Chapter 2 Pissed Off Mind

1.3K 38 2
                                    

"Aray!" sabi ni Aly tumama kasi ang ulo niya sa lamesa mula sa pagkakabagsak niya.

Nasan na ako? Tanong niya sa isip niya. Tinignan niya ang buong paligid.

"Eto na ba ang Earth?" Tumayo na siya at nilibot ang lugar, parang itong isang bahay at dinala siya ng mga paa niya sa isang kwarto.

Napahawak siya sa pader at nagulat siya ng bigla itong umikot at nakita niya ang isang malaking monitor at isang sofa at isang lamesa sa gitna.

"So andyan ka na pala?" nagulat siya ng may biglang nagsalita, liningon niya ito at nakita si Regret na biglang lumabas sa screen.

"Sir!" gulat na sabi niya.

"Ang tagal ni biyahe mo!" Regret.

"Ilang oras?" tanong niya.

"Hindi lang oras Valdez, araw, limang araw ang biyahe mo."

"Ganon katagal? So eto na ang Earth? Ang liit naman!" sabi niya at umupo sa sofa.

"Hindi lang ito ang Earth Valdez, nasa isang condominium ka at dyan ka titira." sabi ni Regret at puro reklamo lang ang narinig niya kay Aly.

"Kagaya sa planetang Crichton, kailangan din ng mga tao ang mga magulang kaya naman nag-assign na 'ko ng foster parents mo. Ibibigay ko sa'yo ang address at puntahan mo okay?" Regret.

"Okay." bagot na sabi ni Aly. At madami pa ang ipinaliwanag si Regret tungkol sa pamumuhay sa mundo niya ngayon.

"Akala ko ba galit ka sakin?" out of this world na tanong ni Aly.

"Ako galit sa'yo? No I'm not alam ko namang hindi ikaw ang nagnakaw ng bato." nakangiting sagot ni Regret.

"What? Then send me back there!" dahil sa sinabi ni Regret ay napatayo siyang bigla.

"No! I have plans for you. Pagbigyan mo naman si Mika hayaan mo naman siyang maranasan tawaging Rank S." Regret.

"Sabagay. Sayang ang pagpapapansin niya kung mapupunta lang rin sa wala." mayabang na sabi ni Aly.

Natawa na lang si Regret sa kanya.

"At tsaka para naman maranasan mo na rin ang

mahirapan." then Regret smirked.

"Ako pahihirapan mo? Baka ikaw ang mahirapan?" then she smirked too.

"Let's see Valdez."

"Okay Regret! Di ka man lang nagalit na hindi kita tinawag na Sir?"

Tumawa ulit si Regret. "Oh? Oo nga 'no? Hindi ko napansin anyway, got to go puntahan mo na ang magulang mo I'll send you the address." then he hang up.

Habang naghihintay, nagpunta si Aly sa walk-in closet niya upang magpalit na ng damit dahil magkaiba ang damit nila sa Crichton sa Earth.

Pababa na siya ng hagdan ng marinig niya ang pagtunog ng monitor at tinignan niya kung anong meron at yun ang address ng mga magulang niya. Naghanda na siya at umalis na.

-----

Sa pangalawang beses na pag doorbell niya ay tsaka palang siya pinagbuksan, at bumungad sa kanya ang isang babaeng sa tingin niya ay kasambahay.

Ang bagal pala ng mga tao? Inip na sabi niya sa isip niya.

"Sino po kayo?" tanong ng babae sa kanya.

"Alyssa Va---" hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil pinutol siya nito.

"Alyssa Valdez? Tuloy po kayo ilang araw na po kayong hinihintay ni Sir." pumasok nako.

My Sweetest Sin (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon