eh!
"Talaga bang ikaw yung idadate ni Shaine?" Natigil naman ito at hinarap ako.
Pinusan naman nya ang luha ko gamit ang kamay nya.
"Sshhh..so about don kung bakit ka umiiyak?" Napaiwas naman ako ng tingin. Pero hiniharap naman nya agad ako para makita nya ako ng buo.
"Tell me" tumango na lamang ako dahil iyon naman talaga ang totoo.
"Sabi na nga ba may gusto ka sakin eh" pabiro nitong sabi kaya sinapak ko sya sa dibdib nya. Pero natawa lang ito.
"Lalaban ako..lalaban tayo. I love you too bie. Iba ka sa mga babae ko. Sa mga naging babae ko. I promise na hindi kita papaiyakin. Mahal kita hindi ko alam bakit at paano. Basta naramdaman ko nalang. Ipag lalaban kita basta hayaan mo akong mahalin ka at ipag laban ka. I love you so damn much. Na araw araw kong pinipigilan ang sarili ko na mahalin ka pero hindi ko kaya. Damn. Sounds gay pero yun ang totoo. I want to kiss you. I want to cuddle with you. I want to see your face everyday, every seconds,every hours. Gusto kong sabihan mo ako ng 'i love you' araw araw. Damn. Mahal na kita" napaiyak ako sa sinabi nya. Mahal nya ako...at alam kong seryoso sya dun..
"Mahal...na mahal...kita. i love you Jc" napangiti naman ito. At inilapit ang mukha nya sakin. Then We kiss. Hindi ko na muna aalahanin yung deal..yung consequences na haharapin ko. Basta ang alam ko lang...mahal namin ang isat isa...mahal ko sya...mahal nya ako...
-----
BINABASA MO ANG
The Cassanova Breaker[COMPLETED]
Short StoryCassanova. Isang girl na kayang patinuin ang isang cassanova. Isang kwento kung paano nga ito na pa tino madaming nag tataka. Bakit? bakit nya papatinuin ang isang CASSANOVA? madaming ang nang huhusga at sinasabihan syang "na prapraning na ba sya? P...