Chapter 20 Right Next To Me

838 22 1
                                    

-----

Nagising si Ly dahil naramdaman niyang bumigat ang braso niya pagdilat niya ay nakita niya si Den na mahimbing na natutulog habang ginagawang unan ang braso niya at nakayakap pa sa kanya, napaupo siya bigla kaya nagising si Den.

"Hmm." ungol ni Den at dahan dahan minulat ang kanyang mga mata. "Gising ka na pala, good morning." masayang bati pa nito.

"Ba't ka nandito?" nakakunot noong tanong ni Ly.

"Ganyan mo ba batiin ang girlfriend mo sa umaga?" tanong ni Den at umupo din.

"Girlfriend? Ikaw girlfriend ko? Nahihibang ka na ba? Lumabas ka nga! Tsansing." asar na saad ni Ly at tumayo na at pumasok ng banyo. Nagising naman ang diwa ni Den sa sinabing yun ni Ly.

"What?! Matapos kitang sagutin kahapon, tatanungin mo ko kung nahihibang na ko? Edi sige wala kang girlfriend! Wala tayong relasyon!" sigaw ni Den and stormed out of the room.

Dumiretso si Den sa kwarto nila ni Ella at nakita si Ella at Marge na kagigising lang din.

"So how's your night with your girlfriend?" bungad na tanong sa kanya ni Marge.

"Wala! Wala ako non!" Den at dumiretso ng banyo. Naiwan naman si Marge at Ella na nakakunot ang noo.

-----

Matapos ni Ly magshower ay lumabas na agad siya para hanapin si Den, halos iuntog na niya ang ulo niya kanina sa CR ng marealized niya ang mga pinagsasabi niya kay Den. Lesson learnt, bawal silang matulog ni Den ng magkatabi dahil sa thirty seconds siyang makakalimutin sa umaga.

Dumiretso siya sa baba at nakita ang mga teammates niya sa sala. Hindi naman niya makita si Den.

"Good morning Ly!" Fille.

"Sino hinahanap mo?" Dzi ng makita siya nitong palingon-lingon. Umiling naman siya at umakyat ulit.

Pumunta siya sa kwarto nila Den at Ella para tignan kung nandun nga si Den, pagbukas naman niya ay nakita niya si Marge at Ella na kausap si Den.

Nang makita naman siya ni Den ay agad itong tumalikod, sila Ella at Marge umiling-iling. Sinenyasan naman niya ang dalawa na lumabas. Tumayo naman ang dalawa para lumabas.

"San kayo pupunta?" tanong ni Den sa dalawa.

"Sa baba." sagot ng dalawa.

"Sama ako." Den at akma ng tatayo ng pigilan siya ni Ly. "What?!" inis na tanong niya dito. Hindi nagsalita si Ly, tinignan niya lang ang dalawa at lumabas naman ang mga ito. "Ba't mo sila pinalabas?" hinila naman ni Ly si Den sa kama at umupo sila dun.

"Yung nasabi ko kani---" panimula ni Ly but Den cut her off.

"Inexplain na sakin ni Marge, na magigising ka lang pagtapos ng thirty seconds!" inis na sabi ni Den.

"Eh ano pang kinagagalit mo dyan?" Ly at tumayo naman si Den.

"Tanungin mo ba naman ako kung nahihibang na ba ko sa tingin mo hindi ako magagalit?! So ano yun? Nagsisisi ka na bang pinasagot mo ko?! Hindi ka ba masaya ha?!" sigaw ni Den.

"Teka hin---" Ly pero pinutol ulit siya ni Den.

"Anong hindi?! Tigilan mo ko! Wag mo kong kakausapin! Wala kang girlfriend di ba?! Fine! Bwisit ka!" Den and stormed out of the room, again.

"Hoy Engot teka!" pahabol ni Ly pero late na siya.

Yan ang unang away nilang dalawa at nasundan pa ito ng madami pang cute fights na kapag naiinis si Den kay Ly ay hindi niya to pinapakinggan at nagwwalk-out na lang pero pag napakinggan na niya ang side ni Ly ay magssorry din siya sa huli dahil sa hindi pakikinig nito.

My Sweetest Sin (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon