Chapter 4

2.6K 110 3
                                    

Napapangisi nalang ako habang nakikita na madapa ang aking binibini dahil sa takot.

"Alam mong bawal kang pumunta sa mundo ng mga tao" hindi ko pinansin ang aking kapatid at mas inabala ko ang sarili kong mapanood ang aking binibini na ilang beses nang madapa

"Nauuhaw na ako sa kanyang dugo" nasabi ko na lamang na ikinangisi niya....

"Huwag kang mag-alala...nalalapit na ang kanyang kaarawan" pagkatapos niyang sabihin yun ay naglaho na lamang siya

Maghihintay ako...binibini.Sabik na sabik na ako sa 'yong dugo

****

Josefa POV

Habang nagkaklase na ay di ko maiwasang di mapatingin sa likod ko at paghaplos sa aking leeg.Kung hindi busy ang mga estudyante dito ay pagkakamalan na siguro akong baliw.Hindi ako makasulat nang maayos!para kasing may kakagat sakin ng wala sa oras?weird

Kada sulat ko ay titingin ako sa likod.Kunting hangin lang ay napapamura ako.Kunting kaluskos ay napapakislot ako sa kinauupuan ko

"Pfft!oy!para kang timang diyan" natatawag sabi ni ecari

Inirapan ko lang siya"Magsulat ka nalang" irap na sabi ko sakanya

***

Pag-uwi ko ng bahay ay ganoon pa rin ang gawain ko.Titingin sa likod at hahaplos sa leeg,nasasabihan na nga ako ng mga tauhan ko na...

"Grabe si lady jewel!takot sa multo?!hahah"

"Hahaha oo nga,lider pa naman ng gang tapos takot sa multo?bwahahaha!!"

"Huwag niyong iganyan si boss,baka mamaya maiyak nalang yan sa takot"

"Booo!!!hahaha"

"Si josefa?!na lider ng gang na nakikipag-away,putukan,kutsilyuhan,suntukan,na ang tapang tapang na kayang pabagsakin ang sampung tao sa loob ng pitong minuto----takot pala sa multo?bwahaha"

Matapos nila akong asarin ay pinatulog ko sila sa labas.Nagmaka-awa pa sila sakin at ginamit pa talaga nila si ecari para mapapayag ako pero...matigas na 'tong puso ko.Sabihan ba naman ako ng takot sa multo?d--di ah!

***

Ilang araw na ang lumipas at ganoon pa rin ang gawain ko at syempre sa labas ko pa rin sila pinatulog....may binigay akong isang tent sa kanila at di ko alam kong paano silang nagkakasya na sampu dun

Araw na rin ang lumipas nang lumipat mamk dito at masasabi kong medyo pumayapa ang buhay ko--namin.Huling ka-away namin yung nagpunta dito nung nasundan yung mga walang kwenta kong tauhan.

At kasalukuyan akong mag-isa dito sa apartment.Napapalinga nalang ako sa likod ko.Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sakin ang nararamdaman ko.Ang dalawang matulis na bagay na nararamdaman ko sa leeg ko tuwing nag-iisa.

Iwinaglit ko ang mga nasa isip ko at pumunta sa drawer na malapit sa maliit na kama ko.Kinuha ko ang maliit na chest box na matagal nang bigay ng lola ko.

Kulay itim at pula ang kulay nito,nakadesinyo ito na may bunganga na kung saan ay may pangil ito.At nakasbit sa gitna ang kandado,kandado na nakadesinyo sa hugis patak ng kong anumang tubig pero kulay pula ito.Aakalain mong dugo.Ngayon lang ako nakakita ng ganito

Hinawakan ko ang maliit na kandado,hanggang ngayon ay hinahanap ko ang susi---na mukhang malabong mahanap ko.Saan ba ako makakahanap ng susi na kakasya sa kandadong hugis patak ng dugo?wala namang ganoon diba?

Pero di ko ikaka-ila na may kakaiba sa kahong ito,tuwing hahawakan ko ito ay nagtitindigan ang mga balahibo ko at di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko

May mga nakasulat dito na di ko maintindihan

'Lamia Mundus'

Habang binibigkas ko ito nang mahina ay sumabay ang ihip ng hangin.

Agad agad ko itong itinago sa drawer ng makarinig ng kaluskos.Kinuha ko ang baril na nakapatong sa aking kama na inaayos ko kanina

Dahan dahan akong naglalakad papuntang pinto.Nagtago muna ako sa likod nito.Sa likod ng aking kaba ay di ko maiwasang baka multo nanaman ang aking naririnig

Lalong lumakas ang ingay na nanggaling sa kusina,nanatili muna ako sa aking kinalalagyan hanggang sa narinig ko ang mga yapak na papatungo sa aking kwarto.Jusko!mas gugustuhin ko pang mga tarantadong lalaki na ka-away namin ang makasalamuha keysa ang mga multo!.Nasabi ko na lamang sa isip ko habang nangangatala ang mga kamay ko

"Bakit ba takot na takot ka sa multo josefa?multo lang sila di ka nila sasaktan--tatakutin lang!mas matakot ka sa mga nakakalaban mong mga gangster din" mahabang litanya ko sa aking sarili

Napatigil ako sa pag-iisip ko nang naramdaman na akong presensiya na humawak sa door knob ng aking pintuan kaya di na ako nag-alinlangang ikasa ang baril at tinutok sa kung sino man.Akmang kakalabitin na ang gatilyo ay biglang sumigaw si bart na multo--what?!

"Anak ka ng syeteng miming!" Gulat na sabi niya habang naka-taas ang dalawang kamay nito at ang kaliwang paa niya

"Miming ka talaga josefa!papatayin mo ba ako?!tang*na ibaba mo yang baril mo!" Sabi niya sakin habang dahan dahan niyang ibinababa ang aking kamay na hawak ang baril.Nagkakamot na siya ng ulo habang di mapakali.Halatang natakot ang tarantado

Nag-iinit ang sulok ng mata ko sa di ko malamang dahilan....sa takot?o dahil saya na hindi yun multo. "Waaahhh!!!!" Iyak ko at niyakap si bart.Unga ako ng unga na parang bata habang mahigpit na nakayakap kay bart.Hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan at parang nagulat sa ginawa ko

"Buti nalang talaga...buti nalang talaga" ulit ulit na sabi ko habang iyak pa rin ng iyak.Niyakap na rin ako ni bart at kita ko ang pag-iling niya

"Na hindi multo ang nakita mo at isang napaka-gwapong bart ang nakita mo?" Dugtong niya sa sinabi ko na ikinakunot ng noo.Ang yabang ha?

Binatukan ko siya na tinawa niya lang.

*BLAG!*

Napabalik ako ng yakap kay bart ng nakarinig kami ng malakas na pagsarado ng bintana

"Ano ka ba josefanget!malakas lang ang hangin!" Iling iling na sabi niya at naglakad na

Nakayakap ako sa kanya at bahagyang nakataas ang paa ko ay naglakad na siya.Para na akong tuko dito.At kong nandito ang iba ay siguradong pagtatawanan ako

"Lamia Mundus" naiusal ko na ikinatigil sa paglalakad ni bart

"Ano yon josefanget?" Tanong niya na iling lang ang isinagot ko

At naramdaman ko nalang ang ihip ng hangin...


***Don't forget to vote and comment😍😉***

Marked By The VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon