"Hindi dapat tayo sumama" diing sabi ng bata habang nakabusangot ang mukha.Umikot nalang ang mata ko.
Kanina pa siya nagsasalita na hindi ko naman alam kong ano o sino ang tinutukoy niya.Kanina pa siya sabi nang sabi na 'magseselos siya' 'hindi dapat tayo sumama' 'bumalik nalang tayo sa palasyo' 'nakakatakot siyang magalit at magselos' Hayyss!di ko maintindihan ang batang 'to!sarap sapakin ih---pero pasalamat siya dahil ako ang may kasalanan kung bakit kami napalaban at nagutay-gutay ang damit at dumugo ang braso niya---at gwapong bata siya hihi
"Hay naku,kung wala ka lang sugat di tayo sasama at isa pa!alangan naman babalik tayo sa palasyo nang ganito?!edi nabuking tayo baka parusahan din ako ng hari.Tsaka nakakahiya naman kung tumanggi tayo sa kanya diba?nu yon?walang manners lang ang peg?!" paliwanag ko sa kanya.Sinamaan niya naman aki nang tingin dahil sa huling sinabi ko.
Ay!aba't tinatarayan ako nang bata!
"Kung hindi lang kasi matigas ang ulo mo edi sana hindi tayo hahantong sa ganito" masungit na sabi niya.Aba't ako pa ang sinisi?!ako pa ang matigas ang ulo?!maglalaro lang naman kami eh!
Natahimik nalang ako.Nasapol ako dun eh.
Tumingin ako sa bata.Nagpatuloy kami sa paglalakad--sa pagsunod sa lobo.Napaka-bata niya pa pero kung makapagsalita siya ay talo niya pa ko*pout*.
"Mas mabuti kong bumalik nalang tayo sa palasyo kesa sumama sa lobong 'to at--" agad ko siyang pinutol.Magproprotesta sana ako kaso naunahan niya ako.
"Kung ang inaakala mo ay paparusahan ka rin nila---hindi,tsk bat naman nila yun gagawin sa itinakda?" sarkastikong pagkakasabi niya.
Lumingon siya sakin at kita ko sa mukha niya ang ngisi ngunit hindi 'yon matatago ang lungkot sa kanyang mata at ang pagka-inosente sa kanyang mukha.
Bumalik siya sa pagiging seryoso at bumalik sa paglalakad."Nakakatakot si kuya Blake kung magselos" napahinto ako bigla
"Mas gugustuhin ko pang maparusahan ni Ama keysa ni kuya.Naawa ako sa pwedeng mangyari sakin pag nalaman niyang nakipag-laban tayo sa mga Dhampir at kasama natin ang lobong niyan.Natatakot rin ako sa pwedeng mangyati kay kuya at baka maulit ulit ang nangyari noon.Pero ayos lang sakin kong mapatay ni kuya ang lobong 'yan" sinamaan ko nang tingin ang vata kahit na nakatalikod siya.Matapos niyang sabihin ang huling sinabi niya ay nagkibit-balikat siya
"Matalas ang pang-amoy ng mga bampira.At ayaw na ayaw namin ang amoy ng mga lobo.Kapag na-amoy ka ni kuya...tiyak .patay ang lobong 'yan ngayon"
Napa-nganga lang ako.Grabe naman.As in ngayon na?now na agad?!
"Alam mo naman sigurong ka-away namin ang mga lobo?tsk tsk" sabi niya't iiling-iling.
Akala ko ba ay magkakampi sila--nabasa ko kasi yun sa mga niresearch ko.
Tila naman naintindihan nang bata na naguguluhan ako kaya't napabuntong hininga't sapilitang nagsalita.
" dekada na ang nakalipas.Magkakai-bigan ang mga lobo't bampira,ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nakagawa nang isang kalapastangan ang isang lobo sa dating pinunong bampira" kinain ako nang aking kuryosidad at gustong kong malaman kong ano ang ginawang kasalanan nang lobong 'yon
"Kaya kung ako sayo ay bumalik nalang tayo sa palasyo't iwan ang lobong 'yan" tinignan ko siya at ipinakita ang naguguluhang mukha at may gusto pang malaman.
Napa-sampal siya sa kaniyang noo at pina-ikot ang mata.Hangkyut!"Inagaw niya ang mate nang pinunong bampira!" natahimik ako.Tila nadismaya sa sagot niya.
BINABASA MO ANG
Marked By The Vampire
Vampire"Bampira" Naniniwala ka pa ba dito?Totoo nga ba ang nilalang na ito?o isa lamang itong kwento? Pero paano kong totoo nga sila? Paano kong ang isang gangster ay maging mate nang isang bampira?markahan ka nang isang bampira?makakatakas ka pa ba?matata...