Plano ko sanang magikot-ikot dito sa palasyo ng Vamned dahil naboboring ako dito sa loob ng kwarto ngunit sabi nila ay mas mabuting manatili muna ako sa kwarto.Balak ko sanang suwayin ang mga babaylan(manggagamot)ngunit agad lumitaw ang reyna at siya mismo ang nagsabi na magpahinga ako at mag-ipon ng lakas dahil hindi pa ako sanay sa kanilang mundo.
Kasalukuyan akong papunta sa kusina...tama,sinuway ko ang reyna.Alam kong mali ang ginawa ko pero pakiramdam ko ay lalo akong manghihina kapag nasa kwarto lamang ako.Isa akong leader ng gang...matigas ang ulo.
Balak ko sanang lumabas nang palasyo ngunit nakarinig ako nang pag-uusap.Huminto ako sandali.Nag-dadalawang isip kong papakinggan ko ba sila o hindi.
Dahil isa akong gangster nakasanayan ko nang makinig sa usapan nang iba.Ang buhay kasi ng gangster ay ganto,kailangan mong makinig sa usapan nang iba para makakuha ng impormasyon.Malay mo isa pala sila sa mga kalaban mo at nagplaplanong sumugod.Dapat kailangan alerto ka lagi! mapagmasid! madiskarte! ganoon!.
Bago ako tuluyang pumunta sa kusina ay naalala ko na baka maramdaman nila ang presensya ko.Mabilis silang marakaramdam,di sila manhid hehe.Huminto ako at nag-isip.Meron kayang kapangyarihan ang bampira na makapagpawala saglit ng presensiya?
Nagconcentrate muna ako at tsaka inisip na hindi nila mararamdaman ang presensiya ko.Lumipas ang ilang minuto nang narealize ko na para akong tanga,assumera na para akong isang ganap na bampira talaga.Tumigil na ako at nagkibit-balikat nalang.
"Bahala na diyan,sabihin ko nalang na naliligaw ako" habang papunta ako sa kusina nila ay bigla kong namiss ang pakikipaglaban ko kaya...sumuntok-suntok ako sa ere at sumipa-sipa.Madadaanan mo pa ang sala dun kaya tumuntong ako sa isang sofa tsaka ako tumalon ng patalikod tsaka sumipa sa ere at sa saktong paglapag ko sa sahig ay nakaluhod ang isa paa ko at nakapatong ang braso ko sa hita.Buti na lang at walang tao dito.Sabi nila ay pumunta daw ang hari at ang tatlong anak niya pati na ang mga ibang kawal na bampira sa kabilang bayan para dalawin ang hari nang Musko.
At ngayon ko napatunayan na magkakapatid ang tatlong yun,yung kasama ni Blake.
Sa totoo lang ay nahihirapan akong gumalaw dahil nakabestida ako.Di ako sanay ngunit di ko inalala 'yon.Tuloy-tuloy lang ako sa pagsuntok at pagtalon tsaka sisipa hanggang sa makarating ako sa kusina.
Mabilis akong nagtago sa pader nang makita ko ang Reyna,si Ecari at Sandro.
Seryoso silang nag-uusap.Hanggang ngayon di ako makapaniwala na anak ng reyna si Ecari.At paano siyang naging bampira eh simula pagkabata ay magkasama na kami.At kong ang tunay nga na pamilya ni Ecari ay ang hari at reyna...ka-ano ano naman niya sila tito Edmond at Tita Carol?.Nakakapag-taka lang talaga
"Maayos na ba ang pakiramdam mo anak??" tumango si Ecari,napatingin ako kay Sandro,nakatitig ito kay Ecari.Mukhang may something ha.Hehe
"Kong ganoon bakit balisa ka?anong iniisip mo?ano ang pinag-usapan niyo ni La Cercy?" nagkatinginan si Ecari at Sandro
"Ahh wala naman po,nagkwentuhan lang kami"
"Ganoon ba?pero anong iniisip mo ngayon anak?.Nga pala,mamaya ay magpahinga ka na..dadating mamaya ang mga babaylan na taga-ibang bayan para tanggalin ang sumpa"
Aangal sana si Ecari kaso tinitigan lamang ito ng reyna tsaka sumang-ayon sa sinabi ng reyna.
Hindi pa alam ng reyna na kagagawan iyon ni Gasto at tanging siya lamang ang makakatanggal ng sumpa
"Ang ipinagtataka ko ay...diba't tinanggal mo ang alaala ni Josefa?na hindi niya ako kilala?pero....bakit ganoon?pagpasok niya sa mundo natin ay kilala niya na ako?" nagtatakang sabi ni Ecari.Napa-isip ako bigla,oo nga noh nung nasa mundo pa ko ng tao ay di ko maalala si Ecari
BINABASA MO ANG
Marked By The Vampire
Vampire"Bampira" Naniniwala ka pa ba dito?Totoo nga ba ang nilalang na ito?o isa lamang itong kwento? Pero paano kong totoo nga sila? Paano kong ang isang gangster ay maging mate nang isang bampira?markahan ka nang isang bampira?makakatakas ka pa ba?matata...