Kinabukasan...
Pababa na si Aly ng hagdan at hanggang ngayon ay iniisip pa din niya yung sign at fake girlfriend niya.
Nakita niya si Fille sa sofa habang nanonood, tinabihan niya ito.
"Sino na gagawin mong fake girlfriend?" Fille.
"Wala! Tss hindi naman pumunta si Sheila kaya di ko na iisipin yun." Ly.
"Sana pumunta!" Fille na parang bata.
"Tumigil ka nga baka mamaya magdilang anghel ka." Ly.
"Onaman. Anghel yata ako." Fille.
"Filleing ka talaga." Ly at binato naman siya ng unan ni Fille.
"Sana talaga karmahin ka." Fille at nanood na lang ulit.
Pumunta siya ng kusina para kumain.
"Capt andyan ka pala! Nagluluto ka pa lang?" Ly.
"Oo kaya maghintay ka na lang." Dzi.
Bigla namang may tumawag kay Ly, si Mandz.
"Hello napatawag ka?" Ly.
"Hello Ly!" Mandz na parang natataranta.
"Anong nangyari ba't natataranta ka?"
"L-ly s-si ano si a-ano!"
"Sino? Kumalma ka nga."
"Si Bang! Nalaman niyang nagkita tayo kahapon!"
"Shit! Anong ginawa niya?" Ly at sinaway naman siya ni Dzi kaya pumunta siya ng sala.
"Kinulit niya ko kung anong pinag-usapan natin tapos ano tapos..."
"Tapos ano?!" Ly.
"Ano ba Ly?! Ang ingay mo! Kakarmahin ka talaga." Fille at umakyat.
"Sorry!" Ly at binalik ang phone sa tenga. "Ano na?!"
"Sinabi ko na tinanong ko kung anong nangyari sa inyong dalawa tapos ayun bigla na lang siyang umalis dala yung kotse niya! Di ko alam Ly baka pumunta siya sa dorm niyo!"
"Ano?! Shit sige salamat!" Ly at binabaan na niya si Mandz.
Pagkababang pagkababa niya ng phone ay biglang may kumatok then Aly froze.
Hindi niya binuksan ang pinto at nagpapanic na siya sa loob ng lumabas si Dzi.
"Ly may kumakatok ba't di mo buksan?" Dzi na galing kusina at pupunta na sana sa pinto para buksan ng pigilan siya ni Ly.
"Capt teka wag muna. Baka si Sheila yan." Ly.
"Ano naman?" Dzi at naglakad ulit para buksan yung pinto.
"Teka Capt!" napasigaw siya dahilan para marinig siya ng tao sa labas.
"Ly? Ikaw ba yan! Buksan mo to mag-uusap tayo!" Sheila.
"Shit! Nagdilang anghel nga si Fille!" at napahawak sa ulo niya.
"Wala huli ka na." bulong ni Dzi at binuksan ang pinto.
Bumungad si Bang sa kanila na magkasalubong ang kilay.
"Sheila b-bat ka nandito?" nauutal na tanong ni Ly.
"Di mo man lang ba ako papapasukin?" Sheila at pumasok naman sila sa sala.
"So bakit ka nandito?" Ly.
"Well sinabi ko na sayo ang dahilan. So nasan ang girlfriend mo?" Bang.
"Ly may girlfriend ka?" Dzi at nagulat naman silang dalawa.