Paikot-ikot lang ako dito sa dining area habang sapo-sapo ang noo ko.Sh*t,di ko alam ang gagawin ko dito.
"Ahmm..boss pwedeng maupo ka muna?" Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya
"Eh kung sapakin kaya kita?makikitira na nga lang kayo mag-uutos pa?!" Galit na sigaw ko sa kanya
"Nagrerequest lang eh,utos ba yu---damn!" Nanlaki naman ang mata ni fred habang nakataas ang isang paa at dalawang kamay niya sa gulat habang nakasandal sa pader."Kamuntikan na ako oy!" Dagdag niya habang tinatanggal ang kutsilyo sa damit niya dahil nadaplisan ito ng kutsilyo na binato ko
"Tumahimik kayo kong ayaw niyong mamatay nang maaga!.Pasalamat ka at kutsilyo ang nahawakan ko hindi baril!" Napatingin naman ako sa kwarto ni ecari,baka kasi marinig niya kami dito lagot ako.Di pa naman siya papayag kapag nakitira 'tong mga asungot na 'to dito
Napakamot ako sa ulo ko habang lahat ng lalaking nasa harapan ko nasa kusina na at pinagpi-piyestahan yung niluto ni ecari kanina.Kinuha ko naman ulit yung kutsilyo na ibinato ko kay fred at ibinato ulit yun sa kanila.Sakto naman dun sa tinapay na kinukuha nila."Bumalik nga kayo dito!"
Di pa nakikilala ni ecari yung mga tauhan ko.Oo,tauhan ko ang tawag ko sa kanila hindi kagrupo.Paano ko sasabihing kagrupo ko sila kong hindi sila nakiki-sama sakin.Dapat may TEAMWORK!kaso wala sila nun eh kaya kailangan ko pa silang utusan.
"Grabe naman si boss,kukuha lang ng tinapay eh"
"With palaman bro!"
"Oo nga,tapos nambabato na ng kutsilyo"
"Sayang di natamaan si bart,wala na sana akong kaagaw dun sa babaeng nakita ko sa tabi-tabi"
"Ay g*go 'to!alam mo ba ang kasabihang 'share your blessings' bro?"
"Gago!alam mo din ba yung kasabihang 'sharing is good but not this time-----"
"Ay aba!makikibahay na nga lang,aagawan pa ako ng line--bibigwasan ko na talaga kayo!" sabi ko kay gaze habang hawak ulit ang kutsilyo
"Boss naman....walang ganyanan,alam ko namang mahal mo ako kaya di mo yan magaga---"
Napatingin kami sa hagdan nang may narinig kaming tumili.At....nakita ko si ecari na nakatakip sa bunganga habang nanlalaki ang mga mata.
"Gosh!.....ang gwa-gwapo at ang...." di niya na tinuloy ang sinabi niya at nagtatakbo mula sa kinatatayuan namin at pinagyayakap yung mga tauhan ko
Napanganga nalang ako.Pinagmasdan ko lang si ecari na abala sa pagpupuri sa mga tauhan ko na 'ang ga-gwapo niyo!!tapos may pandesal pa kayo yieehh!' Kinikilig na sabi niya.Mukhang dito na papatirahin ni ecari ang mga tauhan ko.Kilala ko siya mula bata,basta kapag may nakitang gwapo di na 'yan mapakali.Napa-iling nalang ako,di sila pwedeng manirahan dito.Baka mapahamak pa si ecari pag-nagkataon
"Umalis na kayo" walang kabuhay-buhay na sabi ko.Napatigil naman silang lahat
"Pero...wala na kaming matutuluyan" sabi ni cyjie habang hawak ang kamay ni ecari na nakahawak sa abs niya kunno!?
Napakamot ako sa ulo.Di ba nila iniisip na baka may sumugod dito bigla-bigla at madamay si ecari?!
Binuksan ko ang pintuan tsaka umalis sa apartment na napapa-iling.Kakalabas ko palang ay may naramdaman na akong kakaiba.
Tss,nasundan sila.Gusto kong i-umpog ang ulo nila sa pader para gumana ang mga utak nila.Kahit kailan talaga di sila nag-iingat.
Nanatili lang akong nakatayo dito at hinihintay ang susunod nilang gagawin.At maya-maya ay nagsilitawan ang tatlong lalaki.Yung isa ay nakahawak nang sigarilyo.At yung dalawa ay may hawak na baseball bat.Nakataas ang kilay ko sakanila pero agad akong yumuko nang tumigil silang tatlo sa harap ko
Binugahan muna ako ng isa ng usok ng sigarilyo bago nagsalita."Hoy bata!dumaan ba dito yung mga tarantadong lalaki!marami sila!"tanong nito sakin.Imbes na pansinin ay nilampasan ko lang sila,tss
"Ay g*go 'to boss,nilampasan ka lang?"
Di nila ako kilala.Nakalaban na namin sila noon at ang masasabi ko...weak sila,hindi sa pagmamayabang ha pero totoo naman eh.Nakadisguise kami kapag nakikipaglaban kami,syempre para iwas minsan sa gulo at matago ang identity namin sa kanila.Ayaw namin na may nakakakilala samin dahil oras na ma-mukhaan kami,madadamay ang mahal namin sa buhay,mga malalapit samin.Ako,at ang tauhan ko ay wala nang pamilya,lahat kami ay ulila.
Kapag nakakasalubong namin yung mga naka-away namin ay nilalampasan lang kami,syempre di kami nila nakilala.Hindi sa lahat ng oras gusto namin ng gulo.Syempre gusto rin naming mamuhay bilang estudyante!normal na tao...
Akmang hahawakan ako ng isa ay bigla akong tumakbo.Binilisan ko ang pagtakbo at nagtago sa mga eskinita dito.Nilabas ko ang jacket ko na may hood na takip ang kalahati ng mukha ko.Kita ko naman na lilinga-linga yung tatlong lalaki."Mukhang natakasan tayo ng batang 'yun boss" sabi ng isa
"Hayaan niyo na 'yun wala tayong mapapala dun" lalakad na sana pabalik,nagpakita ako.Alam kong babalik sila dun sa apartment namin,baka mapahamak si ecari
"Tss." Yun lang lumabas sa bibig ko,kita ko naman ang gulat sa mukha nila...at takot.
Sa kaliwang manggas ng jacket ko ay nakadesinyo dito ang malaking letrang 'V' at nakapalood dito ang hugis ng bunganga na may pangil.Hindi ko alam kong bakit yan ang naisip kong simbolo ng gang namin.Basta na lamang itong pumasok sa isip ko at naalala ang kahon ko
"Sabi ko sayo boss...nandito sila" sabi nung may hawak na baseball bata.Nag-utos nman yung nakahawak na may sigarilyo na sugurin nila ako pero nag-alinlangan yung dalawa pero sa huli sumugod din
Ihahampas naman sana nung isa ang hawak na baseball bat sakin,agad akong umilag at hinawakan ang braso niya at inilagay sa likod at sinipa ko ang tuhod niya na dahilan nang pagkabagsak niya.Nakaharap ngayon ang mukha nita sa kalsada
Nakadagan ako sa kanya habang hawak pa rin ang kamay niya at sumugod din naman yung isa.Dire-diretso lang siya sakin,hinarang ko naman ang paa ko sa dinadaan niya dahilan upang matumba siya.Ganoon din ang ginawa ko sakanya tulad nang ginawa ko sa isa.Akmang aalis yung lalaking naninigarilyo agad kong binunot ang kutsilyo na nasa tagiliran ko at ibinato sakanya
"Anong ipinunta niyo dun" malamig kong usad.Kita ko ang panginginig nang mga tarantado
***Don't forget to vote and comment😍😉***
BINABASA MO ANG
Marked By The Vampire
Vampire"Bampira" Naniniwala ka pa ba dito?Totoo nga ba ang nilalang na ito?o isa lamang itong kwento? Pero paano kong totoo nga sila? Paano kong ang isang gangster ay maging mate nang isang bampira?markahan ka nang isang bampira?makakatakas ka pa ba?matata...