Nasa harap ako nang hapag-kainan.Kasama ko si Sandro.Nakabantay lamang siya habang kumakain ako.Ewan...naiilang ako.Ang hirap magsubo.
Tama nga ang sinabi nang bata.Sundan ko lang ang daanan na 'yon at makakapunta ako sa kwarto niya na katabi din lang ang kwarto ko.Mas mabilis pa ang takbo ko keysa sa kabayo.Nagpapasalamat dahil hindi naka-lock ang pinto.Agad-agad akong umupo sa kama.Kinalma ang sarili nang may narinig na katok.
At nandito ako sa hapag-kainan tinawag ako ni Sandro.Binabantayan ko ang kilos niya at ang sasabihin niya,pero parang normal lang ang lahat.
Napangiti ako nang palihim.Napahawak sa dibdib.Yes!hindi kami nahalata?!
"Ako na muna dito Sandro.Asikasuhin mo sina Ama.Nandiyan na sila" napa-seryoso ako bigla nang nagsalita si Ecari.
Tumitig muna si Sandro kay Ecari bagi umalis.May something talaga sa dalawa hmmm?
Napa-inom ako nang wine---o dugo??nang tumingin sakin si Ecari na nagtataka.
Lumapit siya sakin at suminghot-singhot.Awtomatiko naman akong lumayo.Medyo kinabahan.Kinunutan niya ako nang noo,at naningkit ang mata.
"Saan ka galing?" tila nalagutan ako nang hininga--djk lng.Gangster ako kaya di 'yon uso samin.Kahit na nakatutok na ang baril sa ulo namin ay chill chill lng kami."Lumabas ka ba nang palasyo?!" mahinang pasigaw niya.Lumayo na rin siya sakin kaya binalik ko ang paningin ko sa pagkain.Bahagya akong tumango.Napasabunot naman siya sa buhok."Anak ka nang tokwa josefang---" literal na Ecari
"Diyan lng naman ako sa hardin niyo" tila nakaluwag siya.Bahagya akong pinalo
"Makinig ka okay?hindi na pwede ang buhay mong leader nang sindikato dito sa mundo nang bampira" pinaikot ko ang mata ko.Ganyan na ganyan si Ecari.Parang nanay kong umasta
Nanahimik nalang ako.Alam ni Ecari na hindi ako matanong na tao.Kahit na tambak tambak ang katanungan sa isipan ko.Napangiti ako nang bigla siyang nag-iwas nang tingin nang maintindihan ang kanyang sinabi.Tungkol sa mundo nang bampira.Ano pa ba ang aasahan ko sakanya?.Kahit na alam niyang may gusto akong tanungin ay binabalewala niya.
"Kailan mong magbihis,iba ang amoy mo" tumayo na ako.Alam ko naman kong saan ang kwarto ko.
Hindi ko naman pipilitin si Ecari na mag-kwento tungkol dito at sa mga nangyayari.At kong bakit siya bampira.
Pero kong di pa rin siya magkwento...ako na mismo ang tutuklas sa mga nangyayari ngayon.Kong paano ako naging mate nang isang bampira.Kong paano naging bampira si Ecari...lahat,tutuklasin ko ang lahat nang ako lang.
***
Pababa na ako nang hagdan nang madatnan ko ang Hari at Reyna.Silang lahat.
Napansin ko din ang tatlong babaeng nakasuot nang kayumanging kulay.Gaya nang suot nang mga babaylan(mangagamot).Kausap nang hari at reyna ang tatlong babae habang tinuturo nila si Ecari.Yan na siguro ang gagamot sa sumpa ni Ecari.
Nang makababa na ako nang tuluyan ay may humila sakin.Muntik ko nang masiko ang taong 'yon ngunit hindi natuloy nang tawagin niya Kong "Aking binibini" nagtayuan naman ang balahibo ko sa lambing nang boses niya.Sheyt!
"Binibini" patalikod niya akong niyakap kaya't ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.Ni hindi man lang ako makasalita!
"Pagod na pagod na ko,tingin ko kailangan ko ang....." pabitin niyang sabi.Gusto kong sigawan ang nwesit na bampirang ito pero masyadong seryoso ang paligid kaya't tiis tiis lang muna ako.
Nakikiliti din ako dahil nga dumadampi ang hininga niya sa leeg ko.Waahhh masasapak ko 'to mamaya.
Nilingon ko siya.Hinihintay ang sunod niyang sasabihin.Nakanguso siya.Pagod na pagod ang itsura nito.
BINABASA MO ANG
Marked By The Vampire
Vampire"Bampira" Naniniwala ka pa ba dito?Totoo nga ba ang nilalang na ito?o isa lamang itong kwento? Pero paano kong totoo nga sila? Paano kong ang isang gangster ay maging mate nang isang bampira?markahan ka nang isang bampira?makakatakas ka pa ba?matata...