Kabilin-bilinan nila Sandro na huwag akong makikipag-usap sa mga ordinaryong bampira,napa-isip ako bigla..anong pake ko sa sinabi niya?.
Tanging hagikgik ko lamang ang maririnig dito sa kagubatan.Samantala ang batang kasama ko ay bakas na ang takot sa kaniyang mukha.Mukha akong batang tumakas sa kanyang magulang.Gusto ko yung ganito!may thrill sa buhay!
"Delikado dito...kailangan nating bumalik sa palasyo." lumabas kasi kami ng kaharian.
Nilingon ko ang batang kinakabahan.Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanyang kamay na ikinabigla niya."Ano ka ba!maglalaro lang naman tayo dito ih!at tsaka pano naman naging delikado dito?" huminto ako sa pagtakbo kaya't napahinto rin siya.Nilibot ko ang paningin ko
"Nasa kagubatan lang naman tayo ah..."
"Delikado dito!maraming gumagalang hay---"
"Hmmm,mukhang...ayos naman dito ah,mukhang ordinaryo.Parehas lang naman ito sa mundo ng mga tao.Mga hayop lang naman ang nandito sa kagubatan...tara na!"
"Mas mabuting bumalik nalang tayo sa palasyo,paniguradong papagalitan ako nila ama't ina"
"Anong gusto mong laruin?hmm,tagu-taguan nalang muna siguro tapos habol-habulan,tqpos gawa tayong saranggola at magpapa--"
"NARINIG MO BA AKO?!SABI KO DELIKADO DITO!HINDI LAMANG ITONG ORDINARYONG KAGUBATAN NA TULAD SA MUNDO NIYO!?HINDI LANG HAYOP ANG NANDITO---MABABANGIS NA HAYOP!AT KUNG ANO-ANONG PANG MGA NILALANG ANG GUMAGALA DITO AT GUSTO TAYONG SAKTAN AT KAININ!PAPAGALITAN AT PAPARUSAHAN NANAMAN AKO NI AMA PAGDATING NIYA PAGNALAMAN NIYANG NANDITO TAYO!PAPARUSAHAN NANAMAN NILA AKO!" malakas niyang sigaw sakin na nakapagpahinto sa pagtakbo ko.
Nakatitig lamang ako sa kanya.Nasa gitna kami nang kagubatan,tumatama din ang liwanag nang buwan sa amin.
"Kamumuhian ako nang lahat pagnalaman nilang kasama kita at nandito tayo sa labas." tumulo ang kaniyang luha.Napabitaw ako sa kanyang kamay
"Kapag may nakita sila galos---o kahit na dumi sa balat mo....triple ang matatamo kong sugat.Dimo alam kong gaano ka kahalaga sakanila."
"Na kahit sariling anak ng hari at reyna ay paparusahan nila"napatakip ako sa bunganga ko.Nakayuko ngayon ang batang gustong maglaro.
Tumingala siya.Ang makitang ang lumuluha niyang mukha ay nagpapasikip sa dibdib.Anong ginawa ko?"Gustong-gusto kong maglaro.Kakaibang saya ang nararamdaman ko pagnaglalaro.Isang karangalan ang makalaro ka...pero ate,pakiusap bumalik na tayo sa palasyo bago pa mahuli ang lahat."
"A--anak ka nang hari at reyna?!" gulat na tanong ko.Ang buong akala ko ay isa lamang siyang ordinaryo na naligaw sa palasyo.
Hinawakan niya ang kamay ko at pilit akong hinihila"Halika na,paparating na sila" bakas ang takot sa kanyang mukha
"Ayaw ko nang umiyak dahil sa sakit na parusa ni ama....ayaw kong makita ang sarili ko na nakikipag-laban sa mga dhampir at mababangis na hayop...ayaw kong magmukhang lampa sa paningin mo.Ayaw kong masira ang pangakong binitawan ko sa buong bampira...nangakong pagdating mo ay proprotektahan ka kahit na buhay ko ang kapalit.Ayaw kong makita mo na habang papalapit ang mga kalaban ay umiiyak na ako.Wal akong laban sakanila,isa lamang akong bata na may sumpa" nanginginig na siya...wala rin siyang tigil sa pag-iyak na halatang pinipigilan niya.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya"Aalis na tayo dito,babalik na tayo sa palasyo" sabi ko sakanya pero bago pa man kami makatakbo ay nakaramdam na ako nang iba pang presensya.
"Huli na tayo" sabi nang bata
Agad niya akong nilagay sa likod niya.
"Proprotektahan kita kahit anong mangyari...ate" parang hinaplos ang puso ko sa pagbabanggit niya nang ate.Buong buhay ko ay ngayon lang ako tinawag na ate ng bata.
BINABASA MO ANG
Marked By The Vampire
Vampire"Bampira" Naniniwala ka pa ba dito?Totoo nga ba ang nilalang na ito?o isa lamang itong kwento? Pero paano kong totoo nga sila? Paano kong ang isang gangster ay maging mate nang isang bampira?markahan ka nang isang bampira?makakatakas ka pa ba?matata...