"So how's your field trip. Haha." asked by Raul, Aly's foster father.
"Okay lang." sagot ni Aly. Sa totoo lang simula ng pangyayaring naganap sa park ay nawalan na siya ng gana mag "field trip" kaya isang linggo siyang tambay sa condo unit niya.
"Mukhang hindi naman." Raul said then he laughed.
"Tss. Let's just talk about sa papasukan kong university.
" Aly said with an annoyed voice.
"Change topic." Raul said then Aly glared at him. "Okay okay, so napagkasunduan namin ni Regret na sa Ateneo ka na lang ipasok, well alam mo naman kung sa'n yun diba? At kailangan mo ng pumunta dun ngayon for your entrance exam. So goodluck layas na! Pahatid ka na lang sa driver." pantataboy ni Raul sa kanya.
Bakit ba lagi na lang akong tinataboy nito? Tanong ni Aly sa isip niya. Then pumunta na siya ng Ateneo at nag entrance exam.
Next Day...
I'm on my way na sa Ateneo dahil sabi ni Dad ay tignan ko daw ang results kahit na alam ko na na ako ang pinakamataas do'n sigurado. Oo tinawag ko siyang Dad at oo sigurado siyang siya ang pinakamataas.
"Aish. Ang daming tao." asar na sabi niya ng titignan na sana niya ang results nagkukumpulan kasi ang mga tao don.
"Makaalis na nga." nilibot na lang niya ang university.
"VOLLEYBALL TRY-OUT 1PM"
Tumigil siya ng mapansin niya ang nakapaskil na ito sa may gym. Tinignan niya ang relo niya at 11:38 am pa lang may oras pa siya para kumuha ng damit.
Papunta na siya ngayon ng gym at 12:42 na hindi pa naman siya late.
Pagpasok niya ay may ilan na ring mga tao dito. At napansin yata siya ng mga ito.
"Teka! Ikaw yung nasa park di ba? Yung nakipagbangayan kay Den? Aly right?" nagulat siya ng bigla na lang may sumulpot na singkit sa harapan niya.
Eto yung kaibigan ni engot ah? Tanong niya sa sarili. Tumango na lang siya. Naalala na niya kung sino ito, si
Gretch.
"Hoy! Greta nambababae ka na naman!" biglang may sumigaw sa likuran nito at binatukan siya. Si Fille.
"Selos ka lang eh!" Gretch told Fille with a smirk.
"Tse! Tigas ng mukha." at lumingon ito para makita kung sino ang kausap ni Gretch at nagulat siya dito.
"Aly? Magtatry-out ka? Siguro magaling ka by the way I'm Fille sakaling nakalimutan mo. Nice meeting you again." Filled said and smiled so Aly just smiled too while nodding.
Umupo na lang siya sa bleachers.
"Nasaan na ba yung magbesh na yun? Late na naman ba sila dadating?" tanong ng isang morenang babae kila Fille.
"Relax Dzi, alam mo namang napakabagal kumilos ng libero natin and I'm sure nadamay lang si Ella dun." Fille. Lumapit naman si Gretch kay Ly.
"Hey, dito ka pala mag-aaral edi magkikita na naman kayo ni Den siguro magbabangayan na naman kayo nun. Pwede ba tayong maging friends kasi feeling ko magkakasundo tayo sa pang-aasar kay Den." Taas-babang kilay na sabi ni Gretchen kay Aly at umupo ito sa tabi niya. Ba't ba ang hilig nitong sumulpot?
Liningon niya ito at mukhang natuwa siya sa sinabi nito... mukhang may ka-ugali pala ako sa Earth sabi niya sa isip niya.
"Okay. As long as you're not loud." She said.
"Haha. Hindi naman medyo lang, so magkaibigan na tayo. Nice." Gretch.
"Okay so pumila na kayo!" sigaw ng Coach nila. Tumayo na sila at pumila.