After a week...
Gabi ng biyernes ng maalimpungatan si Dennise, kanina pa siya hindi makatulog dahil nagpuyat sila sa movie marathon kanina.
Bumaba siya upang kumuha ng maiinom pagtapos ay umakyat na siya ng may maaninag siya sa may verandah kaya sinilip niya ito.
"Nagpasalamat sa'kin si Ella, dahil niligtas ko daw ang bestfriend niya." Ly at napabuntong hininga.
Hating gabi na magkausap pa din sila ni Bang? - Den.
"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil alam kong mali siya, kasi kung marunong akong magligtas nandito ka pa sana sa tabi ko, buhay ka pa sana ngayon." bulong ni Ly. Hindi masyadong narinig ni Den ang sinabi nyang yon. Nakinig lang si Den sa mga iba pang sinabi ni Aly hanggang sa huling sinabi nito.
"Mahal na mahal pa rin kita...." Ly na dahilan para maluha si Den. Dahan dahan siyang umalis at dumiretso ng kwarto nila at nagsimulang umiyak ng tahimik.
Wala naman pala siyang nararamdaman at paki sakin eh, dapat ako din sa kanya. - Den.
"....pero di ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko sa kanya." Ly at tumungo. Matapos ang ilang minuto ay bumalik na rin siya kwarto nila upang matulog.
-----
"Ly! Ly!" sigaw ni Den habang hinahabol si Ly hanggang sa pinto.
"O?" Ly.
"San ka pupunta?" hingal na tanong ni Den kahit na sa 2nd floor lang ang tinakbo nya.
"Sa condo ko." walang ganang sagot ni Aly.
"Saan yun?"
"Makati." Ly at binuksan ang pinto ng kotse niya.
"Teka pasabay! Dun din ako pupunta eh." Den habang nakahawak sa braso niya.
"Ayaw." Ly at pumasok na.
"Dali na! Alam mo namang wala akong kotse eh." Den pero di siya pinansin ni Ly kaya agad siyang pumasok sa kabila.
"Hoy! Bumaba ka nga!" Ly.
"Ayaw." panggagaya ni Den kay Ly.
"Isa!" Ly pero di papatinag si Den.
"Dali na kasi. Please?" Den at nagpacute.
"Argh! Nakakadiri ka!" Ly at pinaharurot ang kotse.
-----
"Oh ba't ka tumigil? Dun pa yung office ni Dad oh dalawang building pa." Den habang tinuturo ang isang building.
"Hoy nakisabay ka lang hindi mo ko driver. Bumaba ka na nga!" Ly.
"Dalawang building na lang naman! Ayun oh!"
"Aish." Ly at bumaba na. Bumaba din si Den.
"Hoy! Ba't ka bumaba?" Den at hinahabol si Ly.
"Andito na yung condo ko kaya pwede ba." Ly at dumiretso na.
"Argh! Nakakainis ka talaga!" Den at nagsimula ng maglakad.
-----
"Si Dad?" tanong agad niya ng makita niya ang secretary ng dad niya.
"May current meeting pa po Ms. Lazaro pero patapos na din po."
"Okay. Hintayin ko na lang siya." Den at umupo.
Mga 5 mins ay natapos na ang meeting ng Dad niya at pumunta na siya sa office nito.
"Hey Dad! Ba't mo ko pinapunta?" Den. May binato si Mike sa kanyang susi.
"No more further explanation, puntahan mo na lang yan sa parking lot." Mike.