Chapter 22

1.3K 45 4
                                    

Kasalukuyan na kaming kumakain.Kaharap ko sa hapag kainan ang pamilyang Vamned.Nasa tabi ko si Blake at abala sa pag-lagay nang makakain sa aking plato.Tanong naman siya nang tanong ko ano ang gusto ko at gusto ko ba iyon.At ang mga sagot ko lamang ay 'kahit ano' 'bahala ka' 'oo'.Di pa rin siya tumigil kakatanong hanggang sa inatake nanaman siya ng kabaliwan.

"Eh ako binibini?gusto mo kong kainin?" dahil nga lutang ako at iniisip ang nangyari kanina ay 'oo' ang naging sagot ko.

Tsaka ako nabalik nang tumikhim ang Hari at Reyna.At nabitawan ni Lake ang kanyang kutsara.

Nakangisi lamang si Blake sakin.Nanlalaki ang mga mata ko."A--ah?hin--di!" utal-utal kong sambit.Humalakhak naman sa tawa si Blake.Napa-iling nalang ang magkambal.Sinamaan naman siya nang tingin ni Ecari.

"Umayos ka Blake." puno nang awtoridad na sabi nang Hari.

Natahimik naman silang lahat.Sinamaan ko nang tingin si Blake.At ganoon rin ang ginawa siya sakin--aba't!

***

Mga padyak ng mga kabayo ang nagpalingon sakin sa bandang gilid.Nakita ko naman ang kambal.Ang Hari.Si Asura.At si Blake.Na sakay-sakay sa kabayo.Papunta sila ngayon sa ibang emperyo.Ewan ko kung ano ang sadya nila doon.

May mga kasama rin silang ibang kawal.

Bumaba si Blake sakanyang kabayo at papunta siya ngayon sa aking pwesto.Mabilis niyang nahagip ang bewang ko't hinalikan ako sa aking noo."Pasensya na binibini kong hindi mo ako ma-solo solo" bulong niya.Napasimangot naman ako.

Ang hangin nang bampirang 'to!

Muli niyang hinalikan ang aking noo.Napapikit naman ako."Hayaan mo,babawi ako sayo sa susunod binibini....intindihin mo na lamang ako sa ngayon,para sayo din naman ang ginagawa namin." napatitig ako sakanya.Para sakin?!ganoon ba ako ka-espesyal sa kanila.

Hindi na ako nagtanong pa.Alam ko namang wala akong makukuhang sagot kapag nagtanong pa ako.

"Mahal na mahal kita aking binibini" hinuli niya ang aking baba at hinalikan ako sa labi.

Mabilis lamang iyon.Agad naman akong namula at pinilit itago ang pamumula sa pamamagitan nang pagyuko.Bahagyang tumawa si Blake tsaka niya ako kinabig papayakap.Ibinaon ko ang aking mukha.

kinikilig ba ako?!uso pala yun sa gangster?!jusko!

Ewan ko pero kahit na kaunting panahon pa lamang ang pagsasama namin ni Blake at kadalasan ay wala siya...ngunit alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko siya.Hindi ko alam kong paano nangyari.Nakakagulat!na pag-gising ko ay...mahal ko na siya--ang baduyyy kooo!!waahhh hindi bagay sa isang leader ng gang ang ganito--pero jusko!mahal ko talaga siya.

'Ano 'yon?na love at first sight?!ako sakanya?!'

Papa-alis na sila ngayon sakay ang kanilang mga kabayo.Inaya na ako ng reyna na pumasok.Ngumiti't tumango na lamang ako.

Nagpaalam na siya sakin nang magkaibang kwarto na ang aming tatahakin.Bahagya akong yumuko bilang pag-galang na tinanguan niya lamang.Umayos na ako nang tayo at paglingon ko ay naka-simangot na mukha ni Sandro ang bumungad sakin.

"Problema mo?" pagsusungit ko.

Lumabi siya."Hindi nila ako sinama sa paglalakbay nila"

Natawa na lamang ako.Siya kasi lagi ang iniiwan para bantayan ako.May sinasabi sakin si Blake kung bakit hindi sinasama si Sandro sa tuwing may pupuntahan.Napaka-daldal daw kasi nito at naiirita ang Hari--pati na sila kaya di siya sinasama.

Hindi ko sinasabi ang bagay na 'yon kay Sandro baka sumama ang loob niya pfft!.

Nasa sala kami ngayon.Nakatunganga ako habang siya ay daldal nang daldal.Pati ako naiirita na.

"Gusto mong maglaro?" tanong naman niya.Tinignan ko siya.Sa laki niyang yan maglalaro---ayt!nahiya ako sakanya!😂

Bigla kong naalala ang pangyayari nung kasama ko yung bata...napahamak pa kami nang dahil sa kagustuhan kong maglaro kami.

May dinukot naman siya sa kanyang bulsa at inilabas ang isang maliit na kahon---weyt!"Uno Cards?!" gulat na sabi ko.

Anoooooo?!

"Naglalaro kayo nang mga ganyan?!may uno cards din pala kayo sa Lamia Mundus?!"

"Ah?wala ah,nakuha ko lang 'to sa mundo ng mga tao.Nung sinusundo ka palang namin" napa 'O' naman ang labi ko...Okay..

"Tayong dalawa lang maglalaro?ang pangit naman,dapat madami tayo." sabi ko sakanya habang inaayos na ang cards.

"Tawagin natin si Ecari...pati na rin si Spen" sambit niya at handa nang puntahan si Ecari at si Spen,sino naman yun?

"Spen?" takang tanong ko." Ah.yung kapatid namin na masungit at---"

Bigla namang lumitaw ang isang bata sa madilim na parte ng sala.

"tawag niyo ko" walang emosyong sabi nang batang masungit.Aha!Spen pala ang pangalan nito!

Sinundo naman ni Sandro si Ecari.Nung una ayaw niya pero nang malaman niyang kasali ako ay sumali na rin ang bruha!medyo nakakaramdam na ako ng ilang sakanya at hindi ko alam kung bakit at kung dapat ba akong mailang sakanya.

Naka-ilang rounds kami nang laro.Masaya.Lalo na yung kung sino ang matalo ay tatanungin ng truth or dare.Hindi pa ako natatalo mwehehe eksperto ako sa larong 'to.

Napag-alaman ko na matalik na kaibigan ni Blake sina Sandro at Asura.At si Spen naman ay tanging halaman at hayop lamang ang pwedeng patayin nang kapangyarihan niya.Ewan ko kung niloloko na ako nang batang 'to o hindi.Kaya hindi siya nakasuot ng gloves habang naglalaro.At mababaw na tanong lamang ang tinatanong ko kay Ecari.Ayaw kong masira ang paglalaro namin o di kaya'y makaramdam nang mabigat na tensyon ang paligid o ilangan.

Papunta na ako sa kwarto para magpahinga.Sinulyapan ko muna ang likod nang hagdan.Hindi ko alam kong panaginip ba ang nangyari kahapon na nakita ko si Katkat o hindi.

Matalik kong kaibigan si Katkat.Yung kapatid na rin ang turingan namin sa isa't isa ngunit nang nasa mundo pa ako nang mga tao ay patay na siya...dalawang taon na ang nakalipas.Wala bali-balita sa kanya noon.Bigla nalang daw siya nawala at nalaman nalang namin sa magulang niya na patay na daw siya.Sinubukan kong magtanong sa pamilya niya pero wala akong nakuhang sagot.Ilang araw ang lumipas at nalaman namin na umalis na din daw ang pamilya niya at hindi namin alam kung saan sila nagpunta.At ang pinagtataka ko ngayon ay...paano siya nabuhay at napunta sa mundong 'to.Gaya ko ba ay isa din siyang bampira?

At ang isa pang pinagtataka ko ay ang nangyari kahapon.Nung bigla siyang nagalit nang sabihin kong itinakda ako't minarkahan ako ni Blake.May kagalit-galit ba dun?

Masyadong ginugulo nang mundong ito at ang pagiging bampira ko ang isipan ko.

Napag-pasiyahan ko na bumalik ulit sa kwartong 'yon...ngunit hindi pa sa ngayon.Aalamin ko ang nangyari kay Katkat at dun sa hinahanap kong lalaki.

Marked By The VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon