First Step
Jc's POV
"Grabe pre ang ganda nya talaga!"
"Oo nga pre parang nakita ko na yun dati ah?"
"Oo nga pre tara andun pa daw sya sa main gate tara!"Tingina nasa hallway nako panay nila pinag uusapan yung lintik na babaeng maganda daw. Eh wala naman akong nakitang maganda dun!
Habang papasok ako sa room namin panay nanaman hiyawan samin nitong si Argem. Wala si Shawn. Late nanaman-.-
Pag pasok namin panay parin yung pinag uusapan yung babaeng maganda daw! Matanong nga tong si Argem baka may alam.
"Oy, napano kaba jan? Kahapon ka pa tulala? Nung nangyare syo?" Napansin ko lang panay tulala to. Tyaka napansin ko din na bakit yata wala yung kaibigan nung si Xianelle? Napansin ko din bakit ang dami kong napapansin?!-___-
"Ah? Wala ah." Pag dadahilan nya. Tss akala mo naman hindi ko napapansin.
"Pare, alam mo ba yung mga pinag uusapan nilang babaeng maganda daw?" Tanong ko sa kanya. Mukha namang wala narinig aish!
"Pare ano ba?!" Nagulat naman sya.
"Ah? Tinatawag mo ba ako?" Napakamot ako sa ulo ko dahil sa pikon.
"Oo, sabi ko kilala mo ba yung pinag bubulungan nilang magandang babae daw?" Nag isip muna to bago umiling.
"Ewan pare" sino ba kasi yung babaeng sinasabi nila?! Nacucurious nako ee. Pumasok nalang kami sa room namin at umupo sa upuan namin.
"Wala ata si Xianelle?" Bulong ko. Eh dati naman kasi mas naununa yon sakin. Bat ba ang dami kong napapansin ngayong araw na to? Nakakagigil na-.-
"Woah! Ayan na sya! Kaklase pla natin dre!"
"Ang ganda nya talaga!"
"Wit wew!"Pag tingin ko sa pinto muntik nakong mahulog sa upuan ko. Si Xianelle ba yung pinag kakaguluhan nila?! Tyaka bakit ganyan mukha ni Xianelle?! Bat *Ehem* gumanda?! Pero syempre slight lang!
Umupo na sya sa seat nya. At syempre trip kong mambwisit. Panalon kasi mukha nya pag nabwibwisit.
"Oy Xianelle, anyare sa mukha mo? Ang panget mo" pambwibwisit ko. Humarap naman sya at ngumisi. Tapos bigla syang tumayo at lumapit sakin. Shit bat ang HOT nya? Arggg... si Xianelle pa din yan Jc! Yung Xianelle na panget na gustong gusto mong bwisitin!
"Talaga lang ah?" Lumapit sya ng lumapit kaya napalunok nalang ako. Ano bang ginagawa nya?! Siniseduce ba nya ako?! Oh well, effective ah!
"Tingina lumayo ka sakin Xianelle baka anong magawa ko syo" baka mahalikan nalang kita jan! Ngumisi naman sya kaya hindi ko na napigilang halikan sya pero bago tumama yung lips ko sa kanya hinarang nya ito sa kamay.
"Not now baby, the game will starts now" tapos kumindat pa sya at bumalik na sa pwesto nya. Argg! Pinapahirapan nya ba ako?! Play a game? Anong game ba?!
Makikita mo, magiging akin ka din Barbie. Mapag lalaruan din kita *smirk*
Barbie's POV
Ito na yon! Kaya ko to. Wala namang mag babago d ba? Mag papangap lang naman ako na mabait at gusto yung asungot na uyon d ba?
Papasok palang ako sa main gate ng school panay bulungan na ang narinig ko. Yung mga babae ang sama ng tingin iniirapan ko nalang ahihihi eh sa ayokong tinitignan ako ng masama. Tapos yung mga lalaki naman maka tingin sakin parang hinuhubaran na ako aish. Mga manyak!
Sa pag lalakad ko nakita ko si Jim. Nakatingin sya sakin. Yung tingin na parang hindi sya masaya sa transformation ko. Hindi ko na kinaya kaya lumapit ako sa kanya. Aalis na sana sya pero hinila ko sya papunta dun sa tambayan namin. Feeling ko kasi kaylangan kong mag explain? Ewan ko bakit.
Nang makarating kami dun umupo ako dun sa baba nung puno ganon din sya.
"Jim kasi--" he cut my word.
"I dont need your explanation" naiiyak nako hindi ako sanay! Hinawakan ko yung kamay nya pero tinignan lang nya ako ng walang ni isang emosyon.
"Jim naman.."
"Bakit ka umiiyak? May ginawa ba ako?" Sarcastic nyang sabi. Pinusan ko naman yung luha ko.
"Jim kasi! Kausapin mo naman ako"
"Kinakausap kita"
"Ih! Wag kang maging cold. Bakit ba nagagalit ka?" Tanong ko. Umiwas naman sya ng tingin.
"Hindi ko alam bakit ko to nararamdaman. Hindi ako galit syo. Alam mong hindi ko kaya yun. Ang akin lang. Bat kailangan mong baguhin yung itsura mo?" Umiwas ako ng tingin dahil alam kong mali ako.
"D ba sinabi ko syo na may deal kami? Nung mga 'The Cassanova Breaker' na team nila Jasline? Pumayag kasi ako don Jim. Para kay mommy tyaka na aawa ako sa kanila Jim. Mahirap para sakin na nakikita kong may nasasaktan dahil sa kag@g*han ng mga cassanova na yan. Para daw magawa kong painlovin si Jc. Kaylangan kong mas lalong maging maayos. I mean medyo baguhin yung itsura ko. Im sorry Jim kasi hindi--"
"D ba nga sinabi syo na hindi ko kaylangan yung paliwanag mo? Kasi naniniwala ako syo at may tiwala ako syo. Tumahan ka na jan. Basta ba i promise mo sakin na hindi ka masasaktan sa gagawin mong yan. Tawagan mo lang ako pag kailangan mo ako. Arraseo?" Ngumiti naman ako at niyakap sya. Ang sweet talaga ng bestpren ko! Ahuhuhu
[Arraseo~ Alright]
"Thank you!!!" Ginulo muna nya yung buhok ko kaya sinuntok ko ng bahagya yung tyan nya dahilan para matawa kami ng parehas.
"O sige na pumunta kana sa class mo baka ma late kapa. Bye" nagulat ako ng ikiss nya ako sa checks. Tapos tumakbo na sya. Woah!!! Kiniss nya ako sa pisngiiiii!!! Wah wah!!!
Dahil sa kilig ko nag tatalon ako at sumigaw ng walang boses hanuh daw? Basta ganon kekekeke
Nag lakad nalang ako papuntang room namin.
"Woah! Ayan na sya! Kaklase pla natin dre!"
"Ang ganda nya talaga!"
"Wit wew!"Pati ba naman d to may bulungan pa din?
Pag tingin ko kay Jc nanlalaki yung mata nya at naka tingin sakin. Aha! Nagulat siguro sya dahil ganto nako kaganda lolololsss! Ang hangin ko kekekeke
Umupo nalang ako sa seat ko. At aba trip ata akong bwisitin nitong asungot na to!
"Oy Xianelle, anyare sa mukha mo? Ang panget mo" pambwibwisit nya. Humarap naman ako at ngumisi. Panget pla ah? Tapos bigla akong tumayo at lumapit sakanya. Eww lang ayoko talagang gawin to pero kasi ito na yung first step ko!
"Talaga lang ah?" Lumapit ako ng lumapit kaya napalunok nalang sya. Laptrip! Panalo yung mukha nya! HAHAHAHAHAHA pero dahil kaylangan kong mag pangap hindi ko pinahalatang natatawa ako. Kailangan ko syang iseduce! Kekekeke
"Tingina lumayo ka sakin Xianelle baka anong magawa ko syo" mas lalo akong napa ngisi. Dahil sa mapurok sya hahalikan na nya na sana ako pero pinigilan ko sya sa pamamagitan ng pag lagay ng kamay ko sa mukha nya. Ano sya siniswerte? Bwelat nya!
"Not now baby, the game will starts now" tapos kumindat pa ako para effective kekekeke
Bumalik na din ako sa pwesto ko.
One point Bie. Great job..
----
BINABASA MO ANG
The Cassanova Breaker[COMPLETED]
Short StoryCassanova. Isang girl na kayang patinuin ang isang cassanova. Isang kwento kung paano nga ito na pa tino madaming nag tataka. Bakit? bakit nya papatinuin ang isang CASSANOVA? madaming ang nang huhusga at sinasabihan syang "na prapraning na ba sya? P...