-----
Sunod sunod na ang laban ng ALE at lagi silang nananalo. Si Bang kahit na hindi sinasagot ni Ly ang mga tawag niya, hindi pa rin siya tumitigil si Den naman ay nililigawan pa rin ni LA. At si Aly at Den naman ay hindi na nagsisigawan pero hindi nagpapansinan.
"I'm so proud to all of you, congratulations wala pa kayong talo." Coach. "At syempre dahil magagaling kayong lahat at napagod dahil sa game bibigyan ko kayo ng 2 days vacation sa Boracay!" dahil sa narinig, halos ng ALE ay magtatalon na sa tuwa samantalang si Aly nakikinig lang ng music
Natuwa din ang ALE dahil excuse din daw sila sa klase.
"Yes beach! Kahit two days lang okay na! Madaming chicks!" Greta at pinagbabatukan naman siya ng iba.
"So mag-ready na kayo dahil aalis na kayo bukas, pwede na kayong umuwi." Coach at excited na pumunta ang ALE sa dorm pwera kay Aly.
-----
"Ly! Patext ako nagtext sakin yung chicks ko eh." sabi agad ni Gretchen pagkapasok na pagkapasok nila ng dorm yung iba naman tumakbo agad papunta sa kanikanilang mga kwarto dahil excited silang lahat para bukas.
"O!" Ly sabay bato ng phone niya. Nagtext naman agad si Greta. Umupo naman siya sa sofa at tumabi rin sa kanya si Gretch.
Agad namang tumunog ang phone ni Ly.
"Ang bilis namang magreply. Haha." Greta at agad tinignan ang nagtext. "Ay Ly, si Bang pala."
"Okay." walang kagana ganang sabi niya.
"Ly basahin mo kaya." pangungulit ni Gretch.
"Nah." sabi niya at pumikit.
"Ako na lang magbabasa." Greta pero hinablot naman ito ni Ly at binasa ang text.
From Sheila:
Ly, I heard na may vacation kayo ng 2 days and also saw Gretchen's tweet I hope bago ka umalis pumayag ka ng makipagkita Ly para mapag-usapan na natin to. Please sa Starbucks mamayang lunch.
Aly glared at Gretch at napataas lang ng dalawang kamay si Gretchen.
"Okay okay sorry? Pero hindi ka ba naaawa kay Bang? Halos minu-minuto ka yata tinetext niyan para lang makipagkita siya ka sa kanya. Pagbigyan mo na bago man lang tayo umalis bukas." Greta. Napabuntong naman si Ly at nireplyan si Bang.
To Sheila:
Okay.
"Yun oh! Pumayag din siya!" Greta na may kasama pang suntok sa hangin.
Naidlip muna siya saglit at umakyat na rin para mag-ayos ng gamit.
-----
Mayamaya pagtapos niyang magbihis ay bumaba na siya para umalis kaso masyadong siyang mabagal dahil hindi siya nakatakas sa mga mata ni Ella.
"Ly! Pasalubong ah!" Ella.
"Oo na!" Ly at umalis na.
Pagkadating niya sa Starbucks ay nakita niya agad si Bang sa loob at ng mapansin siya nito ay agad itong tumayo at sinalubong siya.
"Thank you very much. Ly." agad na sambit ni Bang at umupo na sila at mayroon na ring order doon.
"Spill. May gagawin pa ko." Aly.
"First of all Ly, I'm very sorry. Nadala lang talaga ako ng kalasingan kaya ko nagawa yun." Bang. "Tsaka Ly I really like you, or maybe love you? I don't know basta I feel happy when I'm with you. And I thought you feel the same way too." Bang at nag simula na siyang umiyak, nairita naman si Ly.
