Ilang beses kong inisip kong ano ang pakiramdam na mayakap nang tunay na magulang.Maramdaman ang maiinit na yakap nang isang ina at ama.Ang pag-aaruga at pagmamahal na inaasam ng isang tulad kong ulila.Sabik sa kanilang bisig at pagmamahal.
Tanging pag-iyak sa sulok lamang ang aking magawa upang maibsan ang lungkot na aking nadarama pero kahit anong gawin ko....ay nandito pa rin,nararamdaman ko pa rin ang kalungkutan.Gusto kong bumawi sa mga pumatay sa magulang ko pero napapa-isip din ako.Mabubuhay ba silang muli?mararamdaman ko na ba ang matagal ko nang inaasam na yakap at aruga?Magiging isang masayang pamilya ba kami??
Ngunit kahit wala na sila'y may mga tauhan--kaibigan akong nahanap at ipinaramdam sa akin ang salitang 'pamilya',masayang pamilya.Ipinaramdam na hindi ako nag-iisa,dinamayan sa lahat ng problema at higit sa lahat ay nagmamahalan kami.Parang magkakapatid ang turingan namin sa isa't isa.Nag-aasaran,nagkukulitan.Pero bago sila......may isang tao na talagang naging magulang,kapatid,kaibigan ko.Nakakatuwang isipin,paano niya naiparamdam sakin ang mga bagay na inaasam kong matupad?nakakamangha siya,para siyang all in one!...pero paano kong ang mga taong nagpasaya at naging pamilya ko ay mawala....sa mundong ginagalawan namin.Paano na ako?
Pinatay sila ng iisang tao---taong kinasusuklaman ko.Ang pumatay sa totoo kong magulang ay siya ring pumatay sa tumatayong pamilya ko ngayon.
Ang sakit isipin,sila nalang ang natitira kong pamilya.Lakas para lumaban araw-araw pero....nawala sila sa ganoong iglap
"Josefanget....akala ko di na tayo magkikita,miss na kita..." humigpit ang yakap sakin ni Ecari
Wala akong mahanap na salita.Literal na wala akong masabi.Ang tanging gusto ko lamang ay ang maiinit na yakap niya.Malalakas na hikbi lamang nagagawa ko.Nanghihina na rin ang mga tuhod ko.Di ko kinakaya ang mga nangyayari.
Halo-halo ang emosyon.Tila ayaw kong bitawan si Ecari,natatakot ako na baka...mawala ulit siya,mawalan ulit ako ng pamilya.
Inayos niya ang buhok at marahang sinuklay habang nakayakap pa rin siya sakin.Hinalikan niya rin ang tuktok ng ulo na lagi niyang ginagawa sakin noon tuwing umiiyak dahil sa pagka-ulila ko sa mga magulang ko.Lalo akong naiyak.
"Tss" kita ko ang pagbusangot ng mukha ni Blake pero binalewala ko lang ito.
Kumalas na kami sa pagkakayakap ni Ecari.Tulad ko ay wasted na wasted ang itsura namin.Para kaming ginahasa na ewan.Natawa ako sa naisip ko at muli ko siyang niyakap.
Nang kumalas na ako ay kinuha niya ang tissue na hawak ng dalawang lalaki na kapatid siguro ni Blake.Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luha kong nagkalat sa mukha ko at basta niya nalang tinapon ang tissue kong saan.
"Ang kilala kong Josefa hindi umiiyak sa mga maraming tao,sa akin lamang siya umiiyak.Ang kilala kong Josefa na lider ng sindikato ay hindi pinapakita sa iba na mahina siya"mahabang litanya ni Ecari dahilan kong bat tumutulo ulit ang luha ko
Kukuha pa sana siya ng tissue sa dalawa kaso ang isang lalaki na mismo ang nagpunas ng luha ko pero di ko ito pinansin.Nakatitig lang ako kay Ecari.Paano niya nasasabi ang ganoong bagay sakin?gusto kong sabihan na...Hindi ako si Josefa na lider ng mga sindikato--Gangster kapag wala ang mga tauhan ko at siya...Pero di ako makapagsalita.
"Hindi dapat umiiyak ang magandang binibing tulad mo" sabi ng lalaki
*pak!*
"Aray!" sambit ng lalaki matapos hampasin ni Blake ang kamay niya dahilan para mahiwalay niya ang kamay niya sa mukha ko at mahulog ang tissue
"gago ka ba?wala kang karapatan hawakan ang binibini ko" sigaw ni Blake at namula ang kaniyang mata.Tumawa naman si Ecari
"Ecari...." tawag ko sakanya dahilan para tumingin siya sakin.Tumigil din ang dalawa sa pagtatalo
BINABASA MO ANG
Marked By The Vampire
Vampire"Bampira" Naniniwala ka pa ba dito?Totoo nga ba ang nilalang na ito?o isa lamang itong kwento? Pero paano kong totoo nga sila? Paano kong ang isang gangster ay maging mate nang isang bampira?markahan ka nang isang bampira?makakatakas ka pa ba?matata...