Nakabukas pa rin ang portal/lagusan.Di ko alam kong para saan yon.Nakatayo na ako sa harap ng portal at nasa likod ko naman ang tatlong lalake
Matapos ko siyang i-flying kick dahil sa kahihiyan ay Lumayo siya sakin.Sinabi lang ng dalawa sakin na kailangan na daw naming bumalik sa kanilang mundo
Nakapabastos niya!di niya dapat binabasa ang nasa isip ko!!
"Ano ba ang bagay na 'to?" Tanong ko sa kanila.Lumihis ang mata ko sa bampirang binabasa ang isip ko na kumagat sakin hmpf!
"Pumasok ka nalang" sabay na sabi ng dalawa.Hinawi ko ang buhok ko kaya tumama iyon sa mukha nila.Hmpf!pake ko?---teka!bat ba ako nag iinarte?
"Tatalon ba ako?o maglalakad lang?" Tanong ko sa dalawa at lumingon pero mali yata ang nagawa ko dahil sabay nila akong tinulak
"Futa!aaahhh!!" Tili ko
"Fvck!bat niyo siya tinulak!?" Galit na sabi niya ng kumagat sakin
"Aaaahhhh!!" Mahabang tili ko habang nahuhulog sa kawalan!shit!dito yata ako mamatay.Napaluha nalang ako.Natatakot ako
Nagulat ako nang may humablot sa bewang ko at niyakap ako ng mahigpit
"Huwag kang matakot aking binibini....nandito na ako,hindi kita papabayaan" napakalumanay ng kanyang boses,gumaan ang pakiramdam ko nang niyakap niya ako....
Nakatingin ako sa napaka-amo niyang mukha.....hinawakan ko ang mukha niya,mula sa kanyang kilay pababa sa kanyang......labi
"Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?" Malambing ang boses ko.Kita ko ang pagkagulat sakanyang mukha .....pero napalitan ko ng ngiti.Mag sasalita na siya ngunit bigla akong napahiwalay sakanya at napunta ako sa ibang direksiyon ng portal
"Aning nangyayari!" Sigaw ko,napatingin ako sa tatlo....lumalayo sila sakin
Rinig ko ang pagmumura niya....pero agad siyang kumalma nang may sinabi ang dalawa sakanya.Tumikhim siya.......may sinabi siya pero di ko maintindihan dahil malayo sila.Pero nakarinig ako ng boses sa aking isip
'Huminahon ka aking binibini....hindi tayong pwedeng magsabay sa pagbalik sa aming mundo.....dahil maaaring sa ibang dimensyon ka mapunta....."
Nakatingin lng ako sakanya.May pagtataka ang reaksiyon ko.Bat may naririnig aking boses sa isip ko?
Nakarinig ako ng maliit na tawa
'Ako ito binibini.....ang kumagat sayo.Kinagat na kita aking binibini......kaya may kakayahan akong mabasa at mapasok ang iyong isipan,magagawa mo rin yan sakin..'
Sinubukan ko siyang kausapin sa isip ko pero...walang nangyayari.Nakarinig ako ng malakas na pagtawa
'Huwag mo kong patawanin binibini.........mukhang kailangan mo itong matutunan'
Napanganga nalang ako.Iniisip ko ang kanyang hitsura habang tumatawa.......parang nakaka-akit?
'Hahaha....ganoon ba ang tingin mo binibini?'
Napa-ikot nalang ang mata ko.Ang hangin din pala tong lalakeng to
'Magkita nalang tayo sa aming kaharian binibini.....'
Matapos niyang sabihin yung ay di ko na sila makita
Tumingin ako sa ibaba.May hangganan ba 'to?parang kanina pa ako bumabagsak sa wala?ganito ba ang mga portal?
"Ah!" Napatili nalang ako ng nag-iba ang kulay ng dinadaanan ko.Ang kaninang puti ay naging itim.Ramdam ko ang bilis ng pagkabagsak ko hanggang sa makakita ako ng liwanag.
BINABASA MO ANG
Marked By The Vampire
Vampire"Bampira" Naniniwala ka pa ba dito?Totoo nga ba ang nilalang na ito?o isa lamang itong kwento? Pero paano kong totoo nga sila? Paano kong ang isang gangster ay maging mate nang isang bampira?markahan ka nang isang bampira?makakatakas ka pa ba?matata...