Pauwi ako sa apartment at sinugurado kong walang nakasunod sakin.Tinanggal ko na rin ang disguise ko.Simula nang umalis ang mga tauhan ko galing maynila ay sinundan na nila ito.At sabi nila,inutusan daw ito para sundan ang mga walang kwenta kong tauhan para makasugod sila samin na hindi namin nalalaman.Huh,pero sorry sila hanggang plano lang nila 'yon
Susundin ko si ecari at sabay na kami papasok.Wala akong tiwala sa mga tauhan ko,nasundan nga sila tapos ipagkakatiwala ko pa ba sakanila?tss.Pagpasok ko nang apartment ay wala nang tao.Siguro nagpahatid si ecari dun sa mga tauhan ko.Isasarado ko na sana ang pinto kaso may narinig akong kaluskos galing sa kwarto ko.Dahan-dahan akong umakyat at bahagyang nakabukas ang kwarto ko nang makarating ako dun.Pabigla kong binuksan ang pinto at tsaka nagtutok nang baril kaso wala akong makitang tao
Nilibot ko ang kwarto ko---ang buong aparment pero walang tao.Baka guni-guni ko lang iyon at nakalimutan ko siguro isara ang pinto o di kaya ay pumasok dun sa ecari at nakalimutan lang isara ang pinto
Akmang aalis na ako nang may naramdaman ako sa likod ko.Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko pero...nagulat ako nang may maramdaman akong matulis na bagay sa leeg.
Dalawang matulis na bagay at ramdam ko ang pagbaon nito kaya lumingon ako pero laking gulat ko nang wala akong makitang tao
Nagsitayuan naman ang balahibo ko nang may pumasok sa isip ko na kinakatakutan ko."Sh*t baka may mumo dito" bulong ko at kumaripas nang takbo at tarantang sinarado ang pinto
***
Nakarating ako sa school---sa Unique University at kita kong nagsisilabasan na sila.Mukhanv break time na.
Hay!,unang araw ko palang late na ako?paano na sa susunod na araw?tss
Pa-cool lang akong naglalakad at di ko inalintana ang mga mapanghusgang matang nakatitig sakin.Gustong umikot ng mga mata ko sakanila kaso tinatamad ako kaya huwag na
Habang walang buhay akong naglalakad at pinagtitinginan nang tao ay nangunot na lamang ang noo ko!WTF!
Naka-akbay lang naman si jun-jun kay ecari,samantalang nakahawak nakahawak naman si bart sa kaliwang kamay niya na tila inaalalayan at sa kanan naman ay magk-holding hands sila ni fred,tagapaypay naman si red kay ecari gamit ang notebook,may dala namang mineral water si gaze na dapat ay ibibigay niya kay ecari kaso siya ang uminom.Di ko na sasabihin ang iba,nakakatamad!sampu silang tauhan ko at lahat sila ay may kanya-kanyang hawak at ginagawa
"Pucha!ang galing mo ecari!"
"Anak ng teteng mga bro!na-amaze ako kay ecari"
"No comment!"
"Dapak!tubig pa!ako ang nauhaw sa laban nila!
"Kailangan ng rematch!di tanggap ng ka-away ni ecari na talo siya whahha"
What the?ano daw?away?nakipag-away si ecari?!
Tinakbo kong saan ang kinaroroonan nila at binatukan si ecari na paika-ika kong maglakad.Ngumuso lang siya sakin at pinakyuhan ako?Napanganga nalang ako,anong tinuro ng mga tauhan sa inosenteng ecari?
"Ako pa talaga ang binatukan mo?!pinaglaban ko na nga lang yung dapat na uupuan kasi late ka!" Lalong nangunot ang noo
"Oo nga bat mo ka---" di ko na pinatapos magsalita si jin nang tignan ko siya nang parang walang paki sa sinasabi niya
"Huwag kang sumabat kong di ikaw ang kausap"sabi ko sakanya na ipinagkibit balikat niya lamang
Napakamot nalang ako sa ulo ko"Upuan lang yun ecari...huwag ka na sanang nakipag-away,unang araw palang natin dito" sabi ko sakanya na nagpa-nguso lalo sakanya
"Gusto kasi kita katabi" parang bata na sabi niya.Di ko na siya pinansin at inalalayan ko nalang siya papuntang clinic.Napaka-immatuted talaga ni ecari mag-isip.Napapa-iling nalang ako sa naiisip ko.Naaalala ko pa noon nung tinangay nang aso yung isang pares ng tsinelas ko,parehas kami ni ecari ng tsinelas kaya nung nakita niyang tangal tangal nang aso yun ay nakipag habulan siya habang umiiyak at sinasabi na 'ibalik mo yan aso!kay josefanget yan!' Nang nahabol niya ito ay nakipag-agawan pa siya kaya ang nangyari sa huli.....tinuturukan siya ng anti-rabies na ikabaliw niya.
"Bart,alalayan mo nga siya" utos ko sakanya.At halos gusto ko nang dukutin ang mata niya nang nakatingin siya sa babae na kinulang sa tela
"Sheyt!ang se---aray ko!a--aaray!tama na!ansakit"reklamo niya nang hilahin ko ang tenga niya,tinignan ko lang siya nang masama at itinuro si ecari.Hawak niya ang pulang tenga niya habang inaalalayan si ecari
Tinawag ko ang mga tauhan ko sa pinakalikod ng school.At syempre,kanya-kanya reklamo sila kong bakit daw nandoon kami
Kwenento ko sakanila na nasundan sila nang mga ka-away namin at sinabi ko na kong baka di ko pa sila binantaan ay napahamak na si ecari.Nagkanya-kanya paalam naman sila sakin at sisiguraduhin daw nila na di na babalik ang mga yun
Pabalik na ako sa clinic nang may naramdaman akong kakaiba."Ouch!" Daing ko nang may maramdaman na matulis na bagat sa leeg ko.Tumingin naman ako sa likod baka may tao kaso wala...agad nagtindigan ang mga balahibo ko sa takot.Ganito din yung nangyari kanina ah?isip ko.Nanlaki ang mata ko nang baka multo ang may kagagawan nito kaya kumaripas ako ng takbo na halos madapa na ako
***Don't forget to vote and comment😍😉***
BINABASA MO ANG
Marked By The Vampire
Vampire"Bampira" Naniniwala ka pa ba dito?Totoo nga ba ang nilalang na ito?o isa lamang itong kwento? Pero paano kong totoo nga sila? Paano kong ang isang gangster ay maging mate nang isang bampira?markahan ka nang isang bampira?makakatakas ka pa ba?matata...