Chapter 23

1.9K 80 23
                                    

Mabilis nagdaan ang mga araw.Panay ang alis ng Hari kasama ang kanyang tatlong anak,at pati si Asura na kasama ang mga kawal.

Hindi ako maka-hanap mg tiyempo para pumasok ulit sa sagradong kwarto.

Minsan ay nagtataka na ako sa ikinikilos nang hari.Marami na rin ang mga babaylan na ginagawan ako ng kong ano-anong ritwal at kaek-ekan na hindi ko maintindihan dahil hindi ako manggagamot.Laging tanong nang Hari sakin ay kong may nararamdaman ba akong kakaiba.Kapangyarihan daw,na laging sagot ko ay wala.

Napapansin ko na,sa tuwing sasabihin kong wala ay kakaiba ang ekspresyon ng kanyang mukha.Bakit ba kating-kati ang Hari na magkaroon ako nang kapangyarihan?.

Nagtanong ako kay Lola Cercy kong ano ang tungkol sa kapangyarihan.At ang sabi naman niya ay lahat nang bampira ay nagtataglay nang kapangyarihan.Hindi lang daw lakas,talino ang kakayahan ng mga bampira.

Ang sinasabing kapangyarihan ni Lola ay gaya nang mga kapangyarihan nila Blake,Asura,Sandro at iba pa.Napag-alaman ko na si Sandro ay kayang bumalik sa nakaraan at ang pagtanggal ng alaala,at si Asura ay nako-kontrol ang hangin,samantalang si Blake ay sa mga halaman.Isa palang hardinero ang aking mate---chos!:o(^▽^)o.Ang magkambal naman na si Luke ay kayang magpatulog at si Lake naman ay kabaliktaran nang kapangyarihan ni Luke.Siya lang ang makakagising sa pagpapa-tulog na ginawa ni Luke.

Marami bang binanggit si Lola na maaaring maging kapangyarihan nang isang bampira.Tinanong ko ang kapangyarihan at ang sabi niya ay wala siyang kapangyarihan.Nagtaka naman ako dahil ang sabi niya lahat nang bampira ay may kapangyarihan.

Naalala ko.Mga Dhampir na bampira lamang ang hindi nagtataglay nang mga ganoong kapangyarihan.Tanging lakas at talino lamang ngunit kaya nilang pigilan ang paggamit nang kapanyarihan ng isang bampira.Ngunit nakabase lamang ito kong gaano kalakas ang bampira.

Huwag mo sabihing Dhampir si Lola?!napaka-imposible naman nun,edi sana ay napalayas na si Lola.Sa pagkaka-alam ko ay galit ang bampira sa mga Dhampir.

Matapos kong makipag-chika kay Lola ay bumalik na ako sa kwarto.Ngunit nagulat ako nang makita ko si Blake na nagbibihis.Sheyt!(〃^▽^〃)

Agad siyang tumingin sakin nang mapansin ang presensiya ko,agad siyang ngumuso at sumalampak sa kama ko.

Inunat niya naman ang mga braso niya,nagsasabing yakapin ko siya.Nagkibit-balikat ako't lumapit sakanya.

Niyakap ko naman siya na sinuklian niya naman nang sobrang higpit na yakap.Mapipisa na yata ako."Miss na kita binibini..." malambing na sabi niya.Napakagat labi naman ako.

Inupo niya ako sa kanyang kandungan habang nakayakap pa rin.Bahagya niyang inaamoy ang aking leeg at hinahalikan.Nagsisitayuan ang mga balahibo ko!."Napaka-rami pa naming gagawin.Ni hindi man lang kita masolo!hindi kita malambing binibini..." nagtatampo ang kanyang boses.Hinawakan ko ang magkabilaan niyang pisnge at inangat.Pinagdikit ko ang ilong namin kita ko naman ang pagkagat niya nang labi.

"Nauuhaw ako ginoo..." ginaya ko ang paraan nang pagsasalita.Napanganga naman siya sa sinabi ko.Tumayo ako't tumawa nang malakas."Charot" pero sa totoo lang ay nauuhaw talaga ako.Gusto ko ang dugo niya.Ang bango niya ang sarap niyang kagatin--ay ang harot ko!

Kinuha ko naman ang damit niyang nakalatag sa kama ngunit bago ko pa yun makuha ay agad niya akong hinila at napa-upo ulit sa kanyang kandungan."O--oy!" utal kong sabi.

Kinagat niya ang ibabang labi tsaka ngumisi.Tinagilid niya ang kanyang ulo kaya't na-expose ang kanyang leeg--sheyt!"Nauuhaw pala ang aking binibini...." sambit niya tsaka niya hinaplos ang kanyang leeg.Nakatitig lamang ako sa parte nang leeg niya.

Marked By The VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon