Day 3 and Last Day
Nag-aayos na ng gamit ang lahat para sa pag-uwi nila. Hindi pa rin alam ng buong team ang nangyari at wala naman na silang balak pang sabihin dahil nga sa napagkasunduan nila.
"Ly." sabi ni Den. Pero hindi pa din umiimik si Ly. Nilapitan niya ito at nakitang may nakasaksak na earphones dito.
Ay engot ka talaga Den! - Den.
"Ly." Den. At naramdaman ni Ly ang presensya niya tinignan siya nito.
"Ano?" Ly at tinanggal ang earphones.
"S-sorry." Den at tumungo.
"Bakit?" Ly at inangat naman ni Den ang mukha nito at nakitang nakakunot ang noo nito.
"Sa nangyari kahapon." malungkot na sabi ni Den.
"Ikaw ang pinagsamantalahan sa'kin ka nagaso-sorry?" takang tanong ni Ly na parang walang nangyari.
"Ly alam mo naman yung ibig-sabihin ko eh." sabi ni Den. Napabuntong hininga na lang si Aly bago sumagot.
"Tss. Mas iniisip mo pa yung galit ko kesa sa galit mo kay LA. Mahal mo talaga ko." Ly at binuhat ang gamit at lumabas na at iniwan si Den na gulat.
Lumabas na din siya sa hotel at nakitang nag-aabang ang van sa kanila. Pumasok na siya at napansing wala pa yung apat. Si Aly, Gretch, Marge at Ella.
"Naunahan ko sila?" masayang tanong ni Den.
"Asa ka naman, pumunta lang ulit sila sa beach kasi ang tagal mo daw." Fille. Bigla naman siyang nag-pout.
"Tawagin mo na sila." sabi ni Dzi.
Umalis naman si Den at hinanap yung apat, para sabihin sa kanila aalis na sila. Nakita naman niya ang apat sa di kalayuan sa beach. Nakita niya itong nakatingin sa isang direksyon. Nilapitan niya ang mga ito.
"Oy aalis na daw tayo." Den pero hindi siya pinansin ng apat. Si Marge at Greta mukhang excited si Ella naman nakataas ang kilay at si Aly naman blanko ang ekspresyon.
"Ayan malapit na sila." Greta. Nagtaka naman siya sa sinabi nito na parang hindi talaga siya narinig. Tinignan naman niya ang tinitignan ng apat at nakita niya si LA na binubuhat ng mga kaibigan nito at may pasa sa mukha at sugat sa labi. Gumilid siya bigla. "Hey Mr. Maniac!" sigaw ni Gretch na nakakuha ng atensyon nila LA. Lumapit naman ang mga ito kela Ly.
"Ikaw! Yung bumugbog sa'kin? Ipapaalam ko to sa coach mo para matanggal ka sa team!" galit na sigaw ni LA kay Ly.
"Ba't mo sasabihin? Di ka ba nahihiya?" walang ganang sabi ni Ly at nakita ni LA na tumatawa ang mga kaibigan niya sa kanya.
"Babae yung nambugbog sa'yo?" tanong ng isa sa mga kaibigan niya at tinatawanan siya.
"Shut up! Busy kasi ako kay Den nun kaya hindi ko sya napansin." LA said with a smirk. At napantig ang tenga ni Ella.
"Ang kapal ng mukha mong gawin yun sa bestfriend ko!" Ella at pinaghahampas naman si LA, napapasigaw naman si LA dahil masakit pa ang pasa niya. Pinigilan naman si Ella nila Greta. Si Den naman nagsimula ng humikbi.
"Dennise nandyan ka pala? Sorry ha hindi kita tuluyang nadala sa langit sinuntok kasi ako ng isang to eh. Hanggang halik lang tuloy. Pero pwede naman nating ituloy kung gusto mo." sabi pa LA at lumapit kay Den. Nagtago naman si Den sa likod ni Ly at napakapit sa braso nito.
"Aba! Gago talaga tong isang to eh!" Greta at sinuntok si LA. Napasigaw naman ito sa sakit.
"Tara na Gretch, gusto ko na matulog sa biyahe." Ly at humikab.
"Okay nakakaawa naman tong isang to eh." Greta at umalis na sila. Pero bago yun ay tinadyakan muna ni Ella si LA sa huling pagkakataon.
"Ly salamat sa pagligtas mo kay besh ha? Kundi dahil sa'yo baka wala na ang pinakaiingatan ni Den." Ella. Tumango na lang si Ly.
Pagdating nila sa van ay agad pumasok si Den para hindi mahalatang umiyak siya. Umalis na sila. Tahimik lang silang lahat sa byahe dahil ang iba ay gusto pang matulog.
Dahil sa nangyari kanina si Marge at Gretch kung makangisi ay kala mo ay masamang balak, si Ella naman kahit nakabawi na ay galit na galit pa rin pugong may gilagid na yun bestfriend nga naman eh. Si Aly at Den naman tulog na rin dahil sa pagod.
Pagkauwi nila ay agad bumaba ang kateammates nila naiwan si Ly, Den at Dzi. Si Den gising na pero si Aly tulog pa rin.
"Den gisingin mo na yan." sabi ni Dzi at tinanggal ang susi ng kotse.
"Ayoko Capt baka magalit." pagprotesta naman ni Den.
"Eh di ba sabi mo wala naman siyang ginagawa pag nagigising mo siya? Sa'min kasi meron eh. Sige na. Bye." nakangising sabi ni Dzi at lumabas na.
Naiinitan na si Den at medyo pinagpapawisan na siya dahil mainit sa kotse at di pa din niya magising si Ly dahil natatakot siya.
Kaya she ended up staring at her instead. Mukha talagang mabait pag tulog, wala sa itsurang masungit ito. Ang mahahaba niyang eyelashes na parang letter C na ang shape sa haba. Yung ilong niyang matangos. Nagulat siya ng biglang gumalaw si Ly at umupo ng maayos, gising na siya.
"Wala ka talagang balak gisingin ako eh no?" Ly at nagulat si Den. "Tulog o gising ka man pinagnanasaan mo pa din ako." Ly said with a smirk. Yung ngising bagong gising, yung medyo pikit pa yung mata. Medyo natulala naman si Den.
"Yung nangyari nung lasing ako, hindi ko sinasadya yun!" Den said defensively.
"Bababa na ko." pagbabaliwala ni Ly sa sagot niya at akmang tatayo na.
"Totoo! Wala akong naalala sinabi lang ni Gretch!" pag pigil sakanya ni Den.
"Oo na! Bababa nako." sabi ni Aly. Pero tinitigan lang siya ni Den. Hinarap naman ni Ly si Den.
"Kung gusto mo kong solohin wag dito, wala pa tayong ginagawa pawis na tayo." sabi ni Aly. Nagulat naman si Den.
"Ang perv mo talaga!" Den at lumabas.
"Pero patay na patay ka sakin." Ly at sumunod sa kanya.
Pagpasok nila nakatingin sa kanila ang ALE.
"Oh ano?! Sabi ko sa inyo Capt may ginawa na yang dalawang yan eh! Tignan mo pawis na pawis!" sigaw ni Greta.
"Argh! Ang pepervert niyo talaga!" Den at umakyat ng padabog.
Tinanong naman si Ly kung anong nangyari pero nagkibit balikat lang to at sumunod na rin sa taas.
----
![](https://img.wattpad.com/cover/18680125-288-k811472.jpg)