-----
"Babe tara dito ka na mag-dinner." sabi ni Den kay Myco. Kagagaling lang nila sa date nilang dalawa.
Nakita ni Myco si Ly at nakatingin din ito sa kanya.
"Hindi na babe! Sabi kasi ni Mom umuwi daw ako ngayon sa kanila kasi namimiss na niya 'ko." Myco. Aly smirked.
"Ay ganun ba? Okay sige ikamusta mo na lang ako kay Tita, bye!" Den. Umalis na si Myco.
"Besh ba't ang lungkot mo hayaan mo na si Myco namimiss daw siya ng mommy niya eh." Ella.
"Hindi yun Besh eh, kanina pa siya sa date namin parang nagmamadali umuwi tapos these past few days di na niya ako masyadong tinetext ngayon na nga lang ulit kami nag date tapos ang ikli pa."
Siyempre madami pa siyang iba. -Aly.
Really Ly? Pa'no mo nalaman? -Marge.
Sa bar, I saw him kissing other girl. -Aly.
What? Ang kapal naman nun. Naaawa ako kay Den. -Marge.
Aly and Marge is talking with their minds.
"Malapit pa naman na yung 3rd monthsary namin." Den.
Kawawa naman three months lang sila. Haha. - Aly.
"Malay mo besh may surprise siya sa'yo." Ella.
"Sana nga." Den.
-----
Nang uwian na ay umuwi na si Ly at pumunta sa park dahil dun niya gusto magbasa ng nobela para na rin makapagrelax. Si Den naman ay pupunta ng mall.
"Capt baka malate ako ng uwi kasi pupunta ako ng mall." paalam ni Den kay Dzi.
"Okay dapat before six andito ka na ha? Ingat." at ibinaba na niya ang telepono.
Bukas na ang monthsary nila Den at Myco at ngayon ay pupunta si Den upang bumili ng regalo at para magshopping na din.
Ilang oras na siyang nag-iikot at wala pa din siyang maisip na regalo kaya pumunta muna siya ng Greenwich para kumain pero bago yun ay pumunta muna siya ng c.r.
"Babe! Kalma lang nasa c.r. tayo." narinig niyang sabi ng babae sa isa sa mga cubicle ng c.r.
Argh! Ang baboy nila! Sa c.r. pa talaga di man lang nahiya. -Den
Lalabas na sana siya ng c.r. ng bumukas ang pinto ng cubicle at nakita niya na si Myco ang kahalikan ng babae. Nagdilim ang paningin niya at sinugod ang dalawa.
"Ang kakapal ng mukha niyo! Sa c.r. pa talaga di man lang kayo nahiya!" pinaghahampas niya yung dalawa. Hinawakan ni Myco ang braso niya.
"Teka babe let me explain! Hinila niya lang ako!" sigaw ni Myco.
"Kahit wag na wala na 'kong pakielam sa'yo dahil wala na tayo!" sigaw ni Den at sinampal niya si Myco at lumabas na.
"Wait babe! Ayoko!" susundan na sana ni Myco si Den ng hilahin ang braso niya ng kasama niyang babae at sinampal din siya.
"Hinila pala ha?" umalis din ito.
Muli ay naiwan na naman si Myco na nakahawak sa pisngi niya.
Nasa kotse na si Den at di pa din siya tumitigil sa pag-iyak
"Napaka kapal ng mukha mo Myco! Dahil ba sa hindi kita hinayaan kunin ang first kiss ko?" sigaw ni Den sa loob ng kotse.
