Chapter 6 Disappointment

1.1K 31 0
                                    

Planet Crichton...

Ilang linggo ng iniimbestigahan ni Regret kung sino ba talaga ang nagtangkang magnakaw ng Crucian Stone at hanggang ngayon hindi pa din niya malaman kung sino ba talaga ang may kagagawan. Pero bukod don ay may iba pa siyang plano.

"Tejada, I want to talk to you to my office now." Regret said, dahil dun ay kinabahan si Marge.

"Shit anong ginawa ko? Nalaman kaya niya na ako ang nagsunog ng damit ni Mika para sana sa laban niya?" bulong ni Marge sa sarili.

"Well meron akong balita sa'yo so anong gusto mong unahin? Good news or Bad news?" tanong ni Regret ng makapasok na sila sa office nito.

"Ahm. S-sir yung bad news po." uutal utal na sabi ni Marge kay Regret.

"So ang bad news ay... paaalisin na kita dito sa planetang crichton."

"Sir! Kaya ko lang naman sinunog yung damit ni Mika kasi napikon ako sa kanya eh!" tarantang sagot ni Marge.

"Ikaw pala nagsunog non? Haha. Anyway so wanna hear the good news?"

"Yes Sir."

"Makakasama mo na ang bestfriend mo." tila hindi makapaniwala si Marge sa narinig niya.

"Talaga Sir?! Yes salamat Sir!" nagtatatalon na si Marge.

"Marge calm down." sabi ni Regret at tumigil naman si Marge.

"Sorry Sir so bakit niyo po ako pinapaalis ang sa planeta natin?"

"Wala lang gusto ko lang sanang samahan mo si Alyssa na mabuhay sa planetang Earth pero ngayon ay may dahilan na 'ko para ipadala ka don yun ay ang pagsunog ng damit ni Mika." Regret said. Dahil dun ay namula si Marge. "So gusto mo ba?"

"Yes Sir!" excited na sagot ni Marge.

"Great. So be ready to live in a new world."

Three weeks na ang nakalipas simula ng pagalitan ni Dzi si Aly kaya simula nun ay bumalik na ang dating ugali ni Aly ang pagiging masungit si Greta na lang ang tanging nakakakausap sa kanya dahil medyo natatakot na ang teammates niya sa kanya pero kinakausap pa din siya ni Dzi.

"Greta tawagin mo na daw si Aly may-iaanounce daw si Coach satin." sabi ni Jia.

"O sige." Sabi ni Greta at pumunta na sa kwarto ni Ly.

"Ly! May iaa---" napatakip agad ng bibig si Gretch wala naman siyang nakikitang kababalaghang nagaganap kundi natutulog lang na Aly.

"Shit! Tulog pala siya." sabi ni Greta dahan dahan sinara ang pinto para di magising si Aly.

Pag kasi si Aly ay inabala sa pagtulog matakot kana dahil sa inis niya ay kung ano-ano ang nagagawa niya sa mga nanggigising sa kanya at si Greta lang yon dahil siya nga lang naman ang kumakausap kay Aly katulad na lang ng bigla siyang nabato ni Aly ng unan sa mukha ang malala pa dun tumama yung zipper sa mukha niya. Today is her lucky day dahil hindi nagising si Aly kundi pilay na siya bukas.

"Capt tulog si Ly eh." at naintindihan naman ni Dzi yon alam naman niya na nagkakaron ng Bagyong Baldo kapag nagising si Aly.

"Okay sabihin nalang natin sa kanya mamaya."

-----

"Okay so here we go." Coach. "Well hindi na sana ako tatanggap ng mga late na nagtry-out pero ang isang to ay mapilit at makulit at hindi naman niya ko binigo dahil magaling siyang maglaro. So I want you to meet Marge Tejada your new teammate, isama niyo na siya sa dorm niyo."

"Hi I'm Marge Tejada nalate ako ng enroll so ayun ngayon lang nakapag try-out. So nice to meet you all hope we can all be friends." pagpapakilala ni Marge at isaisa na ding nagpakilala ang ALE.

My Sweetest Sin (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon