Chapter 4 Shot BANG!

1.3K 31 0
                                        

-----

"Congratulations tanggap kayong lahat at pwede na kayong pumunta sa dorm niyo." masayang anunsyo ng Coach nila sa kanila.

Umuwi na siya para kumuha ng mga gamit at ngayon ay pupunta na siya sa dorm nila.

Nang makarating siya ay kumatok siya sa pinto. At pinagbuksan ito ni Dzi.

"Oh Valdez nandito ka na pala pasok." Dzi. Pumasok na siya at nakita si Gretch na may hawak na phone at Fille na nagbabasa.

"Oy Ly! Magkadorm pala tayo!" Gretch.

"San kwarto ko?" tanong niya.

"Mamaya pa iaanounce pag nandito na lahat kaya ipagdasal niyo na sana hindi mabagal si Den ngayon." Dzi said umupo si Aly sa tabi ni Greta.

"Chicks mo?" tanong ni Aly kay Greta na may katext.

"Hihi. Oo." Gretch. Biglang may kumatok sa pinto pinagbuksan ito ni Dzi.

"Oh Ella di kayo sabay ni Den?" Dzi. Si Ella pala yung pumasok.

"Oo Capt, mag-iimpake kaya ng gamit kaya napakatagal nun fo'sho. Wala pa bang pagkain nakakagutom yung biyahe!" sabi ni Ella at dumiretso ng kusina.

"Wala pa mamaya pa kakain pag andyan na ang lahat.

" Dzi at bumalik na lang si Ella.

"Asan na lang yung room ko?" Ella.

"Mamaya pa iaanounce pag nandito na lahat." Dzi.

"What?! Edi sana pala sumabay na lang ako kay Besh alam ko namang siya ang mahuhuli!" sabi ng nakabusangot na si Ella.

"Pa'no mo ba naging bestfriend yun eh galit na galit ka naman sa kanya?" Dzi said while laughing.

"Di ko din alam." Ella.

Dumating na ang lahat well except Den siya nalang ang hinihintay nilang lahat.

"Dzi! Magluto na kayo nagugutom nako hayaan mo na si Besh!" sabi ni Ella.

"Oo na nga nagugutom na din ako eh." Dzi at pumunta na siyang kusina at sumama naman si Fille sa kanya para tulungan siya.

May kumatok bigla.

"Oh Ella pagbuksan mo na ang magaling mong bestfriend!" Gretch.

"Ayaw! Gutom ako." Ella.

"Ikaw na lang Ly para mainis siya sa pagpasok niya para makabawi tayo sa paghihintay sa kanya." Gretch

"Oo nga!" Ella na parang hindi bestfriend nya ang pinag-uusapan.

Tumayo na lang siya at binuksan ang pinto. Nakita niya si Engot na dalawang maleta ang dala.

"Kadorm kita?!" bungad sa kaniya ni Den. Tinalikuran niya lang ito at pumunta na sa sala.

"Oh asan si besh?" tanong ni Ella kay Aly.

"Andun sa labas." Aly.

"Di siya pumasok?" Gretch. Si Ella naman ay pumunta sa may pinto at nakita ang besh niyang nabibigatan sa dala niya.

"Besh! Patulong!" Den to Ella.

"Ayaw! Lalo akong di tatangkad! Aly, Greta tulungan niyo nga si besh!" Ella. Tumayo ang dalawa at tumayo lang sa pintuan tinitigan lang si Den.

"Ayoko magpatulong jan!" Den habang pilit na binibitbit ang mga dala niya.

"Haha Den kaya di ka tumatangkad eh!" Gretch at kinuha ang isang maleta ni Den.

My Sweetest Sin (AlyDen)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon