Chapter 13 Vacation Pt. 1

598 15 0
                                    

Day 1


---


Nakarating na sila sa beach at ito ang first day ng vacation nila, at para kay Ly, ang bakasyon ay pagpapahinga kaya pagkadating nila ay natulog agad siya.

Magkasama rin pala sila ni Den sa kwarto by popular demand. Lol.


Ngayon ay gising na si Ly at nagbabasa na lang ng libro ng biglang bumukas ang pinto. Nakita niya si Den na masayang may kausap sa phone.


"Talaga? Kelan kayo pupunta? Bukas?!" masayang sabi ni Den at biglang may dalawang lumapit sa kanya.


"Oh bakit Marge, Gretch?" tanong ni Den sabay layo sa phone niya para hindi marinig.


"Oh buti naman dito ka na nakikipag-usap gamit ang phone mo baka mamaya mahablot nanaman yan kung nasa labas ka." sabi ni Marge.


"Ah oo, kausap ko pa kasi si LA eh. Teka." Den at nagpaalam na kay LA at binaba na ang phone niya.


"Lagyan mo na kasi ng password yan para kung sakaling mahablot ulit eh di mabubuksan nung magnanakaw." paalala ni Greta.


"Oo na po. Salamat." Den at nagsimulang mag-isip ng password.


"Anyway, si Ly nga pala?" Greta na excited.


Narinig ni Ly ang usapan ng tatlo na parang excited yung dalawa.


"Gisingin mo naman si Ly magbobonfire daw eh!" Marge said at excited siya.


"Hindi naman siya tulog." Den.


"Talaga?!" Marge at Greta at sinilip si Ly at nakitang nagbabasa ng libro. Pumasok na silang dalawa at sumunod naman si Den.


"Ly! Gising ka na pala! Tara baba na tayo kanina ka pa tulog eh! Tsaka magbobonfire daw!" Marge said excitedly.


"Oo nga Ly wala akong kasamang manghuli tara na!" Greta.


"Nah." Aly at sinara ang librong binabasa niya. Tumayo siya. "Sige." Ly at tumalon sa tuwa ang dalawa.


Nagulat silang tatlo at napatingin kay Den na tumatawa at nakangiti ng masama.


"Hala Den anong nangyari sayo?" Greta at napatingin naman si Den sa kanya at nagulat.


"Ah wala nagtext kasi sila Ella na bumaba na daw tayo kasi kakain na daw at magbobonfire na." Den pero nakangiti parin at parang nagpipigil ng tawa.


"Anong nakakatawa dun? Anyway tara na Ly! Excited na kong magbonfire!" masayang sabi ni Marge at hinila ng mahina si Aly.


"Una na kayo, shower lang ako." Ly at tinanggal ang pakakahawak ni Marge sa kanya.


My Sweetest Sin (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon