Chapter 7

2.4K 108 0
                                    

Nagising ako habang nakatali ang mga paa at kamay ko isang upuan.Abot abot ang kaba ko nang lumitaw siya sa harap ko.Kalagitnaan na
nang gabi at sumisilaw sakanya ang
buwan.Tanging buwan lang ang nagsisilbing ilaw dito sa mansyon na halos walang tao at walang ilaw.

Inilibot ko ang paningin at nanghina ako ng may makitang bakas ng dugo sa paligid na nililinis ng dalawang lalaki.Sino ang mga ito?Nasan ang mga tao dito?hindi ba't sinurpresa nila ako?nasan ang mga tauhan ko?ang mga kaklase ko

Iniling-iling ko ang ulo ko.Parang may nakalimutan ako...parang may nangyari na di ko maalala at may nakalimutan akong isang......tao

Napatingin ako sa lalaking nakatalikod sakin.Habang may hawak siya na wine----o dugo ng tao.....nanginig ako sa naisip ko.Wine lang yun josefa.

Humarap siya sakin.Nangatog ang tuhod ko
nang maisip ko na baka inumin niya ang dugo ko.Naalala ko nanaman ang sinabi ni pierra na iinumin ng bampira ang dugo--bampira?di totoo ang mga bampira josefa!umayos ka!.Nasan na ba ang mga tao dito?

Tumawa ng bahagya ang lalaki na ikinatakot ko.Di ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil natatakpan ito ng buhok niya.Nakabuhad din siya at makikita mo ang matigas na bagay sa tiyan niya.Unti-unti siyang lumalapit sakin habang
iniinom ang nasa baso niya

"Ah!" Napatili ako nang pinutol niya ang tali sa kamay at paa ko nang walang kahirap-
hirap.

Binuhat niya ako at pina-upo sa lamesa
nang pabagsak!Ano bang problema ng lalaking ito?.

Lumapit siya sakin at inamoy-amoy ang leeg ko na talagang ikinagulat ko.Pilit ko siyang nilalayo sakin pero hinawakan niya ang legs ko at inilapit sakanya at lalong diniin ang mukha sa leeg ko.

"Hmm...paano naman
napunta ang isang napakagandang binibini sa isang abandonadong lugar na nakikipaglaban?" Gusto ko siyang itulak pero...wala akong lakas para gawin yun.Tanging pag-iyak at pag-hikbi
lamang ang nagagawa ko.Nasan ang tapang mo ngayon?bakit biglang umurong?Nasan na ba ang mga tauhan ko?!

Nagwawala naman ako nang naramdaman ko ang matulis niyang ngipin sa aking leeg.Pinagsisipa ko siya at pinagsusuntok pero parang wala lang sakanya.Ang isang kamay niya ay nasa bewang ko at maya-maya ay umakyat ito patungong ulo ko at ipinatagilid.

"Ba--baliw ka ba!a--aning gi--ginagawa mo sakin"  hirap na hirap akong magsalita.Parang may kumukontrol sakin

Di niya ako pinansin.Samantala ang isa niyang kamay ay nasa hita ko.Iyak lang ako ng iyak nang bumabaon ang ngipin niya sa leeg at naramdaman kong may tumulong tubig o.....dugo.

Dumiin naman ang pagkakahawak niya sa hita ko at sinimulang sipsipin ang dugo ko

"Aahh!" Sigaw ko nang maramdaman ang pagsipsip niya at ang unti-unting pagbawas ng dugo ko.Para siyang sarap na sarap sa iniinom niya,samantalang ako ay
halos mabaliw dahil sa pagkawala nang dugo ko.

At maya-maya ay idiniin niya ang mga ngipin niya sa leeg ko at sinipsip ito na parang uhaw na uhaw

Hindi...hindi ito totoo!di totoo ang mga bampira!

*crack*

Nagulat ako nang bigla niyang hampasin ang lamesa na sobrang haba.Napakapit naman ako sa batok niya at nakahawak siya sa pang-upo ko nang mahati ang mesa.Nanghihina na ako at anumang oras ay mawawalan ako nang malay.

Napapabitiw din ako sa pagkakahawak sa
kanyang batok

Kita ko ang matulis niyang ngipin at pag-uurat ng mga braso niya Tumutulo ang dugo ko galing sa kanyang bibig

Nagdodoble na ang paningin ko pero alam kong nakatitig ito sa akin.Buhat buhat niya pa rin ako gamit ang isa niyang kamay at ang isa niyang kamay ay hinawakan ang ulo ko at dinilaan ang natitirang dugo sa leeg ko

"Ang sarap ng dugo mo binibini" sabi niya habang tuloy pa rin sa paglilinis ng leeg ko.Gusto kong murahin ang bampirang nakabuhat sakin.Gusto kong barilin ang bungo nito dahil sa pagsipsip niya sa dugo ko pero....wala na akong natitirang lakas para gawin 'yon

Nang wala nang matirang dugo ay ngumisi ito sa akin at ngayon ko lang nasilayan ang mukha niya.Kahit nanghihina na ako di ko maipag-kakaila na gwapo ito.At naisip ko pa pa talaga ang ganitong bagay?.

Ngumisi naman siya sakin tsaka ako hinalikan sa labi "I marked
you.....simula ngayon,AKIN ka na binibini" ngising sabi niya sakin

"Aalis pa ba kami?" Tanong---sarkastikong sabi ng lalaking kasama niya."Wala pa tayo sa ating mundo may pakagat kagat ka nang nalalaman" natatawang dugtong ng lalaki

"Tss may pasabi sabi pang....'Akin ka na binibini'tss susumbong kita!" Natatawang sabi ng isa pang lalaki.Ano ba ang nangyayari?ang mga tauhan ko?ang mga kaklase ko?si---.

Napatigil ako sa pagtatanong sa aking isipan...parang may nakalimutan akong isa mahalagang tao sa buhay ko?

Ipinikit ko ang mata ko at pilit inaalala ang taong nakalimutan ko...sino na nga ba siya?bakit...bakit parang may kulang?.

Mga tauhan ko.....mga tauhan ko....mga tauhan ko,sila lang naman ang ang natitira kong pamilya.Pero bakit ganoon?parang may kulang?

"Anak ng?tumahimik ka na nga sandro!" Sabi ng lalaking sumipsip ng dugo.Kita ko ang pagkairita

"Ga--go!asan an--ang mga ka--kasama ko" hirap na hirap ako sa pagsasalita.Inupo nya ako sa isang upuan.Ngumisi siya sakin na ikinairita ko.Gusto kong bunutin ang baril ko dito pero wala na akong lakas

"Matulog ka muna aking binibini" pagkasabi niya nun ay nagkulay pula ang kanyang mata.At kasabay nun ang pagbigat ng talukap ko.



***Don't forget to vote and comment😍😉***

Marked By The VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon