Chapter 21 Consequences

1K 25 9
                                    

-----

Den couldn't ask for more. Their fans support their relationship and Ly loves her the way she does.

Napatigil si Den sa pagddaydream ng makita ang isang di inaasahan at ayaw niyang makita na lumapit kay Ly sa counter.

Kakakuha lang ni Ly ng tray ng inorder niya at pupunta na sana sa table nila ni Den.

"Look who's here." pagtalikod niya at bigla niyang narinig ang nagsalita. Si Bang. "Hi Ly, long time no see." dugtong pa nito kasama nito si Mandz.

"Mabuti nga yun eh." Ly smiled trying to be nice. Lol.

"Di mo ba ko namiss? Ba't mag-isa ka lang?" sabi ni Bang at bahagyang lumapit kay Aly.

"No I'm not." Ly nagulat naman si Ly ng biglang may kumapit sa braso at hinalikan siya sa pisngi.

"Babe, what took you so long?" Den smiled, nagulat naman si Ly sa inasal nito.

"Nothing babe." pambabawi ni Ly at hinalikan din siya sa pisngi.

"Oh so you're with your girlfriend? I see." Bang while nodding.

"Yes she is so back off." mataray na sabi ni Den. Napangiti naman si Ly.

"Okay possessive girlfriend ni Ly." Bang. "Anyway, Ly I miss your lips. Bye." pang-iinis ni Bang at kumindat at umalis na sila.

"Argh!" asar na sabi ni Den.

"Bakit?" nakangiting tanong ni Ly at pumunta na sila sa table nila.

"Magtatanong ka pa!" inis na sabi ni Den. "Siguro kung hindi pa ko pumunta sumama ka na dun!" at kumuha siya ng fries.

"Pano mo nahulaan?" Ly at tinignan siya ng napakasama ni Den. "Biro lang. Masyado ka na namang mapagbintang." sabi niya at nakangiti pa rin siya.

"Pero nakita kitang ngumiti nung lumapit siya sayo!" Den.

"Sssh." Ly. "Hindi lang tayo tao dito, baka mamaya anong isipin nila." at nagsimula na din siyang kumain. "Kaya ako ngumiti kasi sabi niya long time no see and then sabi ko mabuti nga yun eh. Then you came kaya lalo akong ngumiti." at ngumiti ulit siya then yun wala na ang inis ni Den, isang ngiti lang ni Ly wala na yung galit niya pero yung inis niya kay Bang hindi na yun maaalis.

"Siguraduhin mo lang." mataray pa ring sabi ni Den. "Ano nga pala yung sinasabi niyang "I miss your lips" huh? Care to explain?" Den.

"Nah, she's just trying to annoy you." Ly told her jealous girlfriend.

"But she said she already kiss you nung pumunta sya ng dorm remember? And you're her first!" asar na sabi ni Den.

"Let's just talk about it later okay? Or kahit wag na, we're eating at nawawalan ako ng gana kada naaalala ko si Bang." Ly. Den sighed.

"Okay. Sorry." Den at kumain na sila.

Pagtapos nilang maglunch naglibot lang sila saglit at umuwi na rin.

Habang nagddrive si Ly ay ramdam niya pa rin ang pagkaasar na nararamdaman ni Den kay Bang.

"Ano na namang iniisip mo?" Ly at tinignan naman siya ni Den.

"Hmm. Wala naman." Den.

"Is it about the kiss?" Ly, magdedeny pa sana si Den pero hindi siya makatiis ng hindi naglalabas ng sama ng loob. Tumango naman siya. "Ano naman kasi kung sinabi niyang nahalikan na niya ko sa lips?" Ly.

"Pero Ly, you're not my first and I'm not your first too." malungkot na saad ni Den.

"Bang didn't kiss me okay? Harassed me pwede pa." Ly and Den chuckled.

My Sweetest Sin (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon