*Tok tok*
Kagagaling lang ng ALE sa training at lahat sila ay pagod, si Aly, sa sobrang antok at pagod niya ay sa sofa na siya nakatulog.
Binuksan ni Marge ang pinto pero sinara din niya ito.
"O Marge sino yun? Ba't mo sinarhan?" Dzi at pumunta sa pinto at siya ang nagbukas.
"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" sabi ni Dzi kay Myco.
"Kakausapin ko lang si Den please." Myco.
"Dennise! Gusto ka daw'ng kausapin ni Myco!" sigaw ni Dzi lumapit si Den.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Myco. Wala na tayo." Den. Hanggat maaari ay hinihinaan niya ang boses niya dahil baka magising si Ly. Sinara niya ang pinto pero naharangan ito ni Myco.
"Please babe! Let me explain!" sigaw ni Myco at kinabahan si Marge at Greta dahil baka magising si Ly.
"Den dun na kayo ni Myco sa labas mag-usap baka magising si Ly kawawa yan." nagpapanic na si Greta.
"Ano naman kung natutulog si Alyssa? Eh kakausapin ko lang naman si Dennise eh!" Myco.
"Myco wag kang mag-eskandalo dito wala ka sa teritoryo niyo. Den kausapin mo na nga yan." Fille.
"Myco lumabas ka na nga! Wala na kong pakielam sa'yo kung may kahalikan ka pang ibang babae!" Den. Hinila ni Myco ang braso ni Den.
"Please babe hinila niya lang talaga ako. Wag na tayo mag-break please di ko kaya!" Den.
Habang nagsisigawan ang dalawa ay biglang gumalaw si Alyssa at nakita yun ng ibang ALE at natakot silang lahat.
"Den! Gumalaw si Ly. Lumabas ka na Myco!" Dzi at tinutulak na nila palabas si Myco. Natakot bigla si Den.
"Lumabas ka na Myco ayaw ko ng makipagusap sa'yo bakit ba hindi mo ko maintindihan?!" Den.
"Kayo! Kayo ang hindi ko maintindihan! Ano bang meron sa pagtulog ni Alyssa?! Bakit ba takot na takot kayo at ayaw niyo ipakausap si Den sakin?!" Myco. Nakita niyang nagising na si Aly at nakatingin sa kanya na parang papatayin siya.
"Oh ayan gising na siya!" Myco nagulat ang ALE at takot na takot na talaga sila. "Ano ng meron ha?! Magagalit ba siya kapag kinau—-"
"Aish! Napakaingay!" Aly habang kinakamot ang ulo at kinuha niya ang gamit niya at umakyat sa taas.
Nakatingin na lang ang ALE sa Myco na nakasalampak sa sahig, mukhang nakatulog sa suntok ni Ly.
"Oh shit!" Den. Nagpanic na silang lahat.
"Anong gagawin natin sa kanya?! Nako pagagalitan tayo ni Coach niyan eh!" Dzi.
"Ha! Buti nga sa kanya! Ayaw kasi makinig eh!" Greta at nag-apir pa silang dalawa ni Marge.
——-
Yun ang dahilan kung bakit sila pinagagalitan ng Coach nila ngayon lahat sila nakatungo pwera kay Ly na parang walang paki sa mundo.
"Buti na lang hindi pa nagsisimula ang UAAP kung hindi baka hindi pa kayo lumalaban nadisqualified na kayo!" Galit na galit na sigaw ng Coach nila.
"Sorry talaga Coach hindi na mauulit!" Dzi na parang iiyak na.
"Dapat lang! Okay maghanda na kayo para sa tune-up game niyo sa Adamson dadating na sila mayamaya." Coach.
Nang narinig ni Gretchen ang Adamson agad itong lumapit kay Aly.
"Ayun oh! Adamson daw makikita mo na naman si Bang!" Gretch while grinning.
"Ano naman?" walang ganang sagot ni Aly.
![](https://img.wattpad.com/cover/18680125-288-k811472.jpg)