Prologue

5K 219 2
                                    

Yiieehhh!thank you po sa book cover ate itsmeshielalabels

*****

Prologue

Nagising ako habang nakatali ang mga paa at kamay ko isang upuan.Abot abot ang kaba ko nang lumitaw siya sa harap ko.Kalagitnaan na nang gabi at sumisilaw sakanya ang liwanag ng
buwan.Tanging buwan lang ang nagsisilbing ilaw dito sa mansyon na halos walang tao at walang ilaw.

Habang may hawak siya na wine----dugo ng tao ay humarap siya.Nangatog ang tuhod ko nang maisip ko na baka inumin niya ang dugo ko

Tumawa siya nang bahagya na ikinatakot ko.Di ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil natatakpan ito ng buhok niya.Nakabuhad din siya at makikita mo ang matigas na bagay sa tiyan niya.Unti-unti siyang lumalapit sakin habang iniinom ang nasa baso niya

"Ah!" Napatili ako nang pinutol niya ang tali sa kamay at paa ko nang walang kahirap-hirap.

Binuhat niya ako at pina-upo sa lamesa nang pabagsak!.Lumapit siya sakin at inamoy-amoy ang leeg ko.Pilit ko siyang nilalayo sakin pero hinawakan niya ang legs ko at inilapit sakanya at lalong diniin ang mukha sa leeg ko.

"Hmm...paano naman napunta ang isang napakagandang binibini sa isang abandonadong lugar na nakikipaglaban?" Gusto ko siyang itulak pero...wala akong lakas para gawin yun.Tanging pag-iyak at pag-hikbi lamang ang nagagawa ko.Nasan ang tapang mo ngayon?bakit biglang umurong?

Nagwawala naman ako nang naramdaman ko ang matulis niyang ngipin sa aking leeg.Pinagsisipa ko siya at pinagsusuntok pero parang wala lang sakanya.Ang isang kamay niya ay nasa bewang ko at maya-maya ay umakyat ito patungong ulo ko at ipinatagilid.

Habang ang isa niyang kamay ay
nasa hita ko.Iyak lang ako ng iyak nang bumabaon ang ngipin niya sa leeg at naramdaman kong may tumulong tubig o.....dugo.

Dumiin naman ang pagkakahawak niya sa hita ko at sinimulang sipsipin ang dugo ko

"Aahh!" Sigaw ko nang maramdaman ang pagsipsip niya at ang unti-unting pagbawas ng dugo ko.Para siyang sarap na sarap sa iniinom niya,samantalang ako ay halos mabaliw dahil sa pagkawala nang dugo ko.

At maya-maya ay idiniin niya ang mga ngipin niya sa leeg ko at sinipsip ito na parang uhaw na uhaw

*crack*

Nagulat ako nang bigla niyang hampasin ang lamesa na sobrang haba.Napakapit naman ako sa batok niya at nakahawak siya sa pang-upo ko nang mahati ang mesa.Nanghihina na ako at anumang oras ay mawawalan ako nang malay.

Napapabitiw din ako sa pagkakahawak sa kanyang batok.

Kita ko ang matulis niyang ngipin at pag-uurat ng mga braso niya Tumutulo ang dugo ko galing sa kanyang bibig

Nagdodoble na ang paningin ko pero alam kong nakatitig ito sa akin.Buhat buhat niya pa rin ako gamit ang isa niyang kamay at ang isa niyang kamay ay hinawakan ang ulo ko at dinilaan ang natitirang dugo sa leeg ko

"Ang sarap ng dugo mo binibini" sabi niya habang tuloy pa rin sa paglilinis ng leeg ko.Gusto kong murahin ang bampirang nakabuhat sakin.Gusto kong barilin ang bungo nito dahil sa pagsipsip niya sa dugo ko pero....wala na akong natitirang lakas para gawin 'yon

Nang wala nang matirang dugo ay ngumisi ito sa akin at ngayon ko lang nasilayan ang mukhaniya.Kahit nanghihina na ako di ko maipag-kakaila na gwapo ito.At naisip ko pa pala ang ganiting bagay?.

Ngumisi naman siya sakin tsaka ako hinalikan sa labi "I marked
you.....simula ngayon,AKIN ka na binibini...."yun ang huling sinabi niya na narinig ko at nawalan na ako ng malay.

***Don't forget to vote and comment😍😉***

Marked By The VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon