Chapter 6

2.5K 99 3
                                    

"YUMUKO KAYONG LAHAT!!" malakas na sigaw ko sakanila bago pa magpaulan ang mga kalaban namin.Alam kong isa sa mga kalaban namin ang umatake samin ngayon

"JOSEFA" tawag sakin ni bart at ibinato ang dalawang baril sakin.Agad ko naman itong kinuha

Nakadapa na kaming lahat at lumipas na ang ilang minuto ay wala na kaming narinig na putok ng baril...di na pa nasundan kanina.Nagpapanic na sila at nagkakagulo"YUMUKO LANG KAYONG LAHAT!!HUMINAHON KAYO!!" malakas na sigaw ni cyjie sa kanila ng di na sila mapakali at nagsisitayuan na

Tumayo na nang tuluyan Gela(kaibigan ni pierra)at sa kanyang pagtayo ay kasabay ng sunod sunod na putok ng baril.Natulala nalang ako sa kinalalagyan ko

"Geeelllaa!!!" Umiiyak na sigaw ni pierra.Tumulo ang luha ko....bakit...ganito?

Nabibingi na ako sa sunod sunod na putok ng baril.Kinuyom ko ang mga kamao ko."LAHAT MAGHANDA!!ILABAS LAHAT NG BARIL!!" sa likod ng nakakabinging putok ng baril ay inutusan ko ang mga tauhan ko

Gumapang ako papunta sa malaking lamesa habang umiiyak.Dalawang malalaking lamesa ang narito.Walang humpay ang pagluha ko.Hindi ko matanggap na may namatay na inosente

Masyadong mabilis ang pangyayari.Di ko ito inaasahan.Akala ko ay di muna sila susugod dahil binigyan ko sila ng leksyon pero mukhang nagkakamali ako...

Pilit kong tinutumba ang malaking lamesa pero kulang lakas ko at isa pa....nanghihina ako dahil may namatay na inosente

Tinulungan ako nila bart na itumba ang lamesa.Ginawa namin itong panangga para di kami mabaril

Pinapunta na nila red at cyjie ang mga kaklase ko at mga ilang kaibigan ko rin.Sunod sunod pa rin ang putok ng baril.Walang tigil...walang humpay.Nakatingin ako ngayon kay gela na duguan,halos lahat ng katawan nito ay may bala ng baril....napatakip ako sa bunganga ko.Dinaluhan ng kaibigan ni pierra si gela na walang malay.Iyak lang sila ng iyak

Kinasa ko ang baril ko at gumapang papunta sa mga basag na bintana."Josefa...huwag muna,mapapahamak kalang" sabi ni jin habang pinipigilan ako.Tinabig ko ang kamay niya.Di niya na ako pinigilan at pumwesto na rin siya sa may bintana.Nandoon na rin ang mga iba kong tauhan.Sumandal muna ako sa pader malapit sa may bintana.Binato ni jun-jun ang mga bala sakin na agad kong nasalo,ibinulsa ko muna ito.

Walang emosyon na makikita sa mukha.Tumigil na rin ang pagputok ng baril at nakarinig kami ng malakas na tawa.Agad akong lumingon nang mapamilyar ko ang pagtawa niya

Napakuyom ang kamao ko....nasa harap ko...namin!ang pumatay sa magulang namin

"Gasto" matigas na sabi ko.Pinatong ko ang mga braso ko sa may bintana sa paraan na di niya ako makikita.Seninyasan ko ang mga tauhan ko na itutok sa kanya.Nang kakalabitin na namin ang gatilyo ay nagulat nalang ako nang napatingin siya sa direksyon ko at ngumisi.Nakita ko naman na pumula ang kanyang mata

"BARIL!" Malaks na sigaw ko sakanila..Napamura nalang kami nang agad siyang nawala na parang bula

"F*ck!anong nangyari?"

"Paano siya nawala ng ganoong kabilis?!"

"Impossible...naging pula ang mata niya"

Nangatal ang kamay ko.

"Hindi!hindi 'to maari!"napatingin ako kay ecari na nangangatal ang kamay habang umiiyak.Tinignan ko siya ng makahulugan

"Hindi ito ang nasa hinaharap!di ako pwedeng magkamali" sabi ni ecari.Tumayo siya nang maayos at agad nagkulay pula ang mga mata niya na ikinagulat namin.Nagkulay pula rin ang mata niya pero agad itong bumalik

Marked By The VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon