Chapter 7 Team AlyDen

1.2K 31 0
                                    

Kinabukasan ay tahimik lang silang kumakain ng breakfast wala ni isa ang nagtangkang magsalita nakakapanibago at napaka-awkward.

"Ahm sabi pala ni coach na tuloy yung practice mamayang hapon kaya wag kayong malate ah." binasag ni Dzi ang katahimikan.

"Ano ba yan ang sakit pa nung katawan ko sa practice kahapon e. Hehe." sabi ni Ella na pinipilit wag maging awkward ang atmosphere pero awkward pa rin talaga.

"Ayaw mo yun Ella? Papayat ka?" Gretch said awkwardly too.

Grabe si Aly at Den lang ang nag-away pero apektado kaming lahat na parang kami ang inaway.

Sabi ni Ella sa isip niya nabasa ni Aly at Marge yun kaya tumayo si Aly at umakyat na sa taas. Napailing si Marge.

"Capt bihis na ko." Den at umakyat na din sa taas.

Nakahinga naman ng maluwag ang lahat. Si Greta naman umarte na nagpupunas ng pawis.

"Grabe napaka-awkward kanina." Greta.

"Oo nga di ako sanay na tahimik." Ella. At pinagpatuloy na nila ang pagkain nila.

-----

Nung practice nila ay hindi na masyadong awkward dahil maiingay ang ALE, sila Aly at Den lang talaga ang may problema.

Habang si Den ay nakaupo sa bleachers tumabi sa kanya si Ella.

"Besh okay ka na ba? Hindi ako sanay na tahimik ka eh."

"Besh sino ba naman magiging okay kung magpapasalamat ka na nga kasi tinulungan ka niya pero sasabihan ka pa niya ng masasakit na salita. Tinulungan lang pala niya ko dahil sa kahihiyan!" galit na sabi ni Den.

"Pa'nong tinulungan ka niya ng dahil sa kahihiyan?"

"Madami daw kasing taong nakatingin sa'min na akala daw siya ang may kagagawan."

"Hindi ba mas nakakahiya yung pagtinginan kayo ng tao habang binubuhat ka niya papuntang clinic pero hindi niya pinansin yun at tinulungan ka pa din niya." Ella. Nawala ang galit ni Den at napa-isip siya.

"I think you should really thank her kasi kahit nakakahiya dinala ka pa din niya sa clinic." naguiguilty na talaga si Den.

Pero sinabi niyang wala siyang paki sakin. Sabi niya sa isip niya.

At bigla niyang naalala ang sinabi ni Marge. "Hindi man niya pinapakita but she always care. She always do."

"Go Besh kailangan mo ng ibaba ang pride mo." Ella.

"Sa tingin mo?"

"Of course Besh kahit na sinusungitan ka niya tinulungan ka pa din niya. Dali kausapin mo siya mamaya pag-uwi sa dorm." Ella.

Napabuntong hininga siya.

"Okay, thanks besh." then umuwi na sila.

-----

"Ly, can I talk to you?" hinawakan agad ni Den ang braso ni Ly kaya liningon siya nito. Tinignan niya ang team nakangiti ang mga ito. "Pero hindi dito." biglang nawala ang ngiti ng ALE. "Dun tayo sa taas." umakyat na sila sa kwarto ni Ly.

"Pwede mo na kong bitawan." sabi ni Aly. Napabitaw naman si Den bigla at namula.

"What now?" kalmadong tanong ni Ly.

"Ahm. G-gusto k-ko lang mag s-sorry." Den. Napangiti si Aly.

"Ba't ka nauutal?" tanong ni Ly. Natulala si Den sa ngiting yon ni Aly.

My Sweetest Sin (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon