Chapter 10

2.3K 88 5
                                    

"Napakaganda mo naman...." puri niya sakin

"Shit!" Mura ng dalawang bampira sa likod habang abala sila sa pakikipaglaban sa napakaraming dhampir.Tumingin sila sa direksiyon namin

Napatigil sa pagtatakbo si blake at hinarap ang dhampir.May kinuha siya sa kanyang bulsa na buhangin at isinaboy niya iyon sa dhampir ngunit naka-iwas siya.

"Gamitin mo ang kapangyarihan mo!!" Sigaw ni William matapos niyang kagatin ang Dhampir

"Hindi ko magamit.....pinipigilan nila kaming gamitin ang kapangyarihan namin" inis na sabi ni blake

Nakatulala lang ako sa kinatatayuan kanina ng dhampir.Ang magaganda niyang mata....nakaka-akit tignan

"Pano na 'to?" Naguguluhanng sabi ni Sandro.

Tumakbo ulit si blake.Kinaka-usap niya ako sa aking isipan ngunit ni wala akong maintindihan sa sinasabi niya.Tanging ang dhampir na may magagandang mata lamang ang nasa isip ko.

Hindi ko maiwasang mamangha sakanya....masasabi kong may itsura---hindi, gwapo ang nilalang na yon.Nakadamit lamang siya ng luma,butas-butas ngunit.....natagpuan ko yong kaakit-akit.Kakaiba ang dala niyang karisma.

Di ko namalayang tumigil kami.Isinandal ako ni blake sa isang puno

"Binibini......" napalingon ako sakanya ng tawagin niya ako sa...natatakot niyang ekspresyon

Ipinagdikit niya ang aming noo.Pumikit siya,at halos maduling ako sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Hinalikan niya ang dulo ng ilong ko at tinitigan niya ako.

"Dito ka lang.....wag kang aalis hangga't wala pa ako" sabi niya at biglang umalis sa harapan pero maagap kong hinawakan ang kamay niya.

Umiling ako sakanya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sakanya.Bumalik siya sa kinaroroonan ko at muling pinagdikit ang aming noo.

"Magtatawag ako ng kawal....masyadong silang marami di namin sila kaya at isa pa......mga dhampir ang kalaban namin binibini....higit na mas malakas sila keysa samin" paliwanag niya sakin.Tumayo na siya pero di ko pa rin binibitawan ang kamay niya.

"Binibini......" at unti-unti ko nang binitawan ang kamay niya.Isinandal ko ang katawan ko sa puno.Nanghihina ang pakiramdam ko.Parang may humihigop sa enerhiya ko.

Nakatayo sa blake sa harapan ko.At nagulat nalang ako ng biglang lumitaw sa paligid ko ang napakaraming  malalaking tangkay ng mga bulaklak at pumorma ito sa malaking bilog tila nagsilbi ito na maging pangharang sakin.

Tinignan ko ang paligid.Napaka-ganda.Kulay berde lamang ang nakikita ko at ang puting nyebe.

'Babalik ako agad binibini.....pansamantala muna kitang ikukulong diyan'

Kinausap niya ako sa aking isipan.Tumango lamang ako sakanya at mabilis siyang nawala sa paningin ko.

Pagod na pagod na ako.Parang ang dami kong ginawa sa araw na 'to....gusto kong matulog.

Inihiga ko ang sarili ko sa makapal na nyebe dito sa gubat.Ginawa kong unan ang makapal na nyebe.Nilalamig na din ako.

Iidlip na sana ako ngunit may humaplos sa aking buhok.Napabangon ako.

Tinignan ko siya.Siya yung dhampir na may magagandang mata.Nakapatong ang ulo ko sakanya hita.

Nakangisi siya sakin.Nakaramdam ako ng nakakakiliti sa aking tiyan.

Kinikilig ba ako?

Kasalanan niya ba na ang gwapo niya kapag ngumingiti?

"Anong problema?....binibini?" Sabi niya at humagalpak sa tawa.Anong problema nito?

Marked By The VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon