Nakatulala ako ngayon sa kawalan habang paulit-ulit sa isipan ko ang salitang 'bampira'.Agad akong kinilabutan.
Matapos ko kasing marinig ang mga pinag-uusapan ng aking kaklase tungkol sa bampira ay di na ito nawala sa isip ko
Di kaya....ang nagpaparamdam sakin ay isang.....bampira?at hindi multo?.Ang nararamdaman ko bang dalawang matulis na bagay sa aking leeg ay kagagawan ng bampira?syete!
Sabi kasi ng kaklase ko ay may dalawang matulis na ngipin ang bampira na sisip-sipin ang dugo sa leeg.At sa oras na makagat ka daw nila ay magiging isang bampira ka na rin?watda!?
Narinig ko rin na mamayang gabi daw ay gagawa sila ng ritwal para magpakita ang bampira at kagatin sila upang maging bampira sila...seryoso ba sila dun?
***
Mag-a-alas dose na ng gabi.At di ko alam kong anong ginagawa ko sa isang abandonadong mansyon dito na nasa gitna ng gubat.
Sinundan ko lang naman ang kaklase ko na papunta dito,kung saan gaganapin daw ang kanilang ritwal?!tss
At habang nasa harapan ko ang malaking gate ay luminga-linga ako sa paligid.Madilim at tanging ilaw ng buwan ang nakikita ko.Di ko maiwasang matakot at mag-isip ng kung ano-ano na tungkol sa multo...grr
Tumakbo na kasi si pierra,kaklase ko na kasama sa gaganapin daw nilang ritwal?tss.Natatawa nalang ako kapag sinasabi ko ang salitang ritwal?...tss.Pumasok sila sa mansyon,at di ko naman sila pwedeng habulin dahil baka magtaka sila sakin kong bakit ako sumusunod sa kanila.Kaya nagtago nalang ako sa mga puno at hanggang sa di ko na sila nasundan pa.
Habang naglalakad ako ay may naririnig akong mga kaluskos sa kung saan saang parte papasok sa manyon
"Aaahh!!"tili ko nang may maramdaman akong tumali sa paa ko.Nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko.Gusto ko mang makita kong ano ang bw*sit na bagay sa paa ko ay di ko magawa.Natatakot ako na baka kamay yun ng multo at sa oras na tumingin ako sa paa ko ay sakto namang hihilain niya ako.Huminga muna ako ng malalim at pinakalma ang nagkakarereng puso ko dahil sa takot,unti-unti kong binaba ang ulo ko
At napamura nalang ako at napapadyak!.Gusto kong magdadabog-dabog dito dahil ang duwag duwag ko at ang tanga ko.
Isa lang naman palang baging ang sumabit sa paa ko.
Damn!masyado akong advance mag-isip kaya heto ako at halos maihi sa pajama ko
"Duh!!di ako natakot noh!alam ko namang baging lang yon!"ungot ko dito habang pinagpuputol ang makasalanang baging na sumabit sa paa ko.
"Bw*sit ka!akala ko may humawak na sa paa ko yun pala ikaw lang yun!bad ka bad ka!" Para akong bata dito habang wala akong tigil sa pagputol ng baging.Naiiyak nanaman akk
Napatigil naman ako ng may narinig ako mga hagikgik.Agad nanlamig ang kamay ko dahil nanaman sa takot ko!.Pero agad akong naging matapang nang mapatingin ako sa baging
"HA!di niyo na ako matatakot!alam kong guni-guni ko lang yan!HA!sigurado akong mga dahon kang na nililipad ang naririnig ko!HA!di na ako magpapaloko sa sarili ko!di na ako matata---WAAAAHHHHH!!" Kumaripas na ako ng takbo dahil may kung anong bumagsak sa ulo ko
Nakarating ako sa harap ng pinto ng mansyon.Hingal na hingal ako habang pinagmasdan ang pinto.
Hinayaan ko munang humapa ang pagod bago ako tumayo ng tuwid at hinawakan ang sirang door knob.Nag-aalangan akong buksan ito...baka kasi mamaya ay may lumabas na multo at ta--erase erase!masyado na akong kinakain ng takot ko.
Umayos ako ng tayo at inangat ang ulo ko.At straight kong hinawakan ang door knob.Dahan dahan ko itong binuksan na may pangangatog na binti.Nang mabuksan ko ito ay gusto ko nalang na mahimatay.
BINABASA MO ANG
Marked By The Vampire
Vampiros"Bampira" Naniniwala ka pa ba dito?Totoo nga ba ang nilalang na ito?o isa lamang itong kwento? Pero paano kong totoo nga sila? Paano kong ang isang gangster ay maging mate nang isang bampira?markahan ka nang isang bampira?makakatakas ka pa ba?matata...