Chapter 12

2.1K 90 0
                                    

Alon alon na bilang ng mga bampira.Musikang kay sarap sa pandinig.Mga kasuotang kumikinang sa dilim.Libo-libong mga pulang mata na nakatutok sakin at ang nagkakarera kong puso dahil sa sobrang kaba.

Nanginginig ang mga kamay ko.Di ko alam kung saan ko itutungo ang paningin ko.Sa taas ba?sa baba ba?o sa harap ng mga bampira na namumula ang mga mata.

Nakakabingi ang katahimikan nila.Tanging napakagandang musika lamang ang naririnig ko.

Natuod ako sa kinatatayuan ko.Para bang sa ilang sandali ay nakalimutan kong maglakad.At sa anumang oras ay kailangan ko ng gagabay at sasalo sakin sa oras na ako'y bumagsak.

'Binibini?'

Isang munting tinig ang narinig ko sa aking isipan.Agad akong napatingin at sinuyod ng tingin ang libo-libong bampira na narito ngayon.Ngunit hindi ko siya mahanap.

Inangat ko ng unti ang aking paningin sa gilid sa taas.Nakita ko kung saan ang inuupuan ng Hari at Reyna.Ang kanilang trono.At nakita ko ang dalawang gwapong bampira na kakaiba ang tingin sakin.At nasa gitna nila si Blake na nag-aalala

'Ayos kalang ba aking...binibini?namumutla ka.Gusto mo bang huwag nang ituloy ang selebrasyon?' Napakamalumanay nang kanyang boses.Nakakagaan ng pakiramdam

Ngumiti ako't umiling.Okay lang ako.Sambit ko.

Hanggang ngayon ay di ko pa rin alam kong paano basahin/kausapin si Blake gamit ang isipan.Mukhang nagkataon lang talaga noon nung nakaya ko siyang kausapin

Ibabalik ko na sana ang aking paningin sa libo-libong bampira nang may naka-agaw ng pansin ko.Isang babae na matagal ko nang kilala.Na naging kaibigan ko't kapatid.

Napatakip ako sa bunganga ko.Nanghihina ang tuhod ko kaya't bago pa man ako bumagsak ay sinalo ako ng mga kawal na nasa gilid ko.

Nahagip ng paningin ko ang biglaang pagtayo ni Blake,papunta na sana sya sa direksiyon ko nang pina-upo ulit siya ng Hari.

Nakatingin pa rin ako ngayon sa babae nakabestida ng itim.At kumikinang sa dilim ang disensyo na nakapalibot sa damit niya.Napakatamis ng kanyang ngiti.

"E--ecari?" Naiiyak kong sabi.Halo-halo ang nararamdaman ko.Halong saya,lungkot,kaba.

Itinayo ako ng mga kawal.Hindi ko pa rin inaalis ang paningin ko kay Ecari

Tumayo ang Hari."Magbigay pugay sa itinakdang magliligtas sa ating kaharian!sa ating mundo." Nalipat ang tingin ko sa hari.Magliligtas?

Sabay sabay na iniluhod ng lahat ng mga bampira ang isa nilang tuhod tsaka yumuko.

Tumayo na sila at ang mga kawal na nasa tabi ko ay ipinunta ako sa parang isang trono.Nagtaka ako.Hindi ko parin maintindihan ang mga nangyayari.Nakaupo na ako ngayon habang nakayuko

"Narito tayong lahat upang ipagdiwang ang pagdating ng itinakda.Ang matagal na nating hinihintay." At nagsipalakpakan at naghiyawan ang lahat

"Marahil ay naninibago pa lamang ang ating itinakda dito sa ating mundo." Muli silang nanahimik

"Ang anak kong si Blake.Siya ang mate ng itinakda.Kaya kong sinuman ang umagaw sakanya ay magiging abo at tuluyang mawawala sa mundong...Lamia Mundus"
Ramdam ko ang bigat ng presensiya ng mga narito.At tila lahat sila ay kinabahan.

Inangat ko ang tingin.Kung saan naroroon si Blake.Blanko ang ekspresyon pero taas noo nitong sinuyod ng tingin ang napaka-raming bampira.

Pinatunog nang Hari ang kaniyang daliri.At sa isang iglap lang ay bumukas ang malaking Gate at tumambad ang Kaharian ng mga Vamned.

Marked By The VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon