Kanina pa gising si Den pero hindi pa siya bumabangon sa kama. Para siyang timang na ngumingiti mag-isa dahil inaalala niya ang mga sinabi ni Ly sa kanya kahapon.
Nang makarinig siya ng footsteps ay agad siyang nagtaklob ng kumot at nag-panggap na tulog.
"Besh! Tulog ka pa?! Gumising ka na! Kakain na ng breakfast!" sigaw ni Ella sa kanya habang niyuyugyog siya. Nagpanggap siyang nagising at nairita.
"Ano ba besh! Kailangan sumigaw?" Den at tumayo at nagshower na.
Katulad ni Den, si Ly ay kanina pa gising pero kanina pa siya palakad lakad habang nakalagay ang mgadaliri sa baba niya.
Ba't ko ba sinabi yun? Di ko naman siya mahal eh! - Aly.
Siguro dahil lang sa galit. Pero dapat sinabi kong naiinis ako sa kanya! San ko ba kasi nakuha yung mga salitang yun?! Argh! - Aly at pinagsasapo ang noo niya.
Okay Ly rank S ka hindi ka tanga. Ano ba kasi tong nararamdaman ko? Kailangan ko ng sagot.
Sabi niya at nag-isip ulit.
"Ano nga ba?" nag-isip lang siya ng nag-isip habang naglalakad pa din.
"Sign!" sigaw niya pero hindi masyadong malakas, mahirap na.
"Teka ang corny, di ko naman siya mahal eh." Ly at umupo.
"Pero ako lang naman makakaalam. Okay." tumayo siya.
"Pero anong sign?" siya at naglakad ulit. "Kailangan yung imposible para masaya."
"Kung pag nakakita kaya ako ng kulay turquoise?" "Ah hindi, yun yung kulay ng pajama ni Marge eh. Wag posible yun eh." sabi niya at nag-isip ulit.
"Ah kapag nakakita ako ng star before six." Ly at tumawa ng masama. "Atleast hindi ako maguguluhan. Ang talino mo talaga Valdez." siya at lumabas na.
Lumabas siya ng may ngiti sa mukha at di niya na malayang may nabunggo pala siya. Si Den.
"Aray!" Den at nakatumba.
"Ay sorry di kita nakita ang liit mo kasi." sabi niya at naglakad na ulit.
-----
Mag-aalas onse na at so far so good wala pa siyang nakikitang sign, well sa sobrang imposible ba naman ng naisip niya eh.
"Ano? Wala kayo tambak yung team niyo eh!" Greta at Ella.
Nagpupustahan sila kung sinong team ng NBA ang mananalo at ang mananalo ay manlilibre. Si Gretch, Ella at Marge sa Miami Heat at sina Fille, Mae at A naman sa SA Spurs.
"Manahimik ka ngang chicser ka! 2nd quarter pa lang oh!" A habang tinuturo ang screen.
"Boo!" Sabi ng tatlo.
Bigla namang may tumawag kay Aly na number lang.
Sino to? - Aly.
Hindi niya ito pinansin at nanood na lang din ng game, pero pagtapos ng ilang minuto ay tumawag ulit ito. Sinagot niya to.
"Hello?" Ly.
"Hello si Alyssa ba to?" unknown caller.
"Ah oo, sino ka?"
"Si Amanda to, teammate ni Bang."
"Oh. Bakit ka napatawag?"
"Pwede ba tayong magkita? Gusto lang kitang makausap."
Ito naman ba ang sunod na maghahabol sa'kin? - Aly.
"Alam ba ni Sheila to?"
"No at wala akong balak sabihin so kung okay lang sa'yo dyan na lang tayo sa malapit na resto sa inyo magkita. On the way na'ko at aabangan na lang kita sa entrance." Amanda at binaba.