Chapter 21

1.2K 43 5
                                    

Pinagsawa ko ang tingin ko sa kadiliman.Awtomatikong gumuhit ang takot sa aking mukha.Nanginig ang paa't kamay ko.Dumagdag ang samu't saring tanong saking isipan.Tumayo ako kahit na naginginig pa ko.Tumingin ako sa kaliwa't kanan...puro kulungan ang nakikita ko.Isa itong selda na parang sa mundo ng mga tao.Na kung saan dito ikukulong ang may mga sala pero....mas nakakatakot ito.Mas madilim.Iba ang awra nito.Maingay.Tila isang patay ang nakatira rito dahil sa paligid...na pinaliligiran nang napaka-raming multo---

kinilabutan ako ako sa naisip ko

Dahil sa mga ingay.Takot na takot pa naman ako sa multo kaya para akong maiihi.

Tumayo ako nang tuwid at tinatagan ang loob.

Kailangan kong malaman ang mga di ko pa alam...

Ilang metro ang layo ko sa mga selda.Tuwid ito na daan at sa gilid nito ay ang napaka-raming kulungan.

Kulob ang kwartong ito kaya nage-echo ang mga ingay.Masakit sa pandidinig lalo na't may maririnig kang impit na ingay at mga sigaw na nagdurusa...na nakapag-padagdag nang aking kaba.

Nakadiretso lamang ang aking lakad at nakapikit.Natatakot ako sa aking makikita.Baka biglang lumitaw ang isang multo.

Habang naglalakad ay bigla akong napatili nang malakas nang may humablot sakin.Agad kong minulat ang paningin tsaka pina-ikot ang braso para matanggal ang kamay.Sa sobrang takot at pagkabigla ay napa-atras ako't napasandal sa kung ano.Muli akong sumigaw nang may yumakap sa aking likuran.Agad akong nagwala.Nang maka-wala ako ay tumigil ako sa gitna.Tinignan ko magkabilaan ang kulungan.

Nakakita ako nang isang tao--dalawa--ano?mga tao?m--may mga kauri ako?!.

'Tulungan mo kami...pakiusap'

'Ayaw ko na dito!'

'Ilabas ko kami!ayaw kong matulad sa aking ina'

'Pakiusap...gusto ko pang mabuhay nang normal'

'Ang mga anak ko...'

Samu't sari sila nang sabi.Na sa sobrang pag-iingay nila ay para silanf bubuyog!nakakarindi!

Ngunit hindi ko 'yon inalala.Tumakbo ako't kaliwa't kanan kong tinignan ang mga kulungan na kung saan....tao ang naka-kulong dito.

"A--anong ginagawa nila dito!" nasabi ko na mga tao sila dahil sa kanilang kulay ng balat.Hindi ito kasing puti tulad naming mga bampira.Bahagya kong sinilip ang mga leeg nang iba ngunit walang bakas nang pinag-kagatan.

Umabot ako sa pinaka-dulo.At sa dulo nito ay may apat na kulungan.Sinuri ko ang kabuuan nang apat na kulungan.Kakaiba ito kumpara sa nandito na kulungan.

Mas maayos ito.Ni walang sira na kahit katiting keysa dun sa mga dinaanan ko na puro kulpi at gasgas.

Ramdam ko rin na may nilagay na mahika ang bawat kulungan.Siguro para hindi sila makatakas.Pero kakaiba ang nararamdam ko sa apat na kulungan.Tila mas malakas ang inilagay na mahika marahil ay malalakas sila o di kaya'y mga bampira sila kumpara sa mga tao na nakukulong dun.

Kailangan ko nang lisanin ang lugar na 'to.Ngunit,paalis na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko."Josefa?" napatigil ako saglit."Ju--jusko!ikaw ba 'yan!?" unti-unti akong umikot paharap.Di ako pwedeng magkamali.Ang boses na i---yon.Kilalang-kilala ko!.

"Katkat?" nanginginig na sambit ko.Muling tumulo ang mainit na likido sa aking mga mata nang masilayan ko ang kanyang mukha.Hindi nga ako nagkakamali..siya nga!."Katkat..." sinambit ko yun na may pagkasabik at pagkagulat.

Sumilay naman ang kanyang ngiti.Di rin lumampas sa mata ko ang dalawang maliit niyang biloy.

Naglumpasay na ko sa sahig sa sobrang tuwa.Wala na ring tigil ang pag-agos nang aking luha.So--sobrang saya ko!.

"Jo--josefa...di mo man lang ba ako yayakapin?" hikbi na sabi niya.Tinignan ko muna siya.Tsaka ako patakbo na pumunta sa pangalawang kulungan.

Hindi hadlang ang kanyang selda upang hindi ko maipadama ang kasiyahan nang muli ko siyang makita.Mahigpit ko siyang niyakap.Ganoon din ang ginawa niya nang mas lumakas ang hikbi ko.

Sobrang miss na miss ko siya.Mahigit na isang taon ko siyang di nakita.

Alam ko noon na di ko na siya makikita pero...tignan niyo!nayakap ko siya't nakikita...nag-iiyakan pa nga!

Kumalas ako sa yakap at sinuri ang kabuuan niya."Kumasta ka na?" sabik kong tanong.Di ko na inantay pa ang isasagot niya dahil nagsimula na akong magkwento nang kung ano sakanya.

Abot hanggang tenga ang ngiti niya habang nagkwe-kwento ako.Ganoon din ang ngiti ko ngayon.

Nakatuon ang titig niya saming kamay.Kita ko naman na bahagya niyang sinulyapan ang mukha ko.Ngunit agad siyang tumitig sa mukha ko.Tuloy pa rin ako sa pagkwento.

Nagtaka naman ako nang tinigil niya ang pag-haplos saking kamay.At tila nanigas siya."Anong problema katkat?" sinalubong ko siya nang tingin.Bumaba ang tingin niya sakin leeg---sa may marka.

"I--isa kang bampira?" ngumiti ako.Gusto kong ikwento na minarkahan ako nang gwapong bampira.

"Oo!" masiglang sambit ko.

Naningkit ang mata niya."Sino ang nag-marka sayo?sino ang mate mo?!" nagulat ako sa pagsigaw niya.Ang kamay niya ay nasa braso ko na.Mahigpit ang kanyang pagkakahawak.

"Isa ka ba sa itinak--"

"Si Blake ang nagmarka sakin at oo,itinakda ako.." inosente kong sabi.Bigla namang bumagsak ang kamay niya.Nag-iba rin ang ekspresyon nang mukha niya.

Lumayo siya sakin.Naglakad-lakad siya sa kanyang selda at maya-maya ay sinabunutan niya ang sarili tsaka sumigaw "Ahhhhhh!!!" di ko alam ang gagawin.Nalilito ako sa ikinikilos niya."Panaginip lang 'to Kat...oo,tama isa lamang itong panaginip" bulong niya sa sarili at sinampal ang sarili nang paulit-ulit.

Pero tumigil siya at biglang sumigaw "Ahhhhh!!!hindi ito panaginip" sambit niya habang sinasabunutan ang sarili at sinasampal.

"Katkat...anong nangyayari sayo?" tanong ko.Tumigil siya at tumititig sakin.

Napa-atras ako nang makitang nagpula ang mata niya.Humarap siya sakin."Aahhhhhh!!!" sigaw niya habang papasugod sakin kaya't napa-upo ako.

Sigaw siya nang sigaw.Para gusto niya akong patayin sa paraan nang pagtitig niya at pagsugod."Kat..." naiiyak na sabi ko.

Tumingin ako sa paligid.Dahil biglang tumahimik at tanging sigaw lamang ni Kat ang naririnig ko.Napansin ko nang sinabi ko na isang akong tinakda ay biglang tumahimik.

Lahat sila ay nakatingin sakin.Di ko masabi ang ekspresyon nila. "Ahhhhh!lumayas ka dito!umalis ka sa harapan ko." napatakbo ako nang magsimula na siyang maglabas nang kapangyarihan.Akala ko'y matatamaan ako nang bolang apoy ngunit hindi pala,sa kulungan lamang ito tumatama.Ang akala ko'y masisira ang kulungan.

Pero tumakbo ako kahit na naguguluhan sa nangyari.

Marked By The VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon