Day 2
-----
Nandito sila sa isang restaurant para kumain ng breakfast. Halos lahat medyo may hangover pa rin. Samantalang ang tatlo ay hindi man lang nalasing at ang tanging nakakaalam sa nangyari kagabi.
"Guys! Pupunta din daw ang mga varsities ng La Salle dito para din magbakasyon! Excited na'kong makita si LA!" masayang balita ni Den sa team na lalong nag-pairita kay Ly.
"Edi kasama din si Myco?" tanong naman ni Jia.
"Hindi ko alam konti lang daw eh yung gusto lang daw sumama." sabi ni Den. "Sana wag." dugtong niya.
"Ate Ly, ba't ang pula pula ng leeg mo? Anyare?" tanong ni Mich na nakapukaw ng atensyon ng lahat. Napamura naman si Aly sa isip niya.
Napatingin naman bigla si Ly kay Mich at nakatingin din lahat sa kanya na nakakunot ang noo pero si Marge at Greta nagpipigil ng tawa.
"Oo nga no? Bakit, napano yan?" sabi rin ni Dzi.
"W-wala Capt, ano ahm kinagat ako ng lamok kagabi." Ly at tinignan ng masama si Marge at Greta.
Argh! Bakit kasi lagi akong pinagnanasahan ng mga lasing eh! - Aly na naalala ang ginawa ni Bang sa kanya.
"Ha? Nandun tayo lahat magkakasama ah. Ikaw lang nakagat?" takang tanong naman ni Mae.
Naman! Ba't kelangan pang magtanong! - Aly.
"Nung ano nung kausap ko si Bang, tama nung kausap ko si Bang!" Ly at tumawa na talaga sila Marge at si Greta.
"Okay, sabi mo eh." sabi ulit ni Dzi.
"Nakagat ng lamok o ni Den?" Bulong ni Gretchen sa kanya tinignan naman niya ito.
"Ha? May sinasabi ka?" sabi ni Ly at hinampas hampas yung likod ni Greta kaya nabulunan to. Pinagpatuloy naman niya ang pag-kain niya. Pagtapos nilang kumain ay bumalik na sila sa kani-kanilangg kwarto sa hotel.
"Ly! Ly!" sigaw ni Marge habang hinahabol si Ly na papasok sa kwarto nila. Nilingon naman siya ni Aly.
"Ano yun?" Ly. Tumingin si Marge sa paligid.
"Nanjan na ba si Den?" hingal na tanong ni Marge.
"Wala pa naman." sabi ni Aly.
"Dun tayo sa loob." sabi ni Marge at pumasok sila sa kwarto. Pagpasok ay agad nilock ni Marge ang pinto ng kwarto. "Ly wag kang magagalit ah." agad na sabi nito at umupo sa kama ni Aly.
"Bakit ano bang nangyari?" tanong ni Ly at umupo rin sa kama pero kay Den.
"Si Greta kasi eh kinulit ako kagabi, sinabi niyang may kakaiba daw satin tapos tinanong niya kung ano daw ba tayo agent. Tapos ayun nasabi ko sa kanya yung totoo na hindi tayo tao. Ly sorry talaga alam mo namang hirap akong magtago." guilty-ng sabi ni Marge.
"Yun ba? Okay lang di ako galit, sasabihin ko na din sana sa kanya yan naunahan mo lang ako." sabi naman ni Ly at nakahinga naman si Marge ng maluwag.
"Bakit kasi napakagaling ni Greta manghula eh!" asar na sabi ni Marge.
"Yeah right." sabi ni Aly at lumabas na rin si Marge ng kwarto nila at nagpahinga na lang muna si Aly.
-----
"Oh really nandito na kayo? Sa iba kayo nagcheck-in? Ah dito kami sa tapat... yeah see yah!" sabi ni Den habang may kausap sa phone.
"Ano ba napaka-ingay mo!" sigaw sa kanya ni Aly.
"Ano din ba?! Kanina pa mainit dugo mo sa'kin ah?" sigaw din ni Den.
"Anong kanina?! Lagi kaya!" Aly.
![](https://img.wattpad.com/cover/18680125-288-k811472.jpg)