Death Note:
Happy 4k reads! Waaah! *Q* Salamat sa mga nagtyatyagang magbasa ng kaweirdohan ko haha! Sana pagpatuloy niyo kahit pangit. Haha! Payakap! \(*0*)/
------
Natapos ang game laban sa Ateneo at Adamson at ang ALE ang nanalo kahapon kaya tuwang tuwa ang Coach nila at nagcelebrate din sila.
At dahil wala silang pasok ngayon ay naisipan nilang magmovie marathon.
"A walk to remember na lang panoorin natin!" Fille.
"Love Story? Wag na Paranormal Activity na lang!" Greta.
"Eh ayoko nun horror! Okay so sino gusto ng love story?" Fille at nag-taas ang lahat pwera kay Aly at Greta. "Oh pano ba yan? Majority wins."
Sinimulan na nila ang palabas, si Aly at Greta ang magkatabi dahil sila lang ang magkasundo ang katabi naman ni Aly ay si Den na pakana ni Ella.
Maya-maya ay nagsimula ng umiyak ang lahat pwera sa dalawa na nababagot na sa palabas.
"Hoy 'wag mo nga kong gawing tissue!" sigaw ni Ly kay Den na humahagulgol na.
"Oy ang kapal mo hindi kaya!" sabi ni Den ng humihikbi habang pinupunasan ang luha.
"Sana may magmahal din sakin katulad ni Landon." Fille habang umiiyak pa rin.
"Tapos magkakaleukemia ka rin katulad ni Jamie." Greta at tumawa.
"Hmp!" Fille.
Nang matapos nila ang palabas madami pa silang pinanood, at ngayon si Aly na ang mamimili ng panonoorin.
"Greta!" tawag ni Ly kay Gretchen at lumapit naman ito.
"Oh bakit?"
"Gusto mong pagkaguluhan?" tanong ni Ly habang nakangiti ng nakakaloko.
"Gusto ko yan! Pa'no?" Gretch said excitedly.
"Ganto." sabi ni Ly habang pinapakita kay Greta ang Paranormal Activity. "Pero bago yan, alisin mo muna yung mga unan at kumot." dugtong niya. Ginawa naman yun ni Greta at madaming nagreklamo sa kanya pero sa huli ay naalis din niya.
"Oks na." Greta. Sinalang na ni Ly ang panonoorin nila at agad silang umupo ni Greta.
"Anong palabas yan?" Fille.
"Di ko alam basta kumuha na lang ako eh." maang maangang sabi ni Ly.
Maya-maya ay pagkakita pa lang nila sa title ay nagtititili na yung mga babae.
"Asan na yung unan?!" Dzi na parang iiyak na.
"Relax Dzi, simula pa lang wala pa yung nakakatakot. Wag nga kayong KJ!" Greta. Nanahimik naman yung iba pero wala pang nangyayari ay nakatakip na ang mga mata nito.
Naramdaman ni Ly na parang may parang nanggigitgit sa kanya, pagkakita niya ay si Den nakatago ang mukha sa tuhod. Bigla tuloy'ng nakaisip si Ly ng kalokohan.
Ng nasa kalagitnaan na ang palabas wala ng naintindihan si Aly at Greta dahil sa tili ng mga babae lalo na si Fille at Dzi. Si Den naman ay napapayakap minsan kay Ly dahil si Ella ay nagwawala na din dahil sa takot.
"Oh girls hinay hinay lang isa lang ako!" Greta habang madami ng nakayakap sa kanya dahil sa takot. Si Ly naman tinatawanan lang siya.
At ngayon na naisip ni Ly gawin ang naisip niya kanina, nakaupo lang siya habang
tinitignan ang ilaw na nakapatay. Then she smiled at bigla na lang itong nagpatay sindi napatigil ang lahat at lalong nagtititili yung iba ay mugto na ang mga mata kaiiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/18680125-288-k811472.jpg)