Chapter 20

1.3K 54 3
                                    

Bahagya kong hinaplos ang buhok ni Blake,tulad ko ay kulay abo din ang kanyang buhok.Pinasadahan ko nang tingin ang kabuuan nang kanyang mukha.Pinababa ko ang kamay ko sa kanyang kilay.Makapal at maganda ang pagkaka-arko nang sakanya.Napahawak ako sa kilay ko.Manipis ito ngunit maganda.Mata niya naman ang puntirya ko.Mahabang pilik-mata at kulay itim ang kanyang mga mata ngunit kakaiba ang dating.Nang nasa mundo pa ko nang mga tao ay,itim ang mata ko pero hindi kasing ganda nang kanya.Sa paligid nang aking pupil minsa'y namumulala o di kaya naninilaw!di tulad nang sa kanya na maputi!malinis tignan.Lagi pa nga nila akong inaasar na may sore eyes daw ako:(di ba pwedeng ganoon talaga?!tapyasin ko yang mga noo nang mga batang 'yan eh!.

Pero ngayon na bampira ako'y lumevel-up ang ganda ko?.

Hinahaplos ko pa rin ang mata niya,magaan lang ang kamay ko.

Napatingin ako sa bintana kung saan naririnig ko ang mga padyak ng kabayo.Tila may nangyayari sa baba.Naririnig ko ang sigaw nang Hari at ang pag-aawat nang reyna.Binalewala ko na lamang ang bagay na 'yon.Muli kong tinignan si Blake.Hinalikan ko ang ilong nito tsaka tumungo sa banyo.

***

Ilang minuto lamang ang tinagal ko.Pagkalabas ko ay di ko na nadatnan si Blake.Muli akong napatingin sa bintana.Di pa rin tapos ang mga sigawan kaya't napag-pasyahan kong lumabas.

Pababa na ko nang hagdan at palakas ng palakas ang sigawan.

"Wala kang kwenta!" kasunod nun ang pagtalsik ng isang bampira papunta sa harapan ko.

Nasa harap na ko ng pinto.Napatakip ako sa aking bunganga nang mabungaran ko ang bampirang sira-sira ang damit at duguan.

"Matapos mo kaming pagtaksilan ay babalik ka dito sa palasyo?!nakaka-gago ka!" napatingin ako kay Luke.Napaka-seryoso niya.Parang siyang papatay.Namumula ang kanyang mata at nagsisilabasan ang pangil.

Gumalaw ang lupa't pinaligiran ang katawan nang bampira.Napatingin ako sa Hari.

Nakaramdam ako ng takot.Ibang-iba ang presensiya niya kesa nung una ko siyang nakita.

Tumingin ako sa paligid lahat sila ay namumula ang mata..galit.Maliban na lamang sa Reyna tila nasasaktan siya.

Habang pinagmamasdan sila ay may biglang humila sakin."Lumayo ka sakanya binibini,baka malingat lang ako saglit ay pagtaksilan niya rin ako." naguguluhan ko siyang tinignan.Kita ko naman sa gilid nang mata ko na napatingin sakin ang bampira.Tinignan ko siya,kita ko ang paglaki ng kanyang mata.

"Hindi maaari---" bago niya maituloy ang sasabihin niya't sinampal siya ng Hari.Na sa sobrang lakas ay nabitak ang lupang pumalibot sakanyang katawan at muli siyang napahiga.

"Ipunta siya sa sagradong kwarto at wag hahayaang makalabas pa!" nangangalaiting sigaw ng Hari.Iba talaga ang mga kilos niya ngayon.Iba ang nararamdaman ko.

Binuhat siya nila Sandro at Asura.Nakatingin pa rin ang bampira sakin.Kakaiba ang kanyang tingin.Nagbabanta na natatakot."Sana hindi pa huli...." huling sambit niya siya mawala sa harapan ko.

"Huwag mo siyang tignan binibini..." bulong ni Blake.Hinalikan niya ko sa noo bago ako iwanan pero bago pa siya umalis ay pinigilan ko siya.

Nagkatitigan pa kami.Ako ang unang umiwas nang di ko matagalan ang titig niya."A--anong nangyayari?" inosente kong sagot.Ngumiti lamang siya tsaka siya lumapit sakin.Muling hinalikan ang noo ko.

"Wala 'to"  sabi niya.Tumango na lamang ako.

Bago pa siya umalis ay nadatnan niya si Lola Cercy sa tapat ng pintuan."La,pabantayan muna siya" tumango si lola tsaka siya nagtungo sakin.Inaya niya akong pumasok.

Marked By The VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon