Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin.Pinagmasdan ko ang kabuuan ko.Ang mahaba at kulot kong buhok na abo ay lalong nagpalitaw sa aking ganda.Ang puti at makinis kong balat ay lalong nagpatingkad sakin at ang magandang kurba ng aking katawan.
Tinanggal ko ang tuwalya na nakatapis sa aking katawan.Muli kong pinagmasdan ang kabuuan ko
"Ang ganda at ang sexy ko naman....." ngingiti-ngiti ako sa salamin habang pinagmamasdan ko ang sarili ko.Abala ako sa pagpuri sa katawan at hitsura ko hanggang sa.....
"Iha,heto ang mga da---"
"Waaahhhhh!!!!" Sigaw ko at mabilis na kinuha ang tuwalyang tinapon ko kong saan-saan.
Nasa banyo nila ako ngayon.Naglilinis ako ng katawan ko.Nakarating na kami sa kaharian nila....ito ang 'Lamus'.Kaharian ito nila Blake.
Nagising nalang ako kanina na nakatingin ang matandang nasa harapan ko ngayon.At sinabi niyang kailangan ko na daw maligo at magbihis dahil may mangyayaring selebrasyon mamaya.Kaya heto ako ngayon sa kanilang banyo.
"Lola naman!bat naman po di kayo kumatok!nakita niyo na tuloy katawan ko!" ngumuso ako pagkasabi ko nun.Paano ba naman bigla-bigla nalang siyang pumapasok.Nakahubad pa naman ko*pout*
Ngumiti lamang siya sakin at lumapit siya tsaka niya pinokpok ang ulo ko."Haha batang 'to.Babae din ako!may ganyan ako...nung nasa edad mo pa lamang ako ay mas maganda ang kurba ng katawan ko at mas makinis ako sayo haha" napanganga ako sa sinabi ni lola.Sinilip ko ang katawan ko at tinignan ko si lola
"Noon lang yun lola...hindi na ngayon dahil kulubot na kayo!" Humalakhak naman siya ng sobrang lakas.Sa totoo lng ay di pa siya kulubot.Makinis pa rin siya at may kurba.Siya si lola Cercy.Naging close kami agad diba?kahit na kakakilala ko lang siya kanina.Ang gaan kasi ng loob ko sakanya.
Umupo ako sa gilid ng bathtub dito---oo,may bathtub sila dito.Ang galing noh?samantalang kami wala:(
Huminga ako ng malalim.Tinignan ko si lola.Nakangiti pa rin siya ngayon.Inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng banyo.At isa lang ang masasabi ko.....nakakapanibago.
Kinuha ko ang mga damit ko kay lola.Muntik ko pa itong nabitawan dahil sa ganda ng disenyo ng bestida.Isa itong kulay dilaw...pero di siya matingkad na kulay.May manggas ang isa samantala wala ang isa.Napakaganda rin ng disensyo niya na nakapalibot sa damit.Mga dyamante na kumikinang.
Dali-dali kong tinignan ang sarili ko sa salamin at idinikit sa katawan ko ang bestida.Gusto kong magtumbling sa kadahilanang hindi bagay sakin...hehe.
Binali-baliktad ko pa ang damit,baka sakaling bumagay sakin kaso....wala talaga.Napapa-iling nalang ako at napatingin kay lola.
"La!di ko naman ba---aray!" Sabi ko sabay hawak sa ulo ko.Nabawasan tuloy brain cells ko*pout.Batukan ba naman ako ni lola
"Agguyy!batang 'to!anong hindi bagay?!ang ganda kaya!halika na't magbihis!" Sabi ni lola habang hinihila ang tuwalya na nakakabit sa katawan ko.Mahigpit ko namang hinawakan ang twultya.Walang makaka-kuha sa puri ko kahit sinuman!
"Ihhh!!lola ano ba!virgin pa ko di pa ko han---"
"Lanny naman!akin lang ang binibini ko....ako lang at si ako ang pwedeng kumuha sa puri niya.Wala nang iba.Wag mo naman akong unahan Lanny"
Nagkatinginan kami ni lola.Lalong napahigpit ang hawak ko sa tuwalya ko nang marinig ko kong sino ang nagsalita
Samantalang napapa-iling si lola."Blake,apo....bumaba ka na,hindi mo pa pwedeng makita ang iyong binibini----"
BINABASA MO ANG
Marked By The Vampire
Vampire"Bampira" Naniniwala ka pa ba dito?Totoo nga ba ang nilalang na ito?o isa lamang itong kwento? Pero paano kong totoo nga sila? Paano kong ang isang gangster ay maging mate nang isang bampira?markahan ka nang isang bampira?makakatakas ka pa ba?matata...